Chapter 7.1

588 Words
Chapter 7.1 "Sama ka Laina?" tanong sa akin ni Brent. "Saan?" "Birthday ng friend ko. Sa Night District lang" sabi nito sa akin "Don't worry may iba naman tayong classmates and schoolmates na invited di ka mao op" Napaisip ako sa sinabi nito. Hindi ko alam kung pupunta ba ako o hindi. "Sige na, I'll be there" pamimilit nito. "Sige pero sasaglit lang ako" pagpayag ko sa alok nito. "Yun" napakalaki ng ngiting ibinigay nito sa akin bago kunin ang bag ko. Nagulat ako sa ginawa nito. "Ako na magbubuhat kasi pinagbigyan mo naman ako" napangiti na lang ako at pumayag sa gusto niya. Sabay kaming lumabas ni Brent. Sasakyan niya ang gagamitin kaya naman tinahak namin ang daan papuntang parking lot. Masaya kaming nag uusap at nagtatawanan ni Brent nang biglang may tumawag sa kanya. Sabay kaming napalingon sa grupo ng mga lalaki at sa dami nang nandoon ay iisa lang ang nakakuha ng atensyon ko. Brix is with the group. Nakasandal siya sa pader habang may hawak na sigarilyo. Sa tabi niya ay may kaakbay siyang babae na ngayon ay hinihimas ang dibdib niya. Napabuntong hininga ako nang makita ang pwesto nila. Hindi pa din kami nag kakausap simula nung i block niya ako sa messenger. Napaiwas ako ng tingin nang biglang ibaling ni Brix ang mata niya sa direksyon ko. "Una na kami. Kita na lang tayo dun" sabi ni Brent bago ko naramdaman ang palad niya sa beywang ko para igiya ako papasok sa kotse niya. Bago tuluyang makapasok ay nagnakaw muna ako ng tingin kay Brix at nakita ko kung paano siyang nag smirk habang hindi nilulubuyan ang tingin sa akin. Napayuko na lang ako. Hindi ko alam bakit ganito ang nararamdaman ko sa kanya. Nasanay na ata ako na palagi ko siyang kabangayan at kaaway kaya ngayon parang hinahanap ko ang mga sagutan at asaran namin. Tahimik ako buong byahe hanggang sa makarating kami sa Night Dristict. Sa labas pa lang maririnig mo na ang masayang tugtugan at hiyawan ng mga tao. Pagpasok namin ay bumabaha na agad ng alak ang nakita ko at mga babae at lalaking halos maghubad na. Napailing na lang ako parang di ata tama na sumama ako dito. "Upo ka Laina" may tinurong lamesa si Brent. May mga iilang lalaki at babae na ang nakaupo doon. "So totoo pa lang friend mo ang isang Laina Salvador" sabi ng isang kaibigan ni Brent napakamot siya sa ulo bago tumingin sa akin. "Naikwento kasi kita sa kanila" tipid lang akong ngumiti sa sinabi nito. Inilibot ko ang aking mata sa loob naghahanap ng kakilala pero lahat ng nandito ay pamilyar lang ang mukha sa akin wala talaga akong kaibigan. Napansin kong umorder na ng alak ang mga kaibigan ni Brent. Tahimik lang ako habang nag uusap sila at ako naman ay nag c cellphone. Paulit ulit kong nire refresh ang messenger ko baka sakaling iunblock na ako ni Brix pero wala pa rin talaga. "Laina, shot" may nag abot sa akin ng isang shot glass. Mabilis naman akong tumanggi dito. "Sige na, shot shot shot" sigaw ng mga ito at dahil sa sigaw nila ay napatingin na sa amin ang mga tao kaya naman mabilis kong kinuha yun at tinungga para matahimik sila. Ramdam ko ang pagguhit ng alak sa aking lalamunan. Napapikit ako sa pait ng lasa ng ininom ko. Ngayon ko lang yun nalasahan. Nag sunod sunod ang painom sa akin at hindi ko na alam kung nakakailang baso na ako pero nakaramdam na ako ng hilo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD