Chapter 10.2

663 Words
Chapter 10.2 "I'm good. Medyo may hang over pero okay na naman" sagot ko dito "Nice. Nakauwi ka ba ng maayos? Wala bang nawala sayo? Hinatid ka ni Brix" sunod sunod na sabi nito. "Yes, nakauwi naman ako ng maayos. Don't worry Brix is a good friend of our family" pag imporma ko dito. "Owww, okay. That's good. So, paano kita na lang tayo sa class?" "Okay. See you" sabi ko dito at binaba na agad ang tawag. Hindi ko pa man nailalapag ang cellphone ay nag vibrate na agad ito. Lumabas ang pangalan ni Brix sa screen ng phone ko.' Muntik ko na tong mabitawan dahil bigla akong kinabahan nang makita ang pangalan niya. Dinecline ko ang tawag niya. Bigla namang nag pop up ang pangalan niya sa messenger ko. Brix: Answer my call, Salvador Me: Why? Brix: Just answer. Me: Why nga? Brix: Just want to see you. Natulala ako sa huli nitong mensahe sa akin. He wants to see me because ????? Nawala ang iniisip ko nang muling mag vibrate ang phone ko. Inayos ko ang buhok ko at kahit kinakabahan ay sinagot ko ang video call niya. "What" inis kong tanong sa kanya. "I've been trying to call you naka in call ka sinong kausap mo?" seryoso nitong tanong. "Ah, si Brent nagtanong lang" sagot ko sa kanya. Agad na kumunot ang noo nito sa akin sabay baba sa tawag niya. Nagtaka ako sa ginawa nito kaya naman sa pagkakataong ito ay ako na ang tumawag sa kanya. Nag ring yun ng ilang beses bago niya sinagot. "What?" nakabusangot nitong tanong. "Anong what ka dyan? You hang up on me" inis kong sagot dito "Baka nakakaistorbo ako sa inyo ni Brent" sabi nito at inirapan ako. Natawa ako sa nakitang reaksyon nito. "You are now rolling your eyes huh" natatawa kong sabi dito "Oo, nahahawa na ako sa kakaikot mo dyan sa mata mo" inis pa ring sabi nito. "Init ng ulo" komento ko sa kanya. "Pinapainit mo kasi. Ibaba mo na baka tumawag yung Brent mo" nakasimangot nitong sabi at di ako tinitignan sa camera. "Ikaw ang gusto kong kausap" nakangiti kong sabi sa kanya. Bigla itong lumingon sa camera and slowly a smile curved in his lips. "You're smiling" komento sa kanya. "I'm not" sabi nito at pinilit na sumimangot. "You are. Don't be shy. Come on, smile for me" asar ko dito. Tuluyan na itong tumingin sa camera at binigyan ako ng isang magandang ngiti. Kita mo ang puting puting ngipin nito at ang dimple niya sa pisngi. Nakakahawa ang ngiti nito kaya naman ginantihan ko ang ngiti niya. "So, what are you doing?" tanong ko dito dahil nakatitig na lang siya sa camera. Nakaramdam ako ng hiya pakiramdam ko ay direkta siyang nakatingin sa akin. "Nothing, ikaw?" "Drawing, kaso wala pa akong maisip na subject eh" sabi ko dito "Oww, why not me again? Willing akong maging model mo" proud pa nitong sabi Natawa ako sa sinabi nito. "Seryoso ako. Hindi ako gagalaw, promise " itinaas pa nito ang kaliwa niyang kamay. "Baliktad Montefalco. Kanan ang itinataas kapag nag p promise, tsskk. Halatang di tumutupad sa promise" asar ko dito Mabilis nitong binaba ang kaliwang kamay at itinaas ang kanan. "Promise" ulit nito na nagpatawa sa akin. "Fine, wag kang gagalaw ha. Pose ka na" mabilis kong kinuha ang sketchpad ko at ang lapis. Nagsimula akong idrawing si Brix. Nung una ay naiilang pa ako dahil direkta ang mata niya sa camera kaya feeling ko magka eye to eye kami pero habang tinititigan ko siya ay mas ginaganahan akong iguhit siya. Gusto kong maging kasing gwapo niya ang drawing ko. Ngayon lang ako naging ganito kasaya at ka excited na matapos ang ginagawa kong drawing. Napailing na lang ako nang maisip ang dahilan sa lahat ng ito. I looked at the screen on my phone and there I saw the handsome face of Brix. I think I have my new favorite subject in my drawings......
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD