Chapter 2.1

631 Words
Chapter 2.1 "Stop crying Laina" pagtahan sa akin ni Jeah ang bestfriend ko. "Sayang lang ang luha mo sa kanila. You are a Salvador at tulad ng palagi mong sinasabi, it's never a shame to be born into this family. You have a great family bessy" pagpapagaan nito sa loob ko. Ilang araw na ang lumipas pero hanggang ngayon masama pa rin ang loob ko sa tuwing naaalala ko ang nangyari. "I know kaya nga mas naiinis ako eh. I love my family, all about them. It's just that minsan iniisip ko rin na ang hirap panindigan ng apelyidong dala ko" napabuntong hininga ako dahil sa pressure na nararamdaman ko. Salvador, one of the most powerful, richest, and influential family in the country. Minsan ayoko na lang dalhin ang apelyido ko dahil nakaka pressure. It's like my surname demands excellency and greatness. My sisters and brothers are all great in their field. They found their passion habang ako hindi ko nga alam kung tama ba ang daang tinatahak ko. "Halika na let's just eat ice cream downstairs" yaya nito sa akin. Tumango na lang ako at sumunod sa bestfriend ko. Pagkababa namin ay nakita namin si Kuya Summer sa garden kasama ang ilang barkada niya. Agad na nagtama ang mata namin ni Brix. Diretso ang tingin nito sa akin habang binubuga ang usok galing sa yosing hawak niya. Akala mo kina cool mo yan?! "Brix, ikaw na" may inabot na shot glass ang kaibigan nila kay Brix. Tinungga naman agad yun ni Brix habang hindi inaalis ang tingin sa akin. Nawala ang mukha ni Brix sa harapan ko at napalitan yun ng mukha ni Kuya Summer. Hinalikan ako nito sa noo bago hinaplos ang pisngi ko. "Umiyak ka ba bunso?" tanong nito sa akin. Tumango lang ako sa kanya. "Bakit? May nangyari ba? Tell me!" Umalis ako sa harapan ni Kuya at nagtungo sa ref para kumuha ng ice cream. Lumapit naman siya kay Jeah at agad na niyakap ito mula sa likuran. Nakita ko kung paano namula ang mukha ng asawa niya dahil sa ginawa niya. Napangiti na lang ako habang pinagmamasdan sila. "Wala kuya. Stress lang sa schoolworks" pagsisinungaling ko dito at nagsimulang kainin ang ice cream. "Don't pressure yourself too much. Just enjoy your student life Laina" sabi ni Kuya Summer sa akin. Tumango lang ako sa kanya para hindi na humaba pa ang usapan. "Hiramin ko muna ang asawa ko papakilala ko lang sa mga kaibigan ko" sabi nito at hinila na si Jeah papunta sa garden. I decided to go near the pool naman para doon ipagpatuloy ang pagkain. I sat on the lounge and look at the beautiful sky. "Buti pa ang mga stars alam kung anong purpose nila sa langit" napabuntong hininga ako nang maisip yun. "You can also be a star" napalingon ako sa nagsalita at nakita ko si Brix na papalapit sa akin. Umupo siya katapat kong lounge. "Do you mind?" tanong nito sa akin at itinaas ang hawak niyang yosi. "No, it's okay" sagot ko dito para ipaalam na ayos lang ang pagyosi niya sa harapan ko. Tumango lang ito sa akin bago muling maghits sa hawak na yosi. "What do you mean I can be a star?" tanong ko sa kanya habang nakatingin sa langit. "You can also shine. You can also be one of the bright star in someone's world Laina" seryoso nitong sagot. Tinignan ko siya dahil Hindi ko mapigilang mamangha sa sagot nito. "What?" natatawa nitong tanong sa akin nang makita ang reaksyon ko. "May sense ka rin pala kausap minsan noh" nakangiti kong sagot sa kanya. "May sense talaga ako. Ikaw ang wala" asar nito sa akin. "Ako? Wala?! Excuse me, it's me Laina Ayden. Ang may pinaka sense na tao sa lugar na to ngayon"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD