Chapter 2.2

564 Words
Chapter 2.2 Hindi ito sumagot sa akin at bumuga lang ng usok sa kabilang direksyon. Agad niyang pinaypayan ang usok na binuga niya palayo sa akin. Napangiti naman ako sa ginawa nito. "So, why did you cry?" bigla nitong tanong sa akin. "Hindi ah. Bat naman ako iiyak" pagsisinungaling ko sa kanya. "You can lie with your face but not with your eyes" sabi nito at tinitigan ako sa mata. "Are you still troubled with what happen the other day?" sa tono ng boses niya parang sigurado siya sa sinasabi niya. Umayos ako ng upo at tuluyan ko na siyang hinarap. "Ice cream you want?" alok ko sa kanya "Laway conscious ka ba?" tanong nito sa akin. Tumango ako sa tanong niya. "Isa lang ang spoon mo. Paano mo ko bibigyan?" Napatingin ako sa hawak kong kutsara. "Tirahan na lang kita" sagot ko sa kanya pero tinawanan lang ako nito. "Huwag na ubusin mo na yan" sabi lang nito at tinignan akong muli. "So, am I right? You cry for that reason?" pagbabalik nito sa tanong niya. Hindi ako sumagot sa kanya at pinanood lang siya kung paano niya ibinuga ang usok ng yosi niya. Napansin niya ata ang paninitig ko. Tumayo siya at lumapit sa basurahan bago itinapon ang yosing hawak niya. Kumuha siya ng candy mula sa bulsa niya at kinain yun bago bumalik sa upuan sa tapat ko. Tumayo siya sa harapan ko at tinuro ang space na nasa tabi ko sa lounge. Nakatingala ako sa kanya at naghihintay nang sasabihin niya. "Can I sit?" tanong nito. Tumango naman ako bilang sagot sa kanya. Umupo siya sa tabi ko pero meron pa rin distansya sa pagitan namin. Itinukod niya ang dalawa niyang kamay sa likuran bago tumingala sa langit. "Laina, kapag bang sinabi kong pangit ka magagalit ka?" tanong nito sa akin. Napalingon naman ako sa tanong niya at tinawanan siya. "Parang hindi kasi alam ko namang maganda ako" proud kong sabi sa kanya. He looked at me bago ngumiti dahil sa sinagot ko. "See. You can ignore what I just said kasi alam mo na maganda ka. Alam mo kung ano yung totoo. May mga tao talagang hindi natin map please pero it's not your obligation as long as alam mo kung ano yung totoo at ano yung tama wala kang dapat ikatakot or ikasama ng loob" sabi nito habang nakatingin sa langit "G*go lang yung ex mo kasi hindi niya matanggap na wala na kayo kaya ka sinabihan ng ganun pero kung alam mo naman ang totoo sa sarili mo, edi huwag kang magpadala. Ignore him. Sabi nga nila, kill them with kindness" Napangiti ako sa sinabi ni Brix bago tumingin na lang din sa langit na puno ng bituin. "Pwede pala tayong ganito noh? Nag uusap nang hindi nauuwi sa away" natatawa kong sabi sa kanya. "Tsk.. Ikaw lang naman ang laging highblood" "Lagi ka kasing nangh highblood" sabay kaming natawa ni Brix dahil sa sagot ko. "Andyan ka lang pala hanap ka na. Tumatakas ka na naman daw" sabay kaming napalingon ni Brix kay Kuya Summer na kakarating lang. Tinignan ako ni Brix bago tumayo. "Balik na ako" maikli nitong paalam. Ngumiti lang ako at tumango sa kanya bago sila sabay na umalis ni Kuya Summer. Pinagmasdan ko ang malapad na likuran ni Brix habang naglalakad siya palayo sa akin. Nice having a good conversation with you.....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD