Maaga akong nakatapos sa pag-aayos ko ng sarili ko kaya't bumaba na ako upang magpahatid na sa driver namin papunta ng school.
Nakasuot na ako ng uniporme at dala ko na rin ang bag at laptop ko.
Doon na lamang ako magpapalipas ng oras dahil pag nanatili ako dito sa bahay ay paniguradong kukulitin lang ako ng kukulitin ni Mama tungkol sa anak ng amiga nito.
"Papasok ka na, 'Nak?" Tanong ni Papa na nasa sala at may inaayos sa laptop niya.
"Opo, Pa."
"Ingat ka at mag aral ka ng mabuti." Bilin pa nito.
"Opo, Pa. Mauna na po ako."
Palabas na sana ako sa parking lot namin ngunit humahangos na nilapitan ako ni Mama na siyang galing sa kusina.
"Teka lang, Anak. Baon mo." Wika nito at iniabot sa akin ang lunch box ko.
"Thanks, Ma." Nakangiting tugon ko.
"At teka, Ito pa." Kinuha nito ang wallet sa bulsa niya at nag labas ng pera. "Allowance mo."
"Ma, may pera pa po ako. Kakabigay niyo lang po sa akin ng allowance noong nakaraang linggo."
"Sigurado ka? Kasya pa ba iyon?"
"Opo, Ma. Sobra pa nga po iyon."
"O sige, Basta't kapag wala ka ng pera, sabihin mo lang sa amin ah?" Bilin pa ni Mama.
"Opo. Sige na po, Mauuna na po ako."
"Tsaka anak, Kapag nagbago ang isip mo, sabihin mo rin sa akin kaagad ah."
"Ma naman." Irap ko sa kaniya. 'Yan na naman siya sa pangungulit niya.
"Pag isipan mo lang mabuti. Okay?"
Napailing na lamang ako at hindi na nagsalita pa.
Lumabas na ako at kaagad na dumiretso sa kotse ko kung saan pinupunasan iyon ni Manong.
"Aalis na po tayo, Ma'am Alison?" Tanong nito sa akin ng lumapit ako sa kotse.
"Opo, Manong. Tara na po."
"Ang aga po ata natin ngayon ah." Wika pa nito at itinabi ang basahan na pinamumunas niya at kaagad rin na sumakay ng makapasok ako sa loob ng kotse.
"Mas gusto ko pong sa school na lamang mag antay ng oras kaysa rito sa bahay. Mai-stress lang po ako kay Mama." Napa-buntong hininga na lamang ako at napasandal.
Bahagya naman na tumawa si Manong bago nito sinimulan na paandarin ang sasakyan.
"Hindi ka pa nasanay sa Mama mo, Ma'am Alison." Sambit nito habang nagmamaneho.
Matagal na naming driver si Manong. Nasa walang taon na rin siyang naninilbihan sa amin bilang driver.
Pero mahabang panahon na niyang kilala ang pamilya namin.
Dahil kapitbahay namin siya noon sa iskwater area na tinitirhan namin dati.
Sa lahat ng kapitbahay namin ay si Manong ang naging ka-close nila Mama at Papa dahil napakabait talaga nito.
Tanda ko pa na kapag nagluluto ito ng ulam ay lagi niya kaming inaabutan at dinadalhan.
Byudo na ito at ang nag iisang anak naman niya na lalaki ay nasa probinsya na at may asawa na at sariling pamilya. Kaya't ang ikinabubuhay lamang niya noon ay ang pagbabasura at pangangalakal.
Kaya't noong nanalo kami sa lotto ay nakiusap ito na baka puwedeng mag trabaho siya para sa amin.
Ayaw sana ni Papa na pagtrabahuhin siya dahil nga medyo may edad na ito.
Willing naman si Papa na tulungan siya ng hindi na niya kailangan pagtrabahuhan pa. Dahil kahit papaano ay may utang na loob kami sa kaniya. Tinulungan niya kami noon ng walang hinihinging kapalit.
Ngunit mapilit si Manong at ayaw niyang tumanggap ng pera kila Papa na hindi niya pinaghirapan.
Kaya't sinunod na lamang ni Papa ang kagustuhan ni Manong. Ginawa niya itong driver namin at dito na rin siya nakatira sa amin.
May sarili siyang kuwarto, banyo at maliit na kusina upang makakilos siya ng ayos.
"Nandito na po tayo, Ma'am Alison." Napabalik ako sa ulirat ng mag salita si Manong.
Nakatigil na pala ang kotse at nandito na kami sa parking lot ng school.
Naunang bumaba si Manong para pagbuksan ako ng pinto. Binitbit rin nito ang bag at ang laptop ko.
"Manong, Ako na po." Wika ko at kinuha sa kaniya ang gamit ko.
"Hindi na, Ma'am. Ako na po ang magdadala. Ihahatid ko na po kayo sa classroom niyo."
"Huwag na po. Tsaka Manong. Sabi ko naman po sa iyo na huwag mo na akong tawagin na 'Ma'am'. Hindi ka naman na po iba sa amin."
"Amo ko po kayo at trabahador ninyo ako, Ma'am Alison. At tsaka walong taon na akong ganito sa inyo, Hindi ka pa ba nasasanay?"
"Nakakailang po kasi na tinatawag niyo akong Ma'am. Samantalang pareho lang naman po tayo na galing sa hirap."
"Pero iba ka na ngayon, Pati ang mga magulang mo." Pag pupumilit pa nito.
"Kami pa rin naman po ito kahit na nagkapera kami. Basta Manong. Hindi po talaga ako masasanay sa pagtawag n'yo sa akin ng Ma'am."
Napangiti ito at bahagyang ginulo ang buhok ko na lagi niyang ginagawa noong bata pa lamang ako.
"Sige na, pumasok ka na at mag aral ng mabuti." Tumango ako at ngumiti sa sinabi nito.
Kumaway pa ako sa kaniya at nagpaalam bago maglakad patungo sa classroom ko.
"Good morning, Alison."
"Magandang umaga, Alison."
Lahat ng studyante na nadadaanan ko sa hallway ay binabati ako.
Hindi man ako bumabati sa kanila pabalik dahil napakarami nila pero nginingitian ko naman silang lahat.
"Hey, Alison. Good morning— Wait, is that the latest Louis Vuitton bag?" Salubong nito sa akin ng makapasok ako ng classroom.
Siya si Cheska. Ang best friend ko sa school na ito.
Isa siyang cheerleader. Kasama rin sa mga top student at isa rin sa magagandang studyante rito.
Beauty and brains siya kung tawagin. Iyon din ang tawag nila sa akin.
Kaya't marami ang nagsasabi na napaka-perfect namin na magkaibigan dahil parehong pareho kaming dalawa.
Mayaman rin ang pamilya nila Cheska. May-ari sila ng mga sikat na hotel at resorts dito sa bansa.
"Good morning, Cheska. Yes, Ito nga iyon."
"Wow! Paano ka nakabili niyan? Wala pa 'yan dito sa Pinas, Right?"
"Si Mama ang nag order nito sa States. Sa kakilala niyang manager sa isang store ng Louis Vuitton doon."
"Really? Ang tagal kong inaabangan 'yan sa website pero hindi ko talaga matyempuhan. Baka naman puwedeng pasabi kay Tita na iorder rin ako sa kakilala niya?" Nakangiting wika nito at kumapit sa braso ko.
"Naku, Ikaw na ang magsabi kay Mama. Ayoko muna siyang kausapin ngayon dahil kukulitin lang ako no'n."
"Kukulitin saan?" Nagtatakang tanong nito.
Naupo muna ako sa upuan ko at inilapag ang gamit na dala ko bago tuluyan na makipag-kwentuhan kay Cheska.
"Ipinapa-date na naman niya kasi ako sa anak ng amiga niya."
"Oh, Ano namang problema doon?"
"Ayoko na, Cheska. Nadala na ako sa naka-date ko noon na anak rin ng amiga niya."
"Sino? Si Salt King?" Natatawang wika nito dahil alam niya ang tungkol doon. "Malay mo naman ay hindi na weirdo ang gusto niyang ipa-date sa iyo ngayon? Why don't you try it muna kaya?"
"Ayoko. Na-trauma na talaga ako." Wika ko.
"Eh ako nga, May pupuntahan na date mamaya. Katulad mo ay ipinagkasundo na naman ako nila Mommy at Daddy."
"Swerte ka naman sa mga nakaka-date mo eh. Puro guwapo."
"Puro guwapo nga, Pero hindi naman match ang mga personality namin."
"Mas okay na iyon kaysa sa taong pumapapak ng asin." Wika ko kaya't nag tawanan kaming dalawa.
"Sa bagay, mas okay nga talaga iyon." Sambit nito.
Kaakibat talaga ng pagiging mayaman ang pagkamulat sa mga arranged dates at arrange marriage.
At dahil mayaman na rin kami ay inaasahan ko na rin iyon. Lalo na't babae ako at siyempre, Gugustuhin ng magulang ko na mayaman rin ang mapapangasawa ko.
Minsan nga ay naiisip ko na hindi pala ganoong kadali ang maging buhay mayaman.
Pero mas okay na iyon kaysa sa dati naming buhay na palaging iniisip kung saan kukuha ng pangkain.
I guess mas madali ang magpakasal sa taong hindi mo gusto kaysa mabuhay na para bang araw araw ay nilalabanan ninyo ang kakapusan sa pera at gutom.