Chapter 4.1

517 Words
Chapter 4.1 Badtrip akong pumasok sa loob ng room. Pagkaupo ko pa lang ay agad na akong inintriga ng mga kaklase ko. "Totoo nga kayo na ni Montefalco?" tanong sa akin ni Krizia. "Ha? Hindi ah san mo na naman nakuha yan?" "Nung nakaraan daw nakita kayong sabay na lumabas sa CR tapos kanina hatak hatak ka daw papunta sa locker room nila and now you're wearing his varsity shirt" walang preno nitong sabi. Natawa na lang ako sa sinabi nito "Hindi kami. At never magiging kami, okay?" sabi ko at inayos ang mga gamit ko dahil dumating na ang prof namin. Normal na araw lang naman ang nangyari puro discussion at may surprise quiz buti na lang at nag review ako. Mabilis kong inayos ang mga gamit ko dahil magkikita kami ngayon ni Jeah. Pagkalabas ko pa lang ng room namin ay nakita ko na ang mga matang nakasunod sa akin. Marahil kalat na talaga ang sa amin ni Brix. Natigil ako sa paglalakad nang may humarang sa daan ko. Sinubukan ko silang iwasan pero hinarangan ulit nila ako. Tinignan ko na sila. "Pwede padaan?" maayos na tanong ko dito "Kayo na ba ni Brix?" mataray nitong tanong sa akin. "Hindi" maikli kong sagot at aakmang maglalakad sana kaso hinawakan nito ang braso ko. "Kinakausap pa kita" sabi nito at nakita ko na nakakaagaw na kami ng atensyon. "Sinagot na kita. Hindi kami ni Brix, okay? Walang kami at hinding magiging kami" paguulit ko dito. "Really? Kaya ba suot mo ang varsity shirt niya?" at hinawakan pa ang damit na suot ko. Inis kong iwinaksi ang kamay niyang nakahawak sa akin. "Porket nakasuot ng varsity shirt kami na agad? Hindi ba pwedeng pinahiram lang ako dahil siya ang dahilan bakit ako nadumihan kanina. Saka wag nga kayong paranoid. Makatanong kayo, bakit sa inyo ba si Brix ha? akala niyo pagma may ari niyo" "Kung hindi kayo bakit lumabas kayong magkasama sa cr at locker room? Anong ginawa niyo dun ha? Saka ikaw ang palaging nakabuntot sa kanya!" naiinis na sabi nito Natawa ako sa sinabi nito. "Una't higit sa lahat siya ang nanghila sa akin at hindi ako. Kung ano man ang ginawa namin wala ka na dun. Pakialam mo ba ha? Saka anong ako ang nakabuntot palagi sa kanya?? Excuse me bakit ko naman susundan ang lalaking yun" napahalukipkip na ako habang bwiset na bwiset sa babaeng kaharap ko ngayon. "Saka hindi ko magugustuhan ang tulad niya na mayabang, mapang asar, mabisyo, bolakbol, at masama ang ugali na akala mo siya na ang pinakamagaling sa lahat. Kung gusto mo sayong sayo na siya. Mukbangin mo pa" Napansin kong nanlaki ang mga mata nila at nagsipagyukuan habang nakatingin sa likuran ko. Mabilis naman akong lumingon sa likuran ko. Nanlaki ang mata ko nang makitang si Brix ang nakatayo sa likuran ko. Kita ang galit sa mata nito habang mataman akong tinititigan. Napailing ito sa akin bago umalis. "Oh great!!" nasapo ko na lang ang noo ko dahil marahil ay narinig nito ang pinagsasabi ko. "Briiiiixxx" tawag ko sa pangalan nito pero dire diretso lang itong naglakad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD