Chapter 8.2

548 Words
Chapter 8.2 Lihim akong napangiti sa init na nararamdaman na nanggagaling kay Brix. Ilang sandali kaming nanatiling magkayakap bago niya ako alalayan na makabalik sa table namin ni Brent. Lumapit ako sa kaibigan. "Brent, I need to go" paalam ko dito. "Hatid na kita" sabi nito at kinuha ang gamit ko pero bago pa ako magsalita ay naramdaman ko na ang presensya ni Brix sa likuran ko at ang paggapang ng kamay nito sa aking beywang. "No need I'll drive her home" sabi nito at inilahad ang kamay para kunin ang bag kong hawak ni Brent. Naglipat lipat lang ang tingin ni Brent sa akin at kay Brix. I smiled at him to assure him. "It's okay. He's my friend" sabi ko dito at nang marinig yun ay inabot na niya ang bag ko kay Brix. Lumapit sa akin si Brent at hinawakan ang braso ko. Nagulat ako nang bigla nitong haplusin ang pisngi ko. "You look pale, kaya mo bang umuwi?" bahagya akong napaatras dahil hindi kumportable sa ginawa nito sa akin. "Laina" napalingon ako kay Brix na ngayon ay matalim na ang tinging ibinibigay sa akin. "Let's go!" pasigaw nitong sabi at inilahad nito ang kamay niya sa akin. "I'll go ahead na Brent. See you in class na lang" paalam ko dito bago tanggapin ang naghihintay na kamay ni Brix. Parang gusto kong bawiin ang kamay ko nang may maramdamang dumaloy na kuryente sa aking palad. Magkahawak kamay kaming lumabas ni Brix at napansin ko ang paglingon at pagsunod ng mga tingin ng ilang nakakakilala sa amin. Tahimik lang akong sumusunod dito. Nang makarating sa parking lot ay pinagbuksan niya ako ng pintuan sa shotgun's seat. "Get in" seryosong sabi nito. Problema na naman nito! Nang nasa tapat na niya ako at akmang papasok na sa loob ay hinawakan nito ang braso ko kaya tinignan ko siya. "Is Brent courting you?" nakabusangot na tanong nito. Umiling agad ako sa kanya. "Are you sure, Laina?" pag ulit nito "Oo naman. Brent is not courting me" paglilinaw ko dito. "Okay, get in now" sabi nito na sinunod ko naman. Nang nakaupo na ako ay isinandal ko agad ang ulo ko sa backrest ng upuan. Napadilat ako ng mata nang maramdaman ko ang mainit na hininga ni Brix na tumatama sa aking pisngi. Nanlaki ang mata ko sa lapit ng mukha naming dalawa. Isang maling galaw ko lang ay muling maglalapat ang mga labi namin. Inaayos nito nag seatbelt kong nakalimutan kong isuot. Napigil ko ang paghinga nang magtama ang mga mata namin. Parehas palaban ang tinging ibinibigay namin sa isa't isa at walang gustong magpatalo. Bumaba ang tingin nito sa aking labi. Ilang sandali niya itong tinitigan bago pumikit at mabilis na lumayo sa akin. Saka lang ako nakahinga ng maluwag nang nakaalis na si Brix sa harapan ko. Ibinaling ko ang tingin ko sa labas ng kotse. "Sleep, Laina. Gigisingin na lang kita kapag nasa bahay niyo na tayo" sabi nito pero hindi ko siya nilingon dahil tila may pyesta sa loob ng dibdib ko. Sobra sobra ang kabang nararamdaman ko. Hindi ko maintindihan kung para saan. Pumikit ako at itinapat ang palad sa aking dibdib. Marahan kong tinapik yun nagbabakasakaling bumalik sa dating ritmo. Masasanay ka rin sa presensya niya heart, kaya kumalma ka dyan!!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD