Chapter 4

1745 Words
SKY’S POV Nagising ako ng sobrang sakit ng ulo ko. Dahan-dahan akong bumangon. Nakita ko si Annie. Tss! Ano na namang ginagawa ng bruhitang ito dito? “Mabuti naman at gising ka na. Eto! Gamot yan na ipinadala ni mommy” sabi niya tapos tinapon niya sakin yung isang maliit na bottle. Saka siya umalis ng walang salita. Pumunta ako sa Cafeteria para bumili ng mineral water atsaka ininum ko na yung gamot ko. Ano kayang nangyare kanina? At pano ako napunta dun sa clinic? Teka, baka late na ako sa next subject ko. Naglakad na ako pabalik sa classroom at hindi pa naman. Umupo na ako tapos ay ipinatong ko lang ang ulo ko sa desk. Ang sakit talaga ng ulo ko kanina eh. Maya-maya pa may babaeng umupo sa harap ko. Mukha siyang masungit. Maya-maya pa pumasok si Annie. Nilibot niya yung tingin niya. Tapos huminto siya sakin? O sa babaeng nasa harap ko? “Huy Saffire! Ano na naman ang kinalat mo sa seniors ha?! That I’m an adopted child?! How dare you!? Alam mo bang sirang-sira na ang image ko” sabi ni Annie sa babaeng nasa harap ko. Woah! Mukhang may kakampi na ako dito ah Dali-dali namang to the rescue yung boyfriend ni Annie. “Saffire ilang beses ka na naming binalaan ah!” Blake yung boyfriend ni Annie na pangit. “Bakit? Hindi ba totoong ampon ka?” pagtataray nung Saffire. Sige lang Saffire. Ay,nakiki-Saffire na rin daw ako. Feeling Close ako “Of course not! Humanda ka talaga sakin!” sasabunutan na sana ni Annie yung Saffire ng humarang ako. “Na uh-uh Annie… Baka gusto mong isumbong kita sa Dean. Sigurado akong expelled ang abot mo niyan” sabi ko kay Annie. “Huy Sky ha! Wag kang makisali dito.” Annie “Oo nga miss. Baka gusto mong pati buhay mo maging miserable katulad ni Saffire” Blake “Is that true?” tanong ko kay Saffire. Tumango lang siya na parang walang pakialam. “Matagal ng miserable ang buhay ko. Simula ng dumating si Annie sa buhay namin, right Annie?” then I smiled on her devilish. “What are you talking about?!” Annie “Wala naman” sagot ko lang. “Umalis ka dyan Sky! Huy Saffire. bawiin mo yung sinabi mo sa mga seniors!” Annie “Bakit ko naman babawiin?” taas kilay pang tanong nitong Saffire. “Oo nga naman. Your right miss Saffire,right?” tapos tumango sakin yung Saffire. Mukhang magkakasundo kami nito ah! “Sky!” warning tone ni Annie. Para namang naging ate ang naging paningin ko sa kanya. Damn! Nakikita ko kasi si Annie minsan kay Kuya Tyler kaya ganun. Para akong tuta kapag naging ganyan ang tono ng boses ni Annie. Ewan ko pero ganyan kaming dalawa eh. Nang dahil sa warning tone niya na ganyan natatapos agad ang away namin. “Okay fine. Hihinto na ako, once na tigilan niyo siya.” mahinahong sabi ko. Pag naging ganito na ang tono ng pananalita namin ni Annie. Para na kaming okay na ulit. Pero hindi talaga yung okay na okay. “O sige.” sabi niya tapos nagrolled eyes lang siya kay Saffire at sakin saka siya umalis. Halatang nagtataka yung mga students. Sumunod ng lutang yung boyfriend ni Annie sa kanya pati yung tatalong unggoy. “Ayos ba?” sabi ko kay Saffire. “Okay naman. Teka, kilala mo ba ako?” Saffire “Yung name mo alam ko pero alam mo feeling ko magkakasundo tayo!” “Ako din. Well, I’m Saffire Meryl, Saf for short” tapos hineld niya yung kamay niya sakin. “I’m Skylar Melei. Sky for short” tapos ayun inabot ko yung kamay niya. New friend. New kakampi. . . .  “Papano mo nga pala nalamang adopted lang si Annie?” tanong ko kay Saf. Nandito kami sa likod ng school. Parang park siya eh. “Narinig ko lang sa CR. Nung nag-uusap sila nung mga alipores niya” “Ahh..” “Diba katulong ka nila Annie?” “Katulong? Eh anak ako nung nag-adopt kay Annie eh. Hinayaan ko na rin siyang sabihin niyang katulong ako nila” “Talaga?! Ang feeling niya naman pala talaga. Pero, wala namang balita sa school na may kapatid si Annie eh. Maliban kay Kuya Tyler” “Siguro tinago ni Annie. Nag-aral kasi ako sa States for 4 years eh” “Kaya pala. Pero ang astig ah! Nasasagot mo ng ganun si Annie” “Kahit naman ikaw eh” Tapos natahimik na naman kaming dalawa. May kinakuha si Saf sa bag niya. Tapos napansin ko yung skull sa panyo ni Saf. “Isa kang gangster?” halatang nagulat siya sa tanong ko. Ang skull kasi. yun daw yung sign na isa kang gangster. Pero tanging ang mga gangster lamang ang nakakaalam nayun yung logo nila. Nakita ko kasi yun kay Annie, Kuya, mom at dad. Pero ako? Wala. Ayoko pa. “P-Pano mo nalaman?” “My mom,dad,kuya and Annie is a gangster. Ako lang ang hindi.” “T-talaga?” “Oo,pero marunong rin akong makipaglaban. Pero sadyang ayaw ko talagang pumasok sa pagiging gangster” “Ahh,bakit naman?” “Wala lang. Hindi naman sa takot ako. Kundi sadyang ayaw ko lang talaga” “Ahh..” Natigil kami sa pag-uusap ni Saf nang dumating si Annie. “Sky. Naghihintay na si dad sa labas.” Sabi niya tapos umalis na siya. “O sige Saf ha? Kita-kits tomorrow” “Okay” tapos ngumiti siya sakin. Ang ganda niya Sumunod na ako kay Annie palabas ng gate. . . . DRAKE’S POV [Bago mahimatay si Sky ang mga oras na ito]   Nakakabwisit yung transferry. Tsk! Bakit ba hindi ko nalang sinuntok yung babaeng yun? Ang taray-taray. Oo maganda nga siya pero sobrang taray naman! Ako nga pala si Drake Markson Lee ang leader sa aming apat. Yung tatlong kaibigan ko ay sina Cyrus Damian Go, Ace Levi Byeon at si Blake Nico Yu. Nagkaklase na kami ngayon at hindi ako nakikinig. “A-Araay!” biglang sabi nung transferry. Sky ata yung name kung hindi ako nagkakamali. Hawak-hawak niya yung ulo niya.  Anyare kaya sa kanya? Tapos maya-maya pa ay nahimatay na siya. Hindi ko alam pero ako yung sumalo sa kanya kasi malapit lang naman yung upuan niya sa upuan ko. Dinala ko siya sa clinic. Sinabihan ko na rin si Blake na sabihin kay Annie. Kung nagtataka kayo kung bakit kami sunod-sunuran ni Annie. Well,dahil siya ang campus Queen. Ako ang leader samin pero si Blake ang  may gusto kay Annie kaya kapag si Annie na ang usapan siya ang nangunguna. Nang makarating si Annie pinabalik niya na rin kami sa classroom namin at siya na raw ang bahala sa katulong nila. Pero hindi ako satisfied na katulong lang yun babaeng yun. Kasi maganda siya at ang kinis kinis pa. Pinupuri ko na yung mataray na yun eh. . . . Nakabalik na si mataray sa classroom namin. Nag-uusap lang kaming apat ng sumugod si Annie sa classroom. Sino kayang hinahanap niya? Hanggang sa tumingin siya dun sa bandang upuan ni mataray. Pero hindi si mataray ang pinuntahan niya kundi si Saffire. Ang dakilang kaaway ni Annie dito sa school. “Huy Saffire! Ano na naman ang kinalat mo sa seniors ha?! That I’m an adopted child?! How dare you!? Alam mo bang sirang-sira na ang image ko” sabi ni Annie kay Saffire. Adopted? What a rumor! Lumapit na kami nina Blake dahil si Annie na ang issue. First day na first day.  “Saffire ilang beses ka na naming binalaan ah!” sabi ni Blake kay Saffire. Matagal na naming pinagtitripan si Saffire. Actully, simula nung binangga ni Saffire si Annie. Doon. “Bakit? Hindi ba totoong ampon ka?” pagtataray ni Saffire. Talagang matigas tong babaeng toh. Tahimik lang kami nina Cyrus at Ace. “Of course not! Humanda ka talaga sakin!” sabi ni Annie. Sasabunutan na sana ni Annie si Saffire ng humarang yung babaeng mataray. “Na uh-uh Annie… Baka gusto mong isumbong kita sa Dean. Sigurado akong expelled ang abot mo niyan” sabi ni mataray kay Annie. Grabe talaga tong babaeng toh! “Huy Sky ha! Wag kang makisali dito.” Sabi ni Annie dun kay mataray. Sky pala ang pangalan ng babaeng toh. “Oo nga miss. Baka gusto mong pati buhay mo maging miserable katulad ni Saffire” sabi naman ni Blake kay mataray. Hindi pinansin ni mataray si Blake at kay Saffire siya humarap. “Is that true?” tanong niya kay Saffire. Tumango lang si Saffire dito. “Matagal ng miserable ang buhay ko. Simula ng dumating si Annie sa buhay namin, right Annie?” sagot ni mataray. Anong ibig niyang sabihin. “What are you talking about?!” Annie “Wala naman.” sagot ni mataray. Kakaiba talaga tong babaeng toh.  Ang taray. “Umalis ka dyan Sky! Huy Saffire. Bawiin mo yung sinabi mo sa mga seniors!” pagpapatay malisya ni Annie. “Bakit ko naman babawiin?” taas kilay pang tanong nitong Saffire. “Oo nga naman. Your right miss Saffire, right?” tapos tumango sa kanya si Saffire. Mukhang magkakaroon ng kakampi tong si Saffire ah. Nako! Mas malaking gulo pagnagkataon. “Sky!” sabi ni Annie kay Sky na parang ate. Para namang batang sunud-sunuran si mataray. “Aish! Okay fine. Hihinto na ako, once na tigilan niyo siya.” mahinahong sabi ni Mataray. Ganun lang yun? “O sige.” sagot ni Annie na ikinagulat naming. Grabe! Nakakaloko naman tong mataray na toh. How can she talk like that in Annie? What the eff! Lumabas na si Annie kaya naman sumunod kami sa kanya. Pumunta kami sa rooftop. Dun kami minsan tumatambay. “Annie.what the f-ck is that?” Blake “What?” Annie “Papano.. Nevermind.” Blake “Ahh..nga pala.. Mom is  inviting the four of you for a dinner later. Is it okay?” Annie “Kayo?” Blake “Sakin okay lang. Wala namang assignment eh” Ace “Puro ka talaga aral. Sige sama ako” Cyrus “Ikaw Drake?” Blake “Oo. Para naman makabawi kami sa hindi pagsipot kahapon” “tss! Mabuti naman. Sige kita-kita nalang later” tapos umalis na si Annie at kami naman bumalik na sa classroom.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD