Gaige's POV
.
Ngayon naiintindihan ko na kung bakit hindi nagtatagal sila sa trabahong ito. Maliban kasi sa gatambak ang load file ay lahat silang tatlo ay parang boss kong umasta. Ang imbes na trabaho nila ay binibigay sa akin at gayon din naman ang dalawa pa.
"Tapos na ba, Gaige? Photocopy naman this," lahad ni Vilma sa libro.
Tinangap ko ito at tinitigan na. Tumalikod na agad siya. I feet so restless and feels like s**t! Ikaapat na araw ko na ito at pakiramdam ko ay dudugo na ang mga kamay at paa ko sa kalalakad sa buong gusali na ito. Hindi ko tuloy alam kong ano ba ang papel ko, at ano ang tunay kong trabaho.
"Gaige, pakikuha nga kay Miss Graham ang desenyo na ginawa niya. Sabihin mo hindi nakarating sa email ko at kailangan ko ito ngayon na!" tugon si Cassandra sa akin, isa sa mga assistant HR at designer na din.
Tahimik akong tumango at mabilis na tinapos ang photocopying. Pero mukhang matatagalan pa ito dahil one hundred pages ang kailangan gawin. Kaya iniwan ko na muna ito habang patuloy ang printing ng copier. Bumaba na ako, pero nahinto lang din nang tinawag ako ni Monica.
"Gaige! Pababa ka?"
"Oo."
"Kindly pass this to Mrs Kendra. Sabihin mo bukas na ang iba, okay? At pakibili na rin ng kape, Gaige, sa babang canteen. Heto apat, okay," sabay bigay niya sa pera.
Ngumiti na ako at hindi na nagreklamo. Inisip ko ang copier na naiwan, pero okay naman siguro ito. Tatlong iba't-ibang palapag ang hihintuan ko bago ako nakababa sa babang canteen. Ibinigay kong una kay Mrs Graham ang desenyo na pinabibigay ni Cassandra. May ibinigay agad siyang dokumento pabalik kay Ms Cassandra.
Nagpatuloy na ako hanggang sa marating ang opisina ni Mrs Kendra. May hawak ang papel sa isang kamay ko na galing kay Mrs Graham. Nang maibigay ko kay Mrs Kendra ang para sa kanya ay tinaasan niya agad ako ng kilay.
"Bago ka ano?" sabay titig niya sa kabuuan ko.
"O-Opo..." hiyang tugon ko.
"Go to Ponce and get your uniform. Kahit na baguhan ka ay marunong kang makisabay sa pormal na pananamit. Hindi iyong mukha kang alalay."
Napalunok na ako. Gusto ko sanang magtanong kung saang banda si Ponce, pero parang umurong ang dila ko at tumalikod na ako nang matapos. Magtatanong na lang siguro ako sa iilang staff dito. Hanggang sa nakita ko ang cleaner na medyo may edad na. Nang makalapit ako sa kanya ang konti ay naalala ko lang din siya.
"M-Manang," ngiti ko. Nahinto siya sa ginagawa at ngumiting tinitigan ako.
"Nagsimula ka na pala?"
"Opo... A-Alam niyo po ba kung saan ko mahahanap si Ponce? Para po sana sa uniporme ko?"
Napatingin agad siya sa kabuuan kong nakangiti. Pero napako ang mga mata niya sa mga bitbit ko.
"Tapusin mo muna iyan at balikan mo ako rito," tugon niya.
"P-Po? Ah... Sige po!"
Mabilis akong tumalikod at halos patakbo pa ako. Naguguluhan man ay para akong baliw na pabalik-balik ang akyat sa bawat floor. Ang cafe canteen ang panghuli dahil sa utos ni Monica.
Mabilis akong sumakay ng elevator pabalik sa itaas at binigay agad ito kay Monica. Namilog pa ang mga mata ko at nataranta na ako sa sarili nang maalala ang naiwan kong photocopier.
"Who the hell left this here?!"
Ang nakakayanig na boses agad ni Vilma ang sumalubong sa akin pagkapasok ko pa lang sa pinto ng staffroom. Kinabahan ako nang makita ang kalat ng mga papel na galing sa photocopier. Mabilis kong pinulot ito sa paanan niya at kinakabahan na akong masyado sa sarili.
"Ikaw, Gaige!? Di ba inutos ko ito sa'yo? Ang tagal! At hindi mo pa magawa ng tama? Saan mo ba nilagay ang utak mo? May utak ka ba!?"
"K-kasi po-"
"Huwag kang mangatwiran. Ang bobo mo talaga! Pasalamat ka nga dahil dito ka nakapasok. E, hindi ka naman qualified! I can't tolerate this type of behaviour. Hanggang bukas ka na lang! Bwesit! Ang tanga!"
Mabilis siyang humakbang at inapakan pa niya ang iilang mga papelis na iniwakli niya kanina. Kitang kita ito ng mga staff na nandito at lahat sila ay nakatitig lang sa akin. Napangiwi ang iba at tinaasan lang ako ng kilay. Nagsibalikan din agad sila sa mga trabaho na parang walang nangyari.
Hiya ako sa sariling pinulot at inayos ang lahat ng kalat dito. Naiinis ako, dahil hindi man ako binigyan ng pagkakataon na maipaliwanag ang sarili.
Hindi ko kasalanan ito. Mga pesti kayo! Sigaw ng isip ko.
Nakakapanghina ng loob, pero wala na akong magawa. Baguhan ako at wala pang isang linggo. Nang matapos ay bumalik na ako sa mesa, at wala sa sarili nang pumasok ako sa loob ng opisina.
"Ba't raw pinagalitan? Naku. Hindi mo mapapaalis ng basta-basta ang babaeng iyan dito."
Rinig ko ang boses na galing sa loob. Napalunok ako. Alam kong si Cassandra ito, ang assistant HR. Kausap niya siguro si Maylene ang PA ni Nancy.
Pumasok na ako at nahinto agad sila sa chismis. Maingat kong nilapag sa lamesa ni Vilma ang mga pinaphotocopy niya. Wala siya rito, at mukhang nasa baba pa. Nang mapako ang paningin ko sa dalawa ay tinaasan lang ako ng mga kilay nito.
Napabuntonghininga na ako. Lalabas na sana ako para bumaba at mahanap si Ponce. Pero ang mukha ni Vilma agad ang sumalubong sa akin.
"Let's talk, Gaige," agad na tugon niya sabay pasok sa opisina.
Sumunod ako at sinarado ko na ang pinto. Tahimik akong tumayo sa harapan ng mesa niya. Habang abala siya sa paghahalungkat ng mga papelis niya sa mesa. Hanggang sa mahanap niya ang papelis.
"Sign this. I'll move you to the Casino," matigas na tugon niya.
Mahina akong lumapit at binasa ito. It's a contract for six months to work as an assistant cashier on the ground floor Casino of Monde Corporation. Hindi man nakalagay ang pangalan ko ay isinulat niya ito sa ibabaw. Binasa ko na rin ng maayos pati na ang likod.
"Ang tagal. Wala namang espesyal sa kontrata, Gaige," reklamo niya.
Hindi na ako nagsalita at pinirmahan ko na lang din. Kung sa bagay sa Casino naman dapat ako simula pa. Hindi ko nga lang alam kung bakit ako napunta rito. E, ang sasama ng mga ugali nila. Wala naman akong natutunan dahil puro utos ang nangyari sa akin sa loob ng apat na araw. Ginawa lang nila akong utusan sa lahat.
Ibinalik ko ito sa kanya pagkatapos kong pumirma. Kinuha niya ito at taas kilay na binasa. Saka ako binigyan ng passcode ID.
"Hanapin mo si Helen, ang head management sa baba. Alam na niya."
Tumango na ako, tanda ng respeto. Nang makalabas ay nakatingin ang dalawang assistant dito, sina Cassandra at Nimfa. Umiwas na ako at kinuha lang din ang bag ko sa lamesa ko.
"Sabi ko sa'yo. Hindi iyan mapapatalsik. Malilipat lang," parinig ni Cassandra sa akin. Umirap agad siya.
Tinitigan ko muna ang mesa ko. Kahit papaano ay ma-mi-miss ko ang lamesang ito at hindi ang mga mukha nila. Lumabas na ako at bumaba na. Nakalimutan ko na si Ponce at si Manang na tagalinis.
Nang makarating sa Casino ay kakaiba nga naman ito. Exclusibo, maganda, galante at marami ang naglalaro. Nakita ko agad si Jane sa front line, nag-a-assist siya. Nakita niya ako at kumaway lang din. Pinakita ko ang access code ko, at sumenyas ang kamay niya sa gilid. Nakita ko agad ang Head nila rito.
"M-Ma'am Helen?" Sabay pakita sa access code na binigay sa akin.
"Oh, ikaw pala."
Kinuha niya ang access code sa kamay ko at sumunod na ako sa kanya. Umakyat kami sa ikalawang palapag ng Casino. Namangha ako dahil ang Casinong ito ang pinakamalaking Casino na nakita ko sa buong buhay ko. Nakamamangha na parang nasa ibang bansang hotel ako.
I've been to Japan and Hongkong. Nag t-trabaho ako noon sa isang malaking hotel bilang cleaner. Na promote ako sa pagiging team leader, hanggang sa naging Head leader. Ang taas na ng naabot ko noon, pero dahil sa isang pagkakamali ay nawala sa akin ang lahat at lumagapak ako pababa na walang-wala.
"Madali lang dito. Sa mga VIP ka okay. Bawal makihalubilo sa kanila. Ibigay mo lang ang order at kung ano ang gusto. All of the clients on this floor are our VIP's, so treat them well."
Pinakita niya sa akin ang sample ng isang kwarto at ang mga gamit rito. Naintindihan ko agad, dahil walang kaibahan ito sa ekslusibong hotel na pinag-t-trabahuan ko noon. Iyong nga lang iba rito dahil sugal ang kalakaran at legal naman.
"May uniporme ka na ba?" titig niya sa kabuuan ko.
"W-wala pa po."
"Bumama ka at hanapin mo si Ponce."
Tumango na ako at bumama na kami.
"Bukas ka na magsimula. Alas syete ng gabi ang shift mo hanggang alas kwatro. Isang oras ang break."
Nahinto ako nang marinig ito. Hindi ko kasi inaasahan na sasabak agad ako sa night shift. Hindi naman sa nagrereklamo ako pero mukhang pahirapan yata ang pag-uwi ko ng madaling araw. Bahala na.
.
C.M. LOUDEN