TEASER - So this is goodbye?
NAKITA ko siya sa lugar kung saan siya laging mag-isa. Gaya nang dati, nakaupo lang siya at pinagmamasdan ang mga bulaklak at ang nagliliparang paruparo. Sabi ko sa sarili ko, di ako gagawi rito. Pero heto ako – humahakbang palapit sa kanya. Sa babaeng sinaktan ako. Sa babaeng akala ko mahal ako. Sa babaeng pinaglaban ko, pero iniwan ako.
Hindi ko magawang iiwas ang sarili ko. Malapit na ako sa kinauupuan niya. Kailangan ko lang ba ng closure? O talagang siya ang kailangan ko? Kailangan ko lang bang maliwanagan? O siya na ang liwanag ko?
Sa mga nakalipas na araw kasi, napakadilim ng mundo ko. Pa’no niyang nagawa sa ‘kin yun? Pa’nong nabago niya ang ikot ng mundo ni ‘Nate’? I’m Nate! The Famous Nate!
Nagulat siya nang biglang nakaupo na ako sa harapan niya. Isang-linggo narin kaming di nagpansinan. Nagkakasalubong pero parang strangers lang. Di ako nag-attempt na kausapin siya. Pero sobra na akong nasasaktan. Nakatingin lang ako sa kanya sa malayo. Nakangiti ako at nakatawa kapag alam kong nandyan siya. Para di niya isiping apektado ako at nasasaktan sa pakikipaghiwalay niya.
Di ko talaga kayang mawala siya. Di ko kayang magpanggap. Di ko na kayang itago ang nararamdaman ko. I really love this girl in front of me! I don’t wanna lose her!
“Hey! Nag-lunch ka na?” inangasan ko ang tanong ko. Nakatitig ako sa kanya na parang walang nakaraan sa ‘min.
“Hey! Nag-lunch ka na?” oh, s**t! Loro ba siya? Ginaya niya lang ang sinabi ko.
Di ako magpapatinag. Kinain ko na ang pride ko. Sinimulan ko na ‘to. Wala nang atrasan to!
“Gusto mo sabay na tayo mag-lunch?”
“Gusto mo sabay na tayo mag-lunch?” muling ginaya niya ako.
“Ready ka na ba sa exam mamaya?”
“Ready ka na ba sa exam mamaya?” at muling inulit niya lang ang sinabi ko. Haist!
Oh, s**t! Ano bang trip niya? Pinaglalaruan niya ba talaga ako? At bakit ba ako ganito? Di ako ‘to! I’m Nate! At ako ang nagpapaikot sa babae. Ako ang naglalaro!
“Pwede ba itigil mo yan!”
“Pwede ba itigil mo yan!”
“Oh, s**t! Please naman, Chelsa!” napasigaw na ako.
“Oh, s**t! Please naman, Chelsa!” sumigaw rin siya.
Huminga ako ng malalim. Pinigil ko ang galit ko.
“Gusto ko lang mag-usap tayo. Wag mo naman akong gagohin.” Malumanay kong pakiusap.
Tiningnan niya lang ako. Kakaiba ang pakiramdam na yun. Ngayon ko na naman ulit nakita nang malapitan at matitigan ang maganda niyang mukha. Walang reaksyon sa mukha niya. Para lang siyang nakatingin sa mamang nawawala na nagtanong ng direksyon.
Halos limang minutong nagtitigan lang kami. Napakatahimik ng paligid. Pero alam ko na sa mga sandaling yun, may mga schoolmate kaming pinagtitinginan kami at pinagbubulungan. Nasulyapan ko rin kanina si Cristy at ang mga dati kong kaibigan. Nakita ko ang pagkadismaya nila. Inisip kasi siguro nila na iiwan ko na si Chelsa at babalik na ako sa dati. Pero wala na talaga akong pakiaalam. Sa akin lang at sa kanya ako may pakialam. Ang sa ‘ming dalawa lang.
“Ano ba talagang ginawa kong mali? Lahat naman ginawa ko para sa ‘yo? Binago ko ang sarili ko. Ang lifestyle ko.”
“Hindi ko hiniling sa ‘yo yun.” Malamig ang boses niya.
“Ba’t biglaan? Ipaliwanag mo naman. Tinalikuran ko ang mga kaibigan ko para sa ‘yo.”
“Hindi ko hiniling sa ‘yo yun.”
Oh, s**t naman talaga! Kung di niya ginagaya ang sinasabi ko. Paulit-ulit naman ang sinasabi niya!
“Mas pinili kita kaysa kay Cristy. Iniwan ko siya para sa ‘yo.”
“Hindi ko hiniling sa ‘yo yun.”
“Wala ka bang ibang sasabihin kundi yan?!” napalakas ulit ang boses ko.
Tiningnan niya lang ako.
“Mahal na mahal kita, Chelsa...” masuyo at buong pusong sabi ko.
Tiningnan niya lang ako ulit ako. Hindi ko mabasa kung ano ba talaga ang nasa loob niya. Para siyang isang napakalalim na balon na walang laman. Parang isang napadilim na lugar.
“Ako ba, minahal mo? Naramdaman mo ba yun?” tanong ko. Tanong na ilang ulit kong natanong sa sarili ko nang iwan niya ako.
Umiling siya.
“Lahat naman ginawa ko. Lahat binigay ko.”
“Hin-”
“Hindi mo hiniling? Hah?” pagputol ko sa sasabihin niya. “Ba’t ako? Hiniling ko ba na paibigin mo ako? Hindi! Pero ginawa mo!” Hindi ko na napigilang ilabas ang sama ng loob ko.
Muling tiningnan niya lang ako. Tinitigan niya ako ng mga mata niyang walang emosyon.
“Ano ba talaga ang ginawa ko? Para gawin mo sa ‘kin ‘to?” nakaramdam ako ng panghihina.
“That’s exactly what it is, Nate. Dahil lahat na ginawa mo. Pero ako – wala akong kayang gawin para sa ‘yo.”
“Ano bang ibig mong sabihin?”
“Ano bang gusto mong marinig?” tanong lang ang naging sagot niya. “Ayaw kitang saktan pa. Pero kung ‘pagpipilitan mo, okay, fine! Gusto mo bang marinig na pinagtripan lang kita?”
“Ano?” gulat na tanong ko.
“Oo. Nate. Naglaro lang ako. Gusto ko lang maging memorable ang high school life ko. Imagine, si Nate the famous, naging bf ko? Sapat ng memories yun para masabi kong naging exciting ang high school life ko. Parang fairytale, di ba?”
Napatulala ako sa sinabi niya. tapos tumawa pa siya ng malakas.
“You asked me, if I love you? Well, the answer is ‘no’! I don’t love you, Nate. Trip lang lahat yun. Akala ko di mo seseryosohin. Pero nang makita kung seryoso ka na, lumayo na ako. Please, don’t get me wrong. Gawain mo rin yun, di ba? Sabi mo nga marami na kaming naging gf mo.”
“Napakasama mo.” Napatiim-bagang ako. Napakasakit ng mga naririnig ko mula sa kanya.
“Yeah, right! Kaya nga nag-click tayo, di ba? Dahil parehas lang tayo.”
“Sinungaling!”
“Pagpilitan pa talaga? Nate, ni di ko nga naramdaman. Ni di bumibilis ang t***k ng puso ko kapag nandyan ka!”
Kung di niya naramdaman yun, bakit siya lumuluha?
“I love you, Chelsa.” Yun lang ang naging tugon ko sa kanya. Ayaw kong maniwala sa mga sinasabi niya.
Gusto kung gawin ang lahat to win her back. Naging bingi ako sa sinabi niya. Alam kong nagsisinungaling lang siya. Dahil nararamdaman ko sa bawat tingin niya sa ‘kin nun na minahal niya ako. Sa bawat haplos niya, sa bawat pagtawag niya ng pangalan ko, naramdaman kong minahal niya ako. Naramdaman ko ang bilis ng t***k ng puso niya sa tuwing magkatitig kaming dalawa.
“Oh, common, Nate! You’re so annoying! Can you please just leave me alone! Tapos na tayo, Nate!”
“Chelsa,”
“Leave!” napasigaw siya.
Pero lalo akong lumapit sa kanya. Hinawakan ko siya sa kamay. Pero hinawi niya at tinulak niya ako.
“Get out of my life, Nate!”
“Isang pagtaboy pa, aalis na ako. Lalayo na ako nang tuluyan. Ituturing kong di kita nakilala at di ka naging parte ng buhay ko. Ituturing kong isang napakasamang panaginip ang tungkol sa ‘ting dalawa. Ituturing kitang hangin kapag nandyan ka, isang multong di ko dapat makita.”
Tiningnan niya lang ako. Umihip ang malakas na hangin. Naramdaman ko ang malamig na simoy nito. Napaisip ako sa sinabi kong ituturing ko siyang parang isang hangin. Kailangan ko ng hangin para mabuhay. I need air to breath. Di ko nakikita ang hangin pero nararamdaman ko! Oh, s**t!
“Leave!” tinaboy niya parin ako sa kabila ng banta ko.
Tumayo ako. Tumalikod. Nanginginig na humakbang palayo. Ito na ba ‘to? Tapos na ba talaga sa ‘min ang lahat? Ganun lang ba yun? Sa nakaraang mga araw, nasaktan na ako nang magpaalam siya. Pero pilit kong binalewala. Dahil sa mga past relationship ko ganun din ang ginawa ng mga naging ex ko. Makikipag-break para lang magpahabol sa ‘kin. Pero wala akong hinabol. Makalipas ang dalawang araw o tatlong araw, magmamakaawang balikan ko sila. Akala ko isa din ‘to sa mga yun.
Pero alam kong iba talaga. Dahil siya lang ang iniyakan ko. Mahal ko talaga siya. Napakasakit. s**t! Ganito pala yun. Nagmakaawa ako. Trip lang ba talaga sa kanya yun?
Naglakad ako palayong nakayuko. Paikot-ikot pa rin sa ang isip ko ang mga katanungan. Mga katanungang di ko alam kung ano? Basta, naguguluhan ako.
~~~
PINAGMASDAN KO si Nate palayo. Alam kong nasaktan ko siya. Pero mas masasaktan siya kapag pinilit pa namin ang sarili namin sa isa’t isa. Di ko mapigilang maiyak. Pinagtabuyan ko ang lalaking mahal. Ang lalaking nagpasaya at nagbigay ng pag-asa sa buhay ko.
“I’m sorry, Nate…” Yun ang mahinang nabigkas ko. Gusto ko siyang habulin. Gusto kung sabihing mahal ko siya. Gusto kong yakapin siya. Gusto kong hawakan ang kamay niya at tumakbo palayo. Palayo sa lugar na ‘to. Lumayo sa mga taong nakapalibot sa ‘min. Gusto kong bumuo ng mundo kung saan kami lang dalawa. Mundong pwede kaming magsama. At malaya kaming magmamahalan.
Nate, magkaiba ang mundo natin. Mundong di dapat magtagpo.
~~~
NAGKASALUBONG kami sa hallway ni Chelsa. Papasok narin siguro siya sa classroom. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at direcho akong naglakad. Tulad ng hangin, di ko siya nakikita. Pero nararamdaman ko siya. Oh, s**t!