Chapter 7.2

697 Words
Chapter 7.2 "Brent, cr lang" paalam ko sa kaibigan dahil pakiramdam ko ay masusuka na ako. "Samahan na kita" alok nito pero tinanggihan ko yun. Pinilit kong maglakad ng maayos kahit na pakiramdam ko ay umiikot na ang mundo ko. Ilang beses kong pinilig ang ulo ko para dumiretso ang tingin ko sa daan. Naglakad ako patungo sa CR pero sakto namang may grupo ng mga lalaki na pumasok. Hindi agad ako nakaiwas kaya bumangga ako sa matigas na dibdib. At dahil hilo na nga ay mabilis akong mabuwal pero agad naman akong nasalo ng lalaking nasa harapan ko. Ramdam ko ang malaki at mainit na kamay nito sa aking beywang. Nag angat akong tingin at ganun na lang ang pagbilis ng t***k ng puso ko nang makilala nito ang lalaking may hawak sa akin. Nakakunot ang noo ni Brix habang hawak hawak ako sa beywang. Inayos niya ako ng tayo. Napahawak ako sa braso niya nang muling umikot ang mundo ko. "You're drunk!" pagalit nito sa akin pero hindi yun ang inintindi ko kundi ang mga kamay na nakapatong sa dibdib niya ngayon. Isang babae ang nakalingkis sa braso niya at pinagmamasdan ako habang nakataas ang kilay. Ibang babae na naman! Tinanggal ko ang pagkakahawak ni Brix sa akin at walang sabi sabing nilagpasan siya. Napatakbo ako nang maramdamang masusuka na ako. Agad akong pumasok sa cubicle at napahawak sa dalawang pader nito at sabay suka ng mga nakain at nainom ko. I won't drink after this!!!! Mangiyak ngiyak na ako sa pagsusuka at sobrang sakit na ng tyan ko parang wala na akong mailalabas pero nasusuka pa din ako. Nanlaki ang mata ko nang maramdamang may mainit at malaking kamay ang humahagod sa likuran ko. Napalingon agad ako dito. Magkasalubong na kilay ni Brix ang natagpuan ko. "Inom pa" inis na sabi nito. Sasagutin ko na sana siya nang muli na naman akong maduwal. Napapikit ako habang patuloy na inilalabas ang nasa tyan ko. Naramdaman ko ang pagkilos ni Brix sa aking likuran. Sinikop nito ang buhok at hinawakan habang ang isang kamay ay patuloy sa paghimas sa aking likuran. "Ayoko na" iyak ko sa gitna ng pagduduwal. Hinang hina ako nang matapos sa pagsusuka. Inalalayan ako ni Brix na makapunta sa sink. Doon nagmumog ako, kinuha ko ang mouth spray ko para mawala ang lasa at amoy ng ginawa ko at naghilamos. Napatingin ako sa itsura ko sa salamin. I look so wasted. Napasandal ako sa katabi kong pader at napapikit. Gusto ko nang matulog. "Come here" napadilat ako ng mata nang hawakan ni Brix ang kamay ko at ilapit ako sa kanya. Sinuyod ng kanyang mata ang buo kong mukha. Napatili ako nang bigla niyang hawakan ang aking beywang at buhatin ako para iupo sa countertop ng sink. Ngayon magkapantay na ang mga mata namin. "Pag nalaman to ni Summer, yari ka talaga" pananakot nito sa akin. "Don't tell kuya please" pagmamakaawa ko dito. Hindi ito sumagot bagkus pumwesto lang siya sa gitna ng mga hita ko. Inangat nito ang mga kamay niyang may hawak na tissue at unti unting pinunasan ang basa kong mukha. Napangiti ako sa ginagawa nito habang mataman kong pinagmamasdan ang mukha niya. Seryosong seryoso siya sa pagpupunas sa mukha ko at nang matapos siya ay sinikop naman niya ang lahat ng buhok at tinalian niya ako ng ponytail. Ibang saya ang nararamdaman ng puso ko. Iba ang kaba at kiliti na hatid ng ginawa ni Brix sa sistema ko. "You're sweet" nakangiti kong sabi dito nang matapos niya akong talian. Nasa gitna pa rin siya ng mga hita ko habang nakaupo pa rin ako sa sink. He just smirked at what I said bago ako titigan sa mata. "But I still hate you" sabi ko dito. Napanguso ako at napayuko dahil naalala ko ang pangb block nito sa akin. "And why?" napaangat ako ng tingin sa kanya. I saw amusement in his eyes habang pinapanood ang reaction ko. Parang nagniningning ang mga mata niya habang nakatunghay sa akin. Napapikit ako para mawala ang paghangang naiisip ko sa lalaking nasa harapan ko ngayon. No, no, no, no, no, Laina!!!!! You can't play with Brix siguradong talo ka sa kanya....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD