Kabanata 1

1482 Words
"Ma'am Alison, Ipinapatawag na po kayo ni Ma'am Sonya sa baba. Nakahain na po ang almusal ninyo." Katok ng katulong namin mula sa pintuan ng kuwarto ko. "Sige po, Yaya. Pakisabi po na bababa na ako." "Sige po, Ma'am Alison. Masusunod." Isinara ko muna ang laptop ko at ipinatong ito sa side table ko. Kanina pa ako gising, pero hindi pa ako bumababa dahil may tinatapos pa akong project sa isang subject namin. Pero dahil ipinapatawag na ako ni Mama ay kailangan ko ng sumunod doon. Masama pa naman na pinag-aantay ang pagkain. "Good morning, Anak. Kamusta ang tulog mo?" Masayang bati sa akin ni Mama ng makababa ako. Inaasikaso nito ang mga pagkain sa mahaba at mamahalin namin na lamesa. "Good morning, Ma. Ayos naman po ang tulog ko— Siya nga po pala, Nasaan si Papa?" Tanong ko ng hindi ito makita doon. "Nasa labas. Kausap sa cellphone ang Manager ng factory natin na si Mister Lee." "Ang aga aga naman po at trabaho kaagad ang inaasikaso ni Papa." Wika ko at naupo na. Kaagad naman na nilagyan ni Mama ng pagkain ang plato ko. "Siya nga pala, Alison. Dumating na iyong bag na inorder ko sa States para sa iyo." "Bag? May inorder ka pong bag para sa akin, Ma?" "Oo." Tumatangong sagot nito. "Nag labas kasi ng bagong disenyo ng bag ang paborito mong luxury brand. Kaya't inorder kaagad kita. Muntik pa nga akong maubusan. Mabuti na lamang ay may kakilala ako sa States na Manager ng store na iyon." "Teka, Seryoso ka po ba d'yan, Ma? Nakita ko nga ang bagong bag na inilabas nila sa website. Balak ko nga sana po iyong bilhin." "Yes, Nandoon iyon sa kuwarto namin ng Daddy mo. Ipapa-akyat ko na sana sa kuwarto mo pero naisipan kong ako na mismo ang mag abot sa iyo." "Thank you, Ma! The best ka po talaga!" Masayang wika ko kaya't napangiti si Mama. "At tsaka pala, Anak. Nai-send ko na rin ang p*****t sa bank account ng school niyo. Para doon sa field trip niyo sa Macau." "Po? Bakit binayaran mo po kaagad? Matagal pa naman po iyon at nag aalangan pa nga ako na sumama po doon. Tinatamad po kasi akong mag out of the country ngayon lalo na't tambak po ang mga gawain ko sa school." "Eh baka kasi mawala sa loob ko. At tsaka sumama ka na doon, Tutal at bayad na rin iyon at hindi na puwedeng i-r****d pa. At dapat ay ine-enjoy mo ang ganoong mga pagkakataon, Ngayon na nga lang kami nakakabawi sa iyo sa dami ng field trip na hindi mo nasamahan noon." Napangiti na lamang ako ng maalala ang buhay namin noon. Walong taon na ang nakakalipas pero para bang kahapon lang iyon. Kung saan hirap na hirap kami palagi sa pag hagilap ng pera at ultimong 700 pesos na halaga ng field trip ay hindi pa ako makasama. Pero ngayon, Kahit ilang field trip at kahit saan pang lugar o bansa 'yan ay kayang kaya na namin na mabayaran. Laking pasalamat ko talaga sa kumbinasyon ng numerong tinayaan ni Papa. Binago talaga no'n ng bongga ang buhay namin. "Thank you po, Ma. Sige po at sasabihin ko sa adviser ko iyon para makapag-fill up na rin ako ng form." "Wala iyon. Basta't para sa iyo, Anak." Sa gitna ng pag uusap namin ay saktong pumasok na si Papa. Kaagad itong naupo sa puwesto niya at sumabay sa pagkain namin. "Good morning, Anak." Bati nito sa akin. "Good morning rin po, Papa." "Siya nga pala, Alberto. Ano ang napag-usapan ninyo ni Mr. Lee? Kamusta na daw ang lagay ng problema sa factory?" Tanong ni Mama habang nilalagyan ng pagkain ang plato ni Papa. "Ganoon pa rin ang lagay. Hayaan mo at kami na ang bahala doon. Huwag na natin pag usapan iyon sa harap ng hapag kainan." Seryosong wika ni Papa. Hindi man ako madalas nadadalaw o nagpupunta sa factory namin ay ramdam ko na may problema doon. Nakaraan ko pa kasi napapansin na palaging stress at palaging late na nauuwi si Papa. At isang beses ay narinig ko rin ito na kausap si Mama na kailangan mai-ayos ang ilan sa malalaki namin na mga makina doon. "O sige, pag usapan na lang natin ang nalalapit na birthday ng anak natin." Pag iiba ni Mama ng usapan. "Iyan, mas mabuti nga 'yan. Ano ba ang plano ng unica hija natin para sa debut niya?" Tanong ni Papa na ngayon ay iba na ang reaksyon ng mukha. Nakangiti na ito ngayon at hindi katulad kanina na napaka-seryoso niya. "Ma, Pa. Next month pa po ang birthday ko. Masiyado pa po atang maaga para pag usapan po natin 'yan." Sagot ko. "Ano naman? At least ay mahaba ang oras natin para sa preparasyon. At para ma-plano natin ng mabuti iyon." Wika ni Mama. May something akong napapansin sa kaniya. Una, binilhan niya ako ng latest na bag ng paborito kong luxury brand. Pangalawa, binayaran niya kaagad ang para sa field trip namin sa Macau. Ngayon naman ay gusto na niyang asikasuhin kaagad ang debut ko. Nakakapagtaka, hindi naman siya ganiyan. Mahigpit nga siya sa pera at ayaw niyang gumagastos ako, Pero ngayon ay siya pa mismo ang nagpapasimuno ng malalaking gastos. "May klase ka ba ngayon, 'Nak? Gusto mo pagtapos natin kumain ay mag shopping tayo? Palitan na natin ang lahat ng laman ng walk-in closet mo." Tinitigan ko ng seryoso si Mama dahil sa sinabi nito. Tinaasan ko rin s'ya ng kilay. "Ma, lunes po ngayon at may klase po ako. At teka lang, Nagtataka na po talaga ako sa iyo. Diretsahin mo nga po ako, May kailangan ka po ba sa akin?" Napaiwas naman ito ng tingin at napangiti. I knew it. Tama nga ako sa hinala ko. Ganiyan na ganiyan kasi siya sa akin noon, Noong pinilit niya ako na makipag-date sa anak ng amiga niya. Halos lahat ng mamahaling gamit at lahat ng pwedeng ipain sa akin ay ginawa niya. Pero dahil mahal ko si Mama ay pinagbigyan ko siya no'n. Pero tila naging isang delubyo ang date na iyon. Hindi naman kasi niya sinabi sa akin na weirdo pala ang anak ng amiga niyang iyon. Kaya naman pala hirap na hirap silang hanapan iyon ng magiging girlfriend kahit na napakarami nilang pera. "Ma, sagutin mo po ako. Ano pong kailangan mo? Sabihin mo na po." Napatingin muna si Mama kay Papa bago nito tuluyang sagutin ang tanong ko. Samantalang abala naman si Papa sa pagkain niya at hindi man lang nilingon pabalik si Mama. "Ano kasi, Anak. Iyong tungkol sa unico hijo ng bago kong amiga—" "Ma, huwag mo pong sabihin na 'yan iyong sinasabi mo sa akin noon pang nakaraang linggo?" "Iyon nga iyon, Anak." "Ma, tigilan mo po ako. Hindi na ako papayag sa ganiyan mo. Sorry." "Pero, Anak—" "Ma, nadala na ako sa ipina-date mong anak ng amiga mo noon. Napaka-weirdo ng lalaking iyon. Nakakatakot siya, kumakain siya ng napakaraming asin." Halos maduwal ako ng maalala ko na naman iyon. Inubos kasi nito ang laman ng salt shaker na nasa mesa namin noon. Noong una ay akala kong naumay lang ito sa kinain namin kaya't pumapak siya ng asin. Pero sa pag lipas pa ng mga oras ay minamayat maya na niya iyon. Halos isang punong kutsara ang kinakain nito sa isang subuan lamang. Hanggang sa maubos na niya ito at humingi pa siya ng panibago. Kung bibilangin ko kung ilang beses siyang nagpa-refill sa salt shaker namin sa mesa, siguro ay lagpas sa bilang ng daliri ko sa dalawang kamay. Buhay pa kaya ang lalaking iyon? Panigurado ako na may kumplikasyon na ito sa kidney niya dahil sa ginagawa niyang pagkain ng asin. Eww, na-trauma na talaga ako doon! "Hindi ganoong klase ang anak ng bagong amiga ko. Matino iyon, at napaka-gwapo pa." "Kahit ano pang itsura niya, at kahit siya pa ang pinaka-guwapo sa buong mundo, Ayoko. Ayoko po, Mama. Final na ang sagot ko." "Alison, Anak. Subukan mo muna bago ka tumanggi." Pagpupumilit pa ni Mama pero umiling iling ako. "Huwag mo nang pilitin ang anak mo kung ayaw niya. Hayaan mo na siya." Awat ni Papa kay Mama. Tinapos ko na ang pagkain ko para maka-akyat ng muli sa kuwarto ko. Dahil walang ibang gagawin si Mama kundi kulitin ng kulitin ako. Nakaraang linggo pa niya ako inaawitan sa anak ng bagong amiga niyang iyon. Kahit na noon ko pa sinabi na ayoko ay sige pa rin ang pangungulit nito. Nahawa na si Mama at masiyadong nai-mpluwensiyahan ng mga amiga niya sa mga arranged dates na iyan. Palibhasa ay normal sa mga mayayaman ang ipagkasundo ang anak nila sa mga kapwa nila mayaman rin. Sa paniniwalang para mas mapalaki at mapalawak ang mga negosyo nila. Ay naku! Ayoko ng isipin pa ang mga bagay na 'yan. Lalo lang sumasakit ang ulo ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD