> CHELSA’S POV “HINDI.” DIRETSONG SAGOT ko sa lalaking nagtatanong sa ‘kin kung naaalala ko ba siya. Dahil talagang hindi. Wala akong maalala. Kung sino ako? Kung ano ang pagkatao ko? Ang nakaraan ko? “Okay lang.” Malungkot ang ngiti niyang hinaplos ang mukha ko. “Akala ko lang naman kasi, naalala mo na ako.” Sabi niya. ~( 44 days na lang ang natitirang araw para sa buhay ni Chelsa. Sa mga nakaraang araw, mas napapadali ang kamatayan niya dahil di lang isang paruparo ang namamatay sa isang araw. May pagkakataong dalawa, at dalawang araw yun na bawas sa buhay niya. Sa nalalapit niyang pagkawala, unti-unting kumakalat ang kamandag ng sumpa sa kanyang katawan. Na magiging sanhi ng kanyang labis na paghihirap. Magkakaroon ng mga pagbabago sa kanyang katawan at katauhan. Maari s