Chapter 8.1

501 Words
Chapter 8.1 "Why do you hate me?" pag uulit nito sa tanong niya. Napadilat ako nang mata at magkasalubong ang kilay na tinignan siya. "You blocked me on messenger" sabi ko sa kanya at tinulak ang noo niya gamit ang hintuturo ko. "That's what you deserve for not replying to me" sabi nito at hinuli ang daliri kong ginamit na ipangtulak sa noo niya. "But Brent needed help kaya di ako nakapag reply" paliwanag ko dito. Hindi ko alam kung dahil sa tama ng alak pero naaakit ako sa lalaking nasa harapan ko ngayon. "Tsss.... palusot" sabi nito at inirapan ako. "But it's true" sabi ko sa kanya. Muli kong naramdaman na umikot ang mundo ko kaya naman mabilis kong iniyakap ang mga braso ko sa leeg ni Brix. Nagdilat ako ng mata at kita ko ang pagkagulat nito sa ginawa ko. "Unblock me now" utos ko dito. Nginitian lang ako nito at tinitigan ang mukha ko. "Unblock me Brix! Unblock me" naiinis kong sabi dito habang nakikipaglaban ako ng titigan sa kanya. "And what if I don't?" lalong lumapad ang ngiti nito habang pinagmamasdan ako. Napadako ang mata ko sa labi niyang mapula at tila malambot. Bumaba ang isa kong kamay mula sa pagkakayakap sa leeg ni Brix. Hindi ko na mapigilan ang hilo na nararamdaman ko kaya naman isinandal ko ang aking noo sa noo ng lalaking nasa harapan ko. Parehas kaming natahimik dahil sa ginawa ko. Kusang umangat ang kamay ko and gently caressed the lower lip of Brix. Nakita ko kung paanong pumikit si Brix dahil sa ginawa ko. Hindi ko mapigilang mapangiti nang mapagmasdan ko siya nang ganitong kalapit. Wala na akong pakialam sa bilis ng t***k ng puso ko basta ang alam ko masaya ako sa mga oras na ito. Kusa kong ipinikit ang aking mga mata at tinawid ang pagitan ng mga labi ni Brix. I pressed my lips against his. Tama ako! Malambot nga ang mga labi nito!! Tila nawala ang lahat ng ingay na naririnig ko at bumagal ang bawat galaw ng nasa paligid ko nang maglapat ang mga labi namin. Naramdaman ko ang paghigpit ng pagkakahawak ni Brix sa beywang ko. Ilang sandaling naglapat ang aming mga labi bago ako natauhan sa ginawa kong paghalik dito. Sh*t, Laina! Ano na namang kagag*han tong ginawa mo!! Napadilat ako ng mata at nakita kong nakapikit pa rin si Brix. I pulled away from the kiss that I made. Unti unting idinilat ni Brix ang mata niya bago pa man magtagpo ang mga mata namin ay mabilis na akong yumakap sa leeg nya at idinantay ang aking ulo sa mga balikat nito. Itinago ko ang aking mukha sa kanyang leeg dahil sa hiyang nararamdaman. "I'm sleepy na Brix" pagdadahilan ko dito. Lalong nagwala ang puso ko nang maramdamang tuluyan nang ipulupot ni Brix ang kanyang mga kamay sa aking likuran para yakapin ako. Brix touched my hair and slowly combed it. "I'll take you home" bulong nito sa akin habang hinahaplos ang aking buhok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD