Gaige's PO
.
"Salamat talaga, Monica," hiyang tugon ko sa kanya.
"Ano ka ba. Sino pa ba ang magtutulungan. E, tayo-tayo lang naman. Pagpasensyahan mo na muna ang pwesto mo ha. E, nandito kasi si Alvin. Akala ko kasi uuwi na siya ngayon pabalik sa probinsya nila."
"Okay lang. Ano ka ba," ngiti ko. "Mas okay na ako rito, kaysa sa kalye ako matutulog," pabirong tugon ko.
"Oh sige. Ikaw na muna ang bahala ha. May trabaho pa ako. Kita na lang tayo bukas ng maaga."
Tumango na ako at mabilis na siyang tumalikod. Tinitigan ko muna ang kabuoang suot niya. Halata nga naman sa suot niya ang pagiging dancer sa isang club. Isinara ko na ang pinto at mariin na tinitigan ang maliit na kwadrado ng kwarto.
I cannot complain what life has given me. Kasalanan ko rin naman kung bakit humantong ang lahat sa ganito. I was already on the peak of my career when I was sent to Japan. Ang alam ko iyon na ang simula ng mga pangarap ko sa buhay. Iyon na ang simula para sa lahat, pero sa isang iglap ay naglaho ang lahat.
Binuksan ko ang maliit na maleta at kinuha ang short pants at damit. Gusto ko ng maligo at magpalit. Mainit ang kwartong ito, at may isang electric fan sa kisame. May foam sa gilid na ilalatag mo sa sahig kapag gusto mo ng matulog. May maliit na rice cooker, pero walang mesa. Kasya lang ang katawan mo rito sa paghiga. Ni wala nga'ng bintana.
Pangatlong beses ko na ito sa boarding house ni Monica. Pansamantala ito lang ang kasya sa pera ko ngayon. Kung hindi ako natangap ay uuwi rin ako ng Probinsya. Mabuti na lang at ang swerte ko sa pagkakataong ito. Kaya magtitiis na muna ako.
Nang makalabas na bitbit ang tabo ay ang inggay ng mga babaeng kasamahan ni Monica ang naka-pwesto sa unahan. Lahat sila nakalinya para sa paliguan. Natahimik agad silang napatingin sa akin.
"Oy Gaige! Bumalik ka na pala?" si Rina. Lumapit agad siya.
"Maliligo ka?"
"S-Sana..." hiyang tugon ko.
"Mamaya na. Hayaan mo na muna sila. May mga trabaho ang mga iyan e."
Hinila na niya ang palapulsuhan ko para makaalis na muna kami rito. Panay kasi ang titig nila sa akin at ang iba ay ang sama pa makatingin sa akin.
"Dito muna tayo."
Naupo kami sa harapan na bahagi na kung saan ay nanonood ang iba ng TV. Libre ang TV sa pwestong ito. Sa bahaging ito naglalagi ang iilang mga estudyante para gumawa ng mga assignment nila. Halo-halo ang mga taong nakatira sa boarding house na ito at purong mga babae nga lang. Pero kapag wala si Madam ay naipupuslit nila ang mga lalaki nila sa loob ng kwarto. Kagaya ni Monica.
"Huwag kang maligo ng ganitong oras dahil makakasabay mo ang mga ipokreta. Sa madaling araw ka na maligo kung maaga ang pasok mo sa trabaho. Pwde rin mamaya pagkatapos nilang lahat."
"S-Sige..."
"May trabaho ka na ba?"
"O-Oo. Natangap ako kanina."
"Congratulations! Aling factory ba?"
Inilapag niya ang mani sa mesa. "Kain ka muna," ngiti niya.
Napatitig ako rito. Masarap ang mani kaso parang allergic yata ako nito.
"Salamat. P-Pero may allergy ako sa mani."
Nahinto agad siya ng subo at seryosong tumitig sa akin.
"Hala! Ganoon ba. Hindi pala pwede 'to sa'yo." Kinuha niya ito sa lamesa at hinawakan na.
"May kakilala kasi ako. Allergic siya sa mani at no'ong nakakain siya nito at nahirapan siyang huminga. Kaya delekado talaga," sabay nguya niya. "Saang factory ka ulit?"
Lumunok muna ako bago nagsalita. "Sa M-Monde Fashion Casino."
Namilog agad ang mga mata niya na parang hindi makapaniwala.
"Woah... Nakapasok ka sa Monde Corporation? Wow, ang astig 'te!"
"Sinong nakapasok ng Monde?" arteng tugon ni Criselda sa gilid. Hindi ko siya napansin. Lumapit agad siya sa amin ni Rina.
"Si Gaige. Ang astig 'di ba?" ngiti ni Rina sa kanya.
Tumaas lang din ang kilay ni Criselda at panay ang nguya ng bubble gum sa bibig. Makapal ang pulang lipstick at pati na rin ang make-up sa mukha nito.
"Paano ka nakapasok? I'm sure may nagpapasok sa'yo?" Sabay hawi niya sa buhok. Inayos pa niya ang dibdib na halos kitang-kita na ang umbok nito.
Kilala ko na si Criselda. Siya ang parang astig dito sa lahat. Nag t-trabaho sa isang bar. Hindi na siya dancer ngayon dahil exclusive table na siya sa mga mayayamang customer niya. Rinig ko pa mula kay Monica na kabit siya ng isang mayamang politiko rito sa syudad.
"H-Ha? Hindi nakapasa ako. Sa Casino ako, bali kahera," tipid na tugon ko.
Bahagya siyang natawa at pinaikot lang din ang mga mata. "Huh, akala ko naman kung anong posisyon mo. Iyon pala sa Casino lang din! Good luck!" Sabay irap niya at umalis na siya mula rito.
"Hmp, ingetera talaga!" tahimik na tugon ni Rina. "Hayaan mo na. KSP kasi ang babaeng iyan."
Mahina akong tumango at napabuntong hininga sa sarili. Kung may choice lang sana ako e hindi ako magt-trabaho sa Casino ng Monde Corporation. Kaso wala na rin akong choice, dahil kailangan na ng pera para sa maintenance na gamot ni Mama.
KINABUKASAN ay maaga nga naman akong nagising. Tama nga si Rina, walang ibang tao sa oras na ito maliban nga lang sa akin. Alas kwatro y' medya pa lang at malamig ang tubig. Pero bahala na. Gusto kong makaligo dahil alas utso ang simula sa trabaho ko. Hindi pa nga ako nangalahati sa tubig sa timba ay rinig ko agad ang kalabog sa katabing banyo.
"Ohh... Bilisan mo, bilisan mo pa. Ah!"
"Ang sarap mo talaga, Criselda," boses ng lalaki.
Nahinto ako at napalunok sa sarili. Ang akala ko sa trabaho si Criselda ngayon. Pero mukhang iba ang tina-trabaho niya. Mas binilisan ko na ang pagligo at pinaandar ko ang gripo para hindi ko marinig ang halingling niya. Pero imbes na hindi marinig, ay parang sinadya pa talaga ng bruha na lakasan ang halingling na boses niya. Lumabas na ako. Mukhang magiging ganito madalas ang mga eksena rito at hindi na bago.
MAY KALAHATING oras pa ako bago magsimula ang trabaho. Pero nandito na ako ngayon sa Monde Corporation, sa babang bahagi, sa lobby. Kasama ko ang mga baguhan na natangap.
"Hi. I'm Jane, ikaw?" Sabay lahad sa kamay niya.
"Gaige," tangap ko.
"Ngayon ibibigay ang assignment natin. Nakaka-excite ano? Excited na ako!" ngiti niya.
"Ako rin," tipid na ngiti ko.
Kasing tangkad si Jane sa akin. Pero mas matangkad ang halos lahat na nandito. Maputi si Jane samantalang ako? Hindi ko tuloy alam kung bakit ako natangap sa trabahong ito. E, hindi naman ako kaputian katulad ng mga nandito.
"Alam mo, Gaige maganda ka. Halos lahat dito kasi mapuputi. Kaya nga siguro ako nakuha dahil maputi ako. Pero nang tinitigan ko ang lahat at ikaw. May kinang kang ganda at kakaiba. Puputi ka rin na katulad nila," pilyang ngiti niya.
"T-Talaga?" hiyang tugon ko. Tama nga naman siya.
"Huwag kang mahiya sa akin okay, at pasensya ka na kung medyo taklesa ako. Ganito na kasi ako. Saang department ba ang in-aapplyan mo?"
"Uh... S-Sa Casino."
"Casino? Pareha pala tayo!" Sabay hawak niya sa braso ko. "Ang saya nito. May kasama na agad ako."
Ngumiti akong tumango sa kanya. Umayos din agad kami nang tayo dahil dumating na ang HR. Kakaiba ang tindig niya at isa-isa niyang tinitigan kaming lahat. Tumaas pa ang kilay niya nang mapako ang tingin nito sa banda ko. Napalunok na ako at ngumiti akong pormal sa kanya. Isa-isa niyang tinawag ang bawat pangalan ng lahat at panghuli ako.
Nahiwalay si Jane. Kasama niya ang apat pa at grupo na sila. Grupo rin ang ibang tatlo at apat pa. Iba't-ibang departamento sila, hanggang sa naiwan akong mag-isa. Kinabahan na ako. Pakiramdam ko hindi ako kasali rito, at baka sa ibang departamento ako. Okay lang basta may trabaho. Isip ko.
"Okay, all of you follow me. Except you, Ms Leebody. You can wait here," tigas na tugon ng HR sa akin.
"Yes, Ma'am," tipid na sagot ko.
Kumaway na si Jane at kumaway lang ulit ako pabalik sa kanya. Naiwan akong nakatayo habang pinagmamasdan silang pumasok lahat sa elevator. Humakbang na ako sa gilid. Ayaw ko na yatang maupo dahil mas kinakabahan akong lalo.
"Excuse me," tugon ng cleaner sa akin.
Nililinis niya kasi ang malaking glass na salamin sa likod ko. Napatingin na agad ako rito. Mataas nga naman para linisin. Kaya ko kaya kapag ito ang trabaho na ibibigay sa akin?
"Aplikante ka?" tanong niya. Sa tingin ko nasa edad kwarenta na siya.
"Po? Oo," ngiti ko.
"Saa'ng departamento ka, anak?"
Napangiti akong lalo nang mabangit niya ang 'anak' sa akin, si Mama kasi ang naalala ko sa kanya. Pero mas matanda nga lang si Mama kaysa sa kanya.
"Hindi ko pa po alam. Ngayon ko pa lang po malalaman."
"Sa tindig mo mukhang sa opisina ka ipapasok."
"Naku. Hindi po. Hindi naman po iyan ang inapplyan ko," tipid na ngiti ko.
"Miss Gaige Leeboy?"
Napalingon agad ako sa boses ng babae na tumawag sa akin. Ibang mukha ang nakita ko at hindi ang dating HR kanina.
"Po!" Sabay taas ng kamay ko.
Napatingin agad siya sa kabuoan ko bago binalik ang mga mata niya sa akin.
"Follow me." Sabay talikod niya.
Nilingon ko muna ang cleaner at ngumiti akong kumaway sa kanya. Kumaway rin naman siya. Mabilis ang hakbang ko para masundan ang babaeng tumawag sa akin. Nasa gilid ng elevator ang kamay niya. Pinipigilan ang pag-sara nito para makasakay ako.
"S-Salamat," yuko ko.
Distansya ako sa kanya habang nakatitig ang mga mata ko sa numero sa ibabaw ng elevator. Nag-iisip ako kung saang departamento ako mapupunta. Medyo matagal at lumampas na kami sa kwarenta'ng palapag ng gusali.
Kinabahan ako at nanuyo na ang lalamunan ko. Sana nga pala nagdala ako ng kendi man lang. Sa sobrang excited ko kasi ay kape lang ang ininom ko kanina. Hindi nga ako nag umagahan dahil wala naman akong makain sa boarding house.
Bumukas ang elevator at nauna siyang lumabas. Sumunod lang din ako. Nakakahiyang apakan ang sahig dahil sa kintab nito. Nakikita ang bawat repleksyon mo sa ibaba. Domoble ang kaba sa puso ko nang mabasa ang antigong pinto at nakaukit ang gintong letra, ATTICUS.
Nahinto ako at nanginig ang tuhod ko. Nakatitig ako sa letra na parang pamilyar ito. Hindi ko lang alam kong saan ko ito nakita noon. Wala akong maalala. Tumikhim siya, kaya humakbang akong mas malapit sa kanya.
"Art is very meticulous. Kimberly will train you for two weeks. If you will pass then you will sign the proper contract. If not, I'm sorry. You will only be good for two weeks."
Tumango ako. Naintindihan ko agad ang sinabi niya. For the meantime, temporary lang pala ako. Okay lang hindi na ako magrereklamo at gagawin ko na lang ng mabuti ang trabaho ko.
Mas namangha ako nang pumasok kami sa loob. The mighty CEO and owner of Monde Fashion is definitely a king on his own world.
"Siya ba?" tugon ng isang babae at pormal na tumitig sa akin.
"Bahala ka na. Marami pa akong trabaho."
Umalis na agad ang babaeng naghatid sa akin at naiwan ako sa isang ito. Mukhang mas maarte at strikta siya sa tingin ko.
"Gaige Leebody? Come here."
Ibinigay niya agad sa akin ang sangkaterbang papelis.
"Sort them out, darling. By year, months and dates. Ayusin mo ha. Ikaw na ang panglima at lahat sila hanggang isang linggo lang. Sana makatagal ka. Good luck!" Sabay talikod niya.
.
C.M. LOUDEN