NAPAG-ISA AKO. NAKAUPO ako sa buhangin habang pinagmamasdan ang dagat at ang bawat paghampas ng alon. Ang sarap sa tainga ng tunog ng paghampas ng alon, nakaka-relax. Nililipad ng malakas na hangin ang buhok ko. Sana liparin na rin ang sakit sa puso ko. O kaya sana, liparin si Nate papunta sa tabi ko. Napangiti ako nang maisip ko yun. Minsan kong pinangarap na makasama siya sa tabing dagat. Isa sana yun sa mga list ko na gagawin namin sa loob ng isang buwan. Plano ko nun na makalipas ang isang buwan, bigla na lang akong mawawala. Akala ko yun na ang pinakamasakit na mangyayari sa buhay ko bukod sa kamatayan ko. Pero natalbugan pa ng mga nangyayari ngayon. Mas malupet ‘to at mas masakit. Palubog na ang araw, kulay orange ang kalangitan. Parang ako ngayon ang dapit-hapong ‘to. Nag-aagaw