Chapter 11.1

629 Words
Chapter 11.1 "Done" masaya kong sabi at ipinakita sa kanya ang natapos kong drawing. Nagulat ako nang bigla siyang mag screenshot. "Hoy! Mamaya pangit ako dun" sabi ko dito. "Don't worry di ka naman pumapangit" hirit nito sa akin. Agad akong natameme sa sinabi nito. "Tse, di mo ko madadaan sa ganyan mo. Gamit na gamit mo na yan sa mga babae mo" biro ko dito para maitago ang kabang nararamdaman. "It's true. Even you're wasted maganda ka pa rin. Remember what you did last night?" nginitian ako nito nang nakakaasar bago prenteng umupo. Napalunok ako nang maisip lahat ng kagagahan na pinaggagagawa ko kagabi. "No! I'm too wasted last night" pagsisinungaling ko dito at iniwas ang tingin ko sa kanya. Nagkunwari akong inililigpit ang mga ginamit ko. Sandaling tumahimik ang paligid dahil wala sa amin ang nagsalita. Napatingin tuloy ako sa screen at nakita kong nakatitig lang siya sa akin. Nang magtama kami ng tingin ay ngumiti siya sa akin. "You like hugging me, Salvador" ang laki ng ngiting nasa labi niya. Napanganga ako nang sabihin niya yun sa akin. "No, I don't" pagtanggi ko sa kanya at nagkunwaring busy ulit. "Kaya pala panay ang siksik mo sa leeg ko kagabi at nagagalit pag tinatanggal ko ang yakap mo sa akin at...." "Brix!!!!! Don't continue" sigaw ko at binigyan siya ng matalim na tingin pero ang lalaking ito ay tinawanan lang ako ng malakas. "You even asked the names of all the girls I've been with. You wrote their names at the back of your sketchpad" pagpapatuloy nito. Agad kong tinalikod ang sketchpad ko and there I saw a long list of woman's name. Napapikit ako at nasapo ko ang aking noo nang marealize ang kahihiyan ko. Malakas na tumatawa si Brix dahil sa reaction ko. "Brix, it's not funny" naiinis kong sabi dito pero tumawa lang ito ng tumawa. Sigurado akong sobrang pula na ng mukha ko ngayon dahil sa hiya. "Brix, nahihiya na ako. Stop laughing" napanguso na ako dahil ayaw niya kong tigilan. Unti unting humupa ang malakas niyang pagtawa. Napapunas pa siya sa mata niya dahil naiiyak na siya sa kakatawa. "Fine, I'm stopping" sabi nito "Brix, ready na ang sasakyan" narinig kong sigaw ng babae "Coming Mommy" sabi ni Brix I looked at him na ngayon ay gwapong nakatunghay sa camera. "Don't be shy. You really look adorable last night, Salvador" seryoso nitong sabi na dahilan ng pagkaba ng aking dibdib. "Gotta go. Smile na bago ko ibaba" hiling nito pero inirapan ko lang siya "Bilis na Laina. Hinihintay na ako. Give me your smile" ulit nito. Bwiset na puso to!! Palagi na lang nagp pyesta sa loob!!!! I gave her my sweetest smile and wave goodbye to him. He did the same to me bago niya ibaba ang tawag. Napatingin na lang ako sa screen ko nang naibaba na niya ang tawag. "Hay, ano ba nangyayari sa akin! Hindi na ata ako normal" napabuntong hininga ako bago sumandal sa dingding at napatingin sa magandang tanawin na nasa veranda ko. I smiled as I remembered the handsome face of Brix. Napailing na lang ako nang muli na namang dumaan sa alaala ko ang paghalik ko sa kanya. Para mawala yun sa isipan ko ay kinuha ko na lang ang cellphone ko. Nagulat ako nang sumasabog na naman ang notifications ko. I clicked it and it lead me to Brix's f*******: profile. He posted two picture but this time dalawa na kami. It was the screenshot he did earlier. Yung isa ay habang nagd drawing ako at yung isa naman ay yung natapos na. It has a caption of "Ms. Perfect subject for today" Napakagat ako sa ibaba kong labi dahil pinipigil ko ang kilig na nararamdaman ko. Hineart ko ito at nag comment.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD