Chapter 4.2

537 Words
Chapter 4.2 Napaka swerte ko naman talaga!!!! Hinabol ko siya at nang maabutan ay agad na hinawakan ang braso. Tumigil siya sa paglalakad at matatalim na tingin ang binigay sa akin. "I know. I know. Mali ko this time. Sorry" hinihingal kong sabi sa kanya pero nag iwas lang ito ng tingin sa akin. Hinila ko ang kamay niya. "Brix, ayaw kasi nila akong tigilan eh. Nangungulit kung tayo daw ba kaya yun ang nasabi ko" pagpapaliwanag ko dito pero ni isang tingin ay hindi niya ako binalingan. "Sorry na nga" pangungulit ko dito. Huminga muna ito ng malalim bago ako tignan. "You don't really wanna be link to me?" tanong nito. Hindi agad ako nakasagot sa tanong niya. "Aahhh... hindi naman sa ganun. Hindi lang ako sanay" nauutal kong sagot dito. "You can just simply deny Laina. Hindi mo na ako kailangang laitin pa sa harapan ng lahat. I know you don't like me and the feeling is mutual but you never heard me badmouthing you in front of other people" may hinanakit nitong sabi. Napayuko ako sa sinabi nito at nakagat ko ang dila dahil sa kagagahan na ginawa. I think I really went overboard this time. "Don't worry I'll clear your name on this issue at hindi ko na hahayaan na madikit pa ang pangalan mo sa akin. Nakakahiya naman sa isang taong perpektong kagaya mo ang madikit sa aking bolakbol, mabisyo, mayabang, at masama ang ugali" napapikit ako nang marinig na inulit nito ang mga ginamit kong salita para ilarawan siya. "Brix naman, you're making me feel bad" "You should be Laina. Alam ko aso't pusa tayo but I never looked at you that way" "Hindi kasi nila ako titigilan Brix kung hindi ko....." "Kahit naaaa!!!" napabitaw ako sa kanya nang magtaas siya ng boses sa akin. "Alam mo wala namang pupuntahan tong pag uusap na ito eh kaya pwede wag ka nang magpaliwang. Save your explanation sa mga taong kagaya mo o kalevel mo wag sa akin" binigyan ako nito ng matalim na tingin bago tuluyan akong iwan. Wala na naman akong nagawa kundi panoorin na lang siyang lumalayo sa akin. Naisandal ko ang ulo ko sa pader at napapadyak na lang sa sobrang inis. Grabe, napakamalas ko naman ngayong araw!!!! Lulugo lugo akong pumunta sa tagpuan namin ni Jeah. Nakita kong naghihintay na siya. "Anyare? Malayo pa ang mahal na araw pero yang mukha mo pang Biyernes Santo na" asar nito sa akin. "I really did mess this time Bessy. I was really bad at Brix. I didn't mean it tho kaso talagang mukhang galit na siya sa akin" pagkwe kwento ko dito "Eh matagal na naman kayong di magkasundo nun ah. Anong kaibahan ngayon?" sabi nito at inakbayan ako "Hindi ko alam. Nag guilty talaga ako. Alam kong mali talaga ako ngayon" sising sisi kong sabi. "How can I say sorry?" Ngumiti sa akin si Jeah at hinila na ako papunta sa sasakyan. "Give something to him. Something na pinaghirapan mo ha! Wag kang bumili!" paalala nito sa akin. Napatingin ako sa labas ng kotse habang umaandar. Napapikit ako nang maalala ang mukha ni Brix kanina. I really did hurt him. Sana makabawi pa ako. Arrghhhh... I hate this day.....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD