NAGYAYA SI DADDY ng tagay pero siya unang sumuko. Sinamahan siya ni mommy at matutulog na raw sila sa kwarto. At binilinan kaming wag masyadong magpakalasing dahil may pasok bukas. Binulungan ako ni Edward na tapos na ang exam week. Nawala sa isip ko yun at graduating na pala kami. Sabi nila, nagawan naman nila ng paraan. Gumawa sila nang malupit na dahilan at wala na akong puproblemahin sa exam. May kodego daw sila para sa ‘kin. Hinatid namin pauwi sina Cristy at Lyhn pagkatapos nang inuman. Nauna na rin umuwi sina Carly, Evy, Awin, Arvin at Melcho. Pero kami nina Edward, Jasper, Karl, Kyle, Zab at Kristan ay humabol pa ng inom ng beer kay Nicole. Di pa rin maubos ang mga tanong nila na paulit-ulit. Anong ginawa namin? Saan kami pumunta? Talaga bang wala na sa bansa si Chelsa? Anong rason