Chapter 3.1

705 Words
Chapter 3.1 "Mam, ayaw na po talagang umandar eh. Tatawag na lang po ako ng taxi para ihatid kayo sa school" sabi ni Manong driver. Tinignan ko ang layo ng kotse namin sa school. Malapit na naman. "Okay na po Manong lalakarin ko na lang po. Malapit na naman" sabi ko dito at bumaba na. Lunes na lunes ito agad ang bungad. Maingat akong naglalakad dahil nakaputi akong pantalon ngayon at maputik ang daan dahil ginagawa ang kalsada. Napangiti ako nang makitang malapit na ako sa gate pero ganun na lang ang gulat ko nang isang rumaragasang sasakyan ang dumaan sa gilid ko dahilan para magtalksikan sa akin ang mga tubig at putik sa kalsada. "Oh my gosh!" napanganga ako sa gulat at napatingin sa suot ko na ngayon ay basa at puro putik na. Napapadyak ako sa inis at matalim na tinignan ang kotseng dumaan. Mabilis akong tumakbo para habulin ang kaskaserong driver. Hinihingal ako nang maabutan ang kotse. Napahawak ako sa likuran nito habang hinahabol ang aking paghinga. Narinig kong nagbukas ang pintuan ng driver's seat kaya mabilis kong sinilip yun. Agad na napataas ang kilay ko nang makilala ang may ari nang sasakyan. "Nice outfit Laina, bagong fashion trend ba yan?" sinuyod ni Brix nang tingin ang suot ko. Galit akong nag martsa sa harapan niya. Bahagya kong tinulak ang noo niya gamit ang hintuturo ko. "You did this to me!! Ang kaskasero mo kasing driver!!" inis kong sabi sa kanya. "Anong ako? Nagd drive lang naman ako. Ano ba kasing ginagawa mo sa sidewalk?" tumatawa pa nitong tanong. Mahina kong sinuntok ang tyan niya dahil sa inis sa reaksyon niya. Nagkunwari pa itong nasaktan. "Our car got broken kaya nilakad ko na lang tapos bigla kang dumaan natalsikan tuloy ako" paliwanag ko dito. "Nakakainis ka talaga Brix!!!!" pinagsusuntok ko ang tyan niya habang siya ay tumatawang sinasalag ang suntok ko sa kanya. "Wala pa naman aking pamalit! Bwiset ka talaga" sabi ko at hinampas siya sa braso niya bago siya tinalikuran. Kita ko ang pagsunod ng mga mata sa akin dahil sa itsura ko. Bakit ngayon lang kayo nakakita ng taong madumi?? Binilisan ko ang lakad ko dahil mas dumadami na ang tumitingin sa akin. Arggghhh, may araw ka rin sa akin Brix! Napatigil ako sa paglalakad nang may marahas na humila sa braso ko. Nang mag angat ako nang tingin ay ang gwapong mukha ni Brix ang nakita ko. Iirapan ko na sana siya nang magsalita siya. "Don't roll your eyes on me Laina" sabi nito at tinuro ako ng hintuturo niya. Pinanlakihan ko lang siya ng mata bago irapan. Nagulat ako nang hilahin niya ako. "Ano ba Brix! Bitawan mo nga ako! Saan mo ko dadalhin?" tanong ko dito at pilit na binabawi ang kamay ko sa kanya pero hindi niya binitawan ang kamay ko kaya nagpatianod na lang ako sa gusto niyang puntahan namin. Tumigil kami sa harapan ng locker room ng swimming team. Agad akong napatalikod nang makita ang mga lalaking naka swimming trunks at mga walang damit pantaas. "Brix!!!" mahina kong tawag sa pangalan niya at hinampas ang likuran niya. Tumingin ito sa akin at sinilip ang mukha ko bago ako tawanan. "Para kang kamatis" asar nito sa akin bago harapin ang mga ka member. "Labas muna kayo bilis. May gagawin lang kami ni Laina" utos nito. Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Nakita ko namang isa isang lumabas ang mga nasa loob. "Bilisan mo lang Brix ah baka magalit si coach" sabi ng isang member nila at tinapik ang balikat ni Brix. Tumango lang naman si Brix. Nang makalabas na lahat ay hinila ako ni Brix papasok sa loob Isasara sana nito ang pintuan pero humarang agad ako dito "Anong gagawin mo? Saka ano yung sinabi mo sa mga kasama mo?" tanong ko dito Tinignan ako nito at sinuyod ang buo kong katawan. Nailang ako sa paraan ng pagtingin nito sa akin. Ibinalot ko ang mga braso ko sa katawan ko. "Isa Brix! Nagmumukha kang manyak sa tingin mo!!!" inis kong sabi dito. Nagulat ako mang malakas itong tumawa at may pagpalakpak pa. "Dumi ng utak mo Laina" sabi nito habang tumatawa. "At ikaw pagnanasahan ko? Para ka kayang poste" asar nito sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD