Chapter 3.2

608 Words
Chapter 3.4 Napanganga ako sa biro niya sa akin. Hinampas ko siya sa braso. "Sakit mong magbiro ah! Poste! Nakakainis to" nakaramdam ako ng lungkot sa sinabi niya sa akin. Hindi naman kasi talaga maganda ang katawan ko. Wala akong maipagmamalaking malaking dibdib at malaking likuran. Straight nga lang as in poste. "Hoy, joke lang" sabi nito pero hindi ko siya pinansin. "Kung aasarin mo lang ang katawan ko lalabas na ako" mabilis ko siyang tinalikuran pero agad naman niyang hinablot ang kamay ko. "Joke lang talaga Laina" hindi ko siya pinansin at yumuko na lang. Bumuntong hininga ito "Wait, hintayin mo ako dito kukuha lang ako ng pamalit mo" sabi nito sa akin at binitawan ang kamay ko. Sinundan ko siya ng tingin at nakita kong may binuksan siyang locker. Mula doon ay may kinuha siyang damit at pantalon. Inabot niya sa akin yun. "Magpalit ka na hintayin kita sa labas" seryoso nitong sabi. "Kanino tong pantalon? Mamaya sa ka fling mo to" "Sa kapatid ko yan" tipid nitong sagot at lumabas na ng locker room at sinara ang pintuan. Mabilis naman akong nagbihis. Tinignan ko ang sarili sa salamin. Napatingin ako sa dibdib ko, flat. Tumalikod ako at napatingin sa pang upo ko, flat din. Napabuntong hininga na lang ako bago lumabas. Nakita kong masayang nag uusap sila Brix at ng mga ka member niya. Lumapit ako sa kanila. Kita ko ang pagsunod ng tingin sa akin ng mga lalaki. "Tapos na" mahina kong sabi nang nakalapit ako kay Brix. Tinignan ako nito. Bigla nitong kinuha ang kamay ko at inikot ako para tignan ang suot ko. Gumuhit ang ngiti sa labi nito pero hindi ko yun ginantihan. "Pasok na kayo" sabi ni Brix sa mga kasama niya. Sumunod naman ang mga ito. "Salamat" sabi ko dito at nilagpasan na siya. "Hoy, galit ka?" tanong nito sa akin. Umiling lang ako sa kanya. "Laina naman tignan mo kaya ako" pamimilit nito Huminto ako at tumingin sa kanya. "Sayo na nanggaling di ba na hindi dapat ako magalit kung totoo naman ang sinasabi tungkol sa akin? Totoo naman na poste ako kaya okay lang Brix" sabi ko sa kanya at nagpatuloy na sa paglalakad. "Laina, joke nga lang hindi ka naman poste" patuloy nito sa pangungulit. "Ang kulit mo naman eh!!! Sinabi ko na ngang ayos lang!! Tanggap ko nga ang sinabi mo! Bakit ba paulit ulit ka?? Totoo naman yun. Flat ako poste ako!" napapikit na ako sa inis na nararamdaman ko sa kanya. Tumigil siya sa pagsasalita at napapikit na lang bago nameywang sa harapan ko. "Ang hirap mo namang basahin eh! Hindi ko alam kung kailan ka okay at kailan hindi! Ang hirap mong suyuin" reklamo nito "Bakit sino bang nagsabing suyuin mo ko? Sinabi ko bang sundan mo ko? Bakit sa akin mo isisisi ang bagay na ikaw ang may gawa? So kasalanan ko pa palang nag so sorry at nanunuyo ka ngayon?" parang pumitik na ang pisi ko dahil sa sinabi nito. "Hindi sa ganun Laina pero...." "Pwede ba Brix. Ayoko nang marinig ang sasahihin mo. Umalis ka na lang kanina mo pa sinisira ang araw ko eh. Nakakabadtrip yang mukha mo" nakagat ko ang dila ko sa nasabi ko kay Brix. Kainis naman kasi kaya ayokong nasasagad ang pasensya ko eh hindi ko nako kontrol ang nasasabi ko. I saw his side lips rose before he looked down. Tinap nito ang sahig ng ilang beses bago ngumiti at umiling. Tinignan muna ako nito sa mata bago tuluyang naunang maglakad palayo sa akin. Napapadyak na lang ako sa inis dahil sa nangyari sa amin. What a great day to start the weeek....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD