Chapter 5. Trouble

1552 Words
Gaige's POV . The night shift was never easy. Dapat sana sanay na ako rito dahil napagdaanan ko na naman ito. Pero parang naninibago ang katawan ko, at hindi ko maintindihan ito. Pangatlong gabi pa lang at nanghihina na agad ang katawan ko. Okay naman dahil hindi ako nalalate sa trabaho dahil gabi ang starting shift ko. Pero sa tuwing lampas ala una ay bumibigay na ang mga mata ko. "Hey, Miss. I want the same order as before," pilyong ngiti niya at tumango na ako. I grab the empty expensive wine that he finished a while ago. Dapat sana ni Michelle ang gumawa rito. Pero bigla siyang umuwi dahil may emergency sa bahay nila. Kaya heto naiwan ang customer niya sa akin. Naramdaman ko agad ang pag-gapang nang kamay niya sa gitnang hita ko at kinilabutan ako sa ginawa niya. Nahinto ako at nanlisik ang mga mata kong tinitigan siya. "Woah. I like that. Palaban ka. Bago ka ano?" Hindi na ako umimik at kinuha lang din ang iilang baso pa. Natawa na ang mga lalaking kasama niya. "Huwag mo kasing hawakan, pre. Alam mo naman na ganyan ang mga baguhan dito," tugon ng isang kasama niya. Pero ang manyak naman ng titig nito sa akin. "Asaan ba kasi ang dapat ka table natin. Ang tagal ah," tugon ng isa. "Well, pwede na sa akin ito. Bago tayo magsimula sa laru." Marahas na humawak ang lalaki sa baywang ko at umalma agad ako. Napaatras ako at kamuntik ko na tuloy mabitawan ang tray na bitbit. "Pre, naman. Bawal sila rito," tugon ng isa sa kanila. Kinabahan na ako, pero malakas ang loob ko at hindi ko na pinansin. Mabilis akong humakbang patungo sa pinto para makalabas sa pribadong room na ito. "Not so fast, Miss." Humarang agad siya sa pinto. Nakabukas naman ito at nakita ko agad si Jane sa labas na bahagi. Katulad ko may bitbit din siya para siguro sa kabilang pribadong room na order ito. Nahinto siya at napatingin sa akin. "J-Jane!" tugon ko. Pero agad lang na sinara ng lalaki ang pinto at bahagyang natawa pa. "E-Excuse me, Sir. What you're doing right now it out of the rules here in the Casino. M-Mapapatalsik po kayo," tatag na titig ko. Nanginig ang boses ko pero hindi ko pinaparamdam ito. "Woah, palaban nga, pre," bahagyang tawa niya. "Ikaw naman, Miss. Magkano ka ba?" titig niya sa kabuuan ko at napalunok na ako. "Hindi po ako pwede, Sir. At kong naghahanap kayo ng ka table. Maghahanap ako!" tigas na tugon ko at titig sa mga mata niya. Napailing agad siya. Mas lumakas ang kantyaw ng mga kasamahan niyang barkada rito sa loob. Halatang mga sabog na sila at lasing na. I swallowed hard and studied him before. Alam kong hindi mga ordinaryong mga lalaki ang nandito. Sinabihan na ako ni Michelle na anak ng Mayor ng syudad dito ang customer sa room na ito. Hindi ko lang alam kung sino sa kanila, at wala akong pakialam talaga. "Hindi ka naman ka sexyhan. Pero ang bango mo kasi, Miss. Kakaiba ka sa mga babaeng naka-table ko na." Inilapit niya ang mukha sa akin at napaatras na ako. Tumalikod ako na bitbit ang tray na puno ng laman. Hindi ko tuloy alam kong saang bahagi ako lalabas. E, iyan lang din naman ang labasan. Tumayo agad ang lalaki na kasama niya at pilyong tinitigan ang kabuuan ko. "Pre, maghanap na lang tayo ng ibang babae. We know the rules here. We may not like it or so, we have to respect their staff here, bro." "Oh? Staff ka ba, Miss? Akala ko si table girl ka?" tawa niya ulit. Napalunok ulit ako at tinitigan na siya nang buo. "Excuse me, Sir. I will get your order downstairs and probably will ask the manager about your request." Tumiin-bagang na siya at nawala ang ngiti sa labi nito habang tinitigan ako. "Hindi mo ako kilala ano? Ang arte mo, Miss." Sabay hawak niya sa tagiliran ko at napaatras na ako. "Magbabayad naman ako. Lima kami rito. Twenty thousand for the night. Ano?" Kumalabog na ang t***k ng puso ko nang tumayo ang isa sa mga kasamahan niya at inilock ang pinto. Napatingin na ako sa kanya. "Five thousand each. Money on the table, boys!" utos niya sa mga kasamahang lalaki rito. Nabingi na nang t***k ang puso ko at nagisimula ang nginig sa tuhod ko. "Hindi ako bayaran, Sir. A-At hindi ako pwede. I have my period today," palusot ko. Tumingala agad siyang natawa sa sarili. Nagmura siya at hinawakan na ang kamay ko. Nabitawan ko ang hawak na tray at bumagsak ito na sahig. Nagkalat ang baso at nabasag ang iilan sa paanan niya. Galit ang titig niya sa akin at masakit na ang pisil na hawak niya sa braso ko. "Damn it, Kim!" tugon ng isa sa kanila at hinila ako palayo. "Don't touch her, pre! Hindi nga siya pwede. Maghahanap tayo ng iba." "f**k it, Carmello!" Itinulak na niya ito at sumalpak ang katawan ng lalaki sa sahig. Napatayo agad ang mga kasamahan niyang lalaki. "Damn it, man!" reklamo ng isa. "Oh, sa'yo na!" Itinulak ako ng isang lalaki pabalik sa katawan niya, at natawa agad siya na parang demonyo ngayon. "Kim!" Sigaw ng lalaki na nasa sahig at mabilis na tumayo ito. Pero mabilis siyang hinawakan nang dalawang kasamahan niya sa magkabilang braso. "Ang arte mo kasi, Miss. E, ito lang naman ang gusto ko sa'yo." Humigpit ang hawak niya at pwersahan na siyang humalik sa leeg ko. Pero mabilis ko siyang naitulak at napasandal siya sa pinto. Kinabahan ako at natakot sa sarili. Namula ang mukha niya sa galit at kinuha ang pera na inilapag ng mga kasamahan niya kanina sa mesa. "Kulang pa ba 'to? Dagdagan niyo nga. Fifty thousand!" Gusto ko nang maiyak. Sinabi na ni Michelle sa akin ito noong nakaraang gabi, na minsan may mga customer talaga na matitigas ang ulo. Mabilis kong kinapa sa bulsa ang alarm code, pero wala ito sa akin. Naalala ko na naiwan ko ito sa locker nang magpalit ako ng damit kanina. Ito ang pinipindot namin kapag binabastos na kami ng mga customer sa loob. "Halika ka nga rito!" Humawak na siya sa katawan ko at mahigpit ito. Pumalag ako pero masyado siyang malakas. "Ano ba! T-Tama na!" Sigaw ko. Pero mabilis lang na tinakpan ng panyo ang bibig ko nang isa nilang kasama. Namilog na ang mga mata ko. Wala na, wala na akong pag-asang makawala. Ang bilis na pintig ng puso ko at ang habol ng hininga ay gumuhit nang kakaibang alaala sa isip ko ngayon. Pumikit na ako, at ang wala na akong marinig na ibang boses sa paligid maliban nga lang sa sariling pintig ng puso ko ngayon. Hanggang sa... "Gaige! f**k! Damn it!" Bumagsak ang katawan ko at hindi ko na alam kong ano pa ang mga sumunod na eksena. Tinakpan ko na ang tainga at pikitmata sa lahat. Parang rambol ang inggay ng boses nila at may isang boses lang akong naririnig ngayon. Nangingibabaw ang boses niya at kakaiba ito. Pakiramdam ko parang may kong anong humila as puso ko pababa at ang sakit nito. Gaige, baby... Darling... It seems like his voice echoed in my entire system and it gives me a rewarding and fulfilling warmth inside. "Gaige! O-Okay ka lang ba?" . Napamulat na ako nang maramdaman ang hawak ni Jane sa kamay ko. Napatitig na ako sa kanya at pumatak na ang luha ko. Natakot ako ng husto, at parang may alaala akong nakuha sa nakaraan ko, pero boses niya lang ito. "Oh my god!" Napatakip bibig ko nang makita ang duguan na kamay ni Mr. Art Atticus habang hawak niya sa leeg ang lalaking bumastos sa akin kanina. Nakahandusay pa ang mga lalaki na basag ang bawat mukha sa gilid. "f*****g damn it!" Sigaw ni Art bago pinakawalan ang malakas na suntok sa mukha ng lalaki at bumagsak ito sa sahig. "Sir!" Tayong tugon ni Jane at katulad ko hindi rin siya makapaniwala. Parang binuhusan ng yelo ang buong katawan ko nang magtitigan kaming dalawa. He's furious and so angry like a lion. Humakbang siya palapit sa akin at lumuhod lang din. Hinaplos ang mukha ko at tulala akong napatitig sa maamo niyang mga mata. "Who told you to work here?" tiim-bagang niya. "Sir!" Dumating agad ang mga gwardiya rito at isa-isa sila pumasok. Kinilabutan ako at parang may tumusok sa puso ko nang matitigan ulit ang mga mata ni Atticus. Nagbago ang kulay nito, at gumuhit ang taimtim na galit. Tumayo siya at humarap sa mga gwardiya niya. "Get this f*****g asshole out here! I want them in jail. Now!" Dumagundong ang boses ni Atticus at napalunok ako. Hindi na tuloy ako makatayo at nanginig nang lalo ang katawan ko. Mas nanghina ako nang makita ang pagpatak ng dugo mula sa kamao niya. Pumatak ulit ang luha ko habang nakatitig sa duguan na kamay niya. "Come here, darling," lambing na tugon niya. Lumuhod siyang muli at nalito ako sa kinikilos niya. Binuhat niya akong mabilis, at nagpumiglas ako. Pinipilit kong kumalas mula sa higpit na pagkarga niya. "Don't f*****g move, Gaige." Napalunok ako nang marinig ulit ang boses niya. Bumilis ang t***k ng puso ko, pero kakaibang t***k ito, parang pamilyar at nalulunod ako. . C.M. LOUDEN
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD