Chapter 11.2

560 Words
Chapter 11.2 Me: Shhh... gusto mo lang free portrait eh Pagkapost ng comment ko ay pinatay ko ang cellphone at nagdesisyong muling mag drawing dahil nainspire ako sa nakita at nabasa ko. Madilim na ng matapos akong magdrawing. Pumasok ako sa kwarto at mabilis na humiga sa kama. Nagpagulong gulong pa ako dahil nakaramdam ako ng pagod sa ginawa. Muli kong kinuha ang cellphone ko. Tulad kanina ay marami na naman ang notifications ko. Nakita ko ang mga reply sa comment ko pero mas naagaw ang atensyon ko ng reply ni Brix. Brix: Iba ang gusto ko Maraming nag heart at nag reply sa comment niya. "Ano gusto mo?" "Mukhang sino dapat ang tanong" "Answer reveal namans lods" "Kulay pula ang pag ibig" Ilan lang yan sa maraming reply sa comment niya at nag reply ulit siya. Brix: Saka ko na sasagutin kapag siya na ang nagtanong Mabilis kong pinatay ang cellphone ko dahil sa nabasa ko. Hindi ko alam pero biglang nagkaroon ng karera sa loob ng puso ko dahil sa kabang nararamdaman. Anong gusto niyang iparating ??? "No, no, no, Laina!! Bawal. Hindi pwede" sabi ko sa sarili nang magsimula akong mag conclude sa isipan ko ng mga pinapakita ni Brix sa akin. "Never assume unless stated" paalala ko sa sarili. "Tama, tama, chill lang tayo" pagpapakalma ko sa aking sarili. Biglang bumukas ang pintuan ko at mula doon ay pumasok si Jeah. "Bat namumula ka? May sakit ka ba?" mabilis nitong hinawakan ang noo ko. Tinapik ko naman ang kamay niya. "Bessy, may problema ako" sabi ko sa kanya at niyakap siya. Inihilig ko ang ulo ko sa balikat niya. "Parang alam ko na" natatawa nitong sabi Tinignan ko naman siya dahil sa sinabi niya "Si Brix?" nakangiti nitong tanong. Napabuntong hininga muna ako bago tumango sa kanya. "Sabi na eh! The more you hate, the more you love" kinikilig na sabi nito. "No, hindi ko siya love" pagtanggi ko agad sa sinabi niti. "Sus, been there Laina. Ganyan din ako sa kuya mo o tignan mo kung nasaan ako ngayon" sabi nito. "I'm scared" malungkot kong sabi sa kanya "Why?" Hinaplos ni Jeah ang buhok ko. "I'm sure challenge lang ako for Brix. Hindi yun nagseseryoso. Parang damit lang ang tingin niya sa babae. Mabilis palitan." malungkot kong sabi dito. "Hindi naman masamang magmahal at di naman kailangan na kapag nagmahal ka ay magde demand kang ibalik yun sayo. Nagmahal ka kasi yun ang nararamdaman mo kung ibalik man edi salamat kung hindi at least naramdaman mo. Masaya at masarap ang magmahal bessy" pinisil nito ang palad ko. Tumango ako sa kanya at ngumiti bago ko siya niyakap ng napakahigpit. "What should I do without you in my life ha??? I really love you Jeah" sabi ko dito at hinalikan siya sa pisngi. "I love you too, Laina" Napanatag ang loob ko matapos ng pag uusap namin ni Jeah. Tama siya siguro ieenjoy ko na lang ang kilig at kaba na nararamdaman ko sa tuwing nandyan si Brix. Hindi ko naman kailangang ipagtapat sa kanya. Okay na siguro yung napapangiti at napapaganda niya ang araw ko. Napatingin ako sa salamin kung saan kita ang repleksyon ko. "Sa isang Montefalco rin pala ang bagsak mo. Pa mortal mortal enemy ka pang nalalaman" pagalit ko sa sarili ko. Haaayy, goodluck na lang talaga sayo Laina kapag nagkita kayo...........
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD