Gaige's POV
.
Maingat ang paglagay ko ng lip gloss sa labi. Nakapagbihis na ako at medyo pormal na ang dating kumpara kanina. Mas maayos at propesyonal na ang tayo at pananamit ko. Napatitig ako sa maleta at nag-iisip kung saan ko ito pwedeng iwan.
Bahala na nga! Sabay hila ko nito palabas ng banyo.
Tamang-tama ang dating ko sa interview room dahil ako na ang susunod. Napatingin pa ang mga kasamahan ko, pero lahat sa kanila ay napatitig sa dala kong maleta.
I plaster my best smile and I'm trying to be friendly with the person that is next to me.
"H-Hello," tipid na ngiti ko sa kanya.
"Hi..." pilit ang ngiti niya at sa maleta ko agad nakatitig.
"Ba't may dala kang maleta?"
"Uh... M-Malayo kasi bahay ko at sa kaibigan ko ako magpapalipas ng gabi. P-Pero kung matangap ako ngayon sa trabaho, sa kaibigan ko na muna ako pansamantala titira," ngiti ko sa kanya.
Tumango siya at ngumiti na sa akin. Tinawag na ang numero niya at tiyak ako na ang sunod. Kinabahan ako sa sarili, at inayos kong mabuti ang tali ng buhok ko. Konti na lang kaming natira at ang mga nakapasa ay nakaupo na sa kabilang upuan. Iilan lang sila at bakas sa mga mukha nila ang saya.
Sana makapasok ako kahit sa second round man lang...
"Number twenty-five?"
Tumayo akong nakangiti nang tinawag ang numero ko. It's funny how my number holds my age. Sana swerte ang dala nito sa akin.
"This way, Miss," tugon niya at maingat akong sumunod na bitbit ang maleta. Napatingin pa siya rito. Pero mukhang okay naman yata dahil wala naman siyang sinabi na iiwan ko.
"You can sit down here, Miss. Hintayin mo lang ang tawag ko okay."
"Opo, Ma'am. Salamat."
Pormal kong nilagay ang maleta sa gilid. Iiwan ko muna ito rito kapag interview ko na. Ako lang mag-isa sa bahaging ito at abot ang kaba sa puso ko. I have prepared every answer of their questions in my mind. Kung itatanong man ulit sa akin ang nakaraan ko sa tatlong taon na iyon ay susubukan kong sagutin ng tama ito.
I swallowed hard and kept looking at my wristwatch because it's been twenty minutes and they haven't called me yet. Wala rin akong nakita na ibang applicant na lumabas man lang.
Tama ba ito? O baka naman nakalimutan na nila ako.
"Miss Gaige Leebody?"
"Yes, Ma'am!" Sabay tayo ko.
Tinitigan niya agad ang kabuuan ako. Mula ulo hanggang paa ang pagtitig niya sa akin. Strikto ang mukha at sa tingin ko nasa edad kwarenta na siya. Maganda ang pangangatawan at buo ang ayos. Makapal nga lang ang salamin niya. Pero maganda ang make-up sa mukha.
"Follow me."
"Uh... E-Excuse me po?"
Tatalikod na sana siya pero napalingon lang ulit sa akin.
"P-Pwede ko po bang iwan ang maleta ko rito? Baka po kasi bawal sa loob ng interview room," mahinang tugon ko. Nahiya ako sa sarili, pero kakapalan ko na ang mukha ko.
Ibinaba niya ang tingin sa gilid at kumunot ang noo.
"Take it with you because you're not going back to the same room," agad na tugon niya at tumalikod na.
Mabilis kong kinuha ang maliit na melata at hila-hila ito habang nakasunod ako sa kanya. I followed behind her. She's a bit taller than me. Halos lahat ng staff sa Monde Fashion ay mga matatangkad kahit na ang mga kahera nila sa Casino at Hotel ay ang tangkad nila. Swerte na siguro kung makukuha ako, dahil kung height lang ang pagbabasihan ay medyo tagilid ako rito.
"How tall are you, Miss Leebody?"
"Uhm, 5 feet and 4 inches po," lunok na tugon ko.
Tumahimik na agad siya at nakasunod lang din ako. May iilang opisina at cubicle kaming nalagpasan. Hanggang sa naging kakaiba na ito sa paningin ko. Kumunot ang noo ko at namangha nang madaanan namin ang pinto ng Fashion Studio.
May mali yata? Kahera ang job interview ko. P-Pero bakit parang naliligaw ang landas ko?
Baka hindi ako pumasa at siguro janitress ang bagsak ko. Humugot ako ng konting hinga sa sarili. Nilagay ko naman kasi ito sa baba ng application form. Janitress ang second option ko.
Pumasok kami sa loob ng elevator at nag scan siya ng sensor ID. Pinagmasdan ko lang siya at tahimik kami. Nang sumara ito ay nakatitig na ako sa sariling mukha ko. Pilit din akong ngumiti sa kanya nang mapako ang titig niya sa mga mata ko, sa harap ng salamin.
Bakit naman kasi may salamin pa ang bawat elevator dito? Kakaiba nga naman ang Monde Fashion building na ito.
Bumukas ito at una siyang lumabas. Namangha ako sa kakaibang amoy ng lebel na ito. Amoy malinis, amoy mayaman at amoy high class. Kakaiba nga... Tumaas ang balahibo ko sa braso at napalunok na ako. Wala talaga akong alam kung bakit napadpad na ako rito.
"E-Excuse, Ma'am?"
"Yes?"
Nahinto siya at nilingon ako. Tumaas na ang kilay niya at hindi maipanta ang medyo pagkairita sa mukha nito.
"K-Kahera po ang inaaplyan ko?" kurap ko.
Mas kinabahan ako dahil sa mala-tigre na titig niya. Tiningnan niya ulit ang application form na hawak. At nakita ko agad ang application bio at mukha ko.
"And so?" Sabay irap niya at humakbang nang nauna. Sumunod na agad ako.
That's strike one, Gaige! Ang tanga mo! Isip ko.
Nahinto na kami sa napaka-eleganteng pinto. Nakaukit ang napakagandang simbolo ng Monde Fashion dito. Napalunok na ako. Pakiramdam ko kasi may mali at parang hindi na yata kahera ang ibibigay na trabaho sa akin. Bahala na nga!
"Do your best to get this job from the kind dragon," titig niya ulit sa akin mula ulo hanggang paa.
Binuksan siya ang pinto at iniwan na agad ako. Tumikhim ako sa sarili bago hinawakan ang door knob dito. Hindi ko alam, pero para akong pumasok sa isang kweba na pagmamay-ari ng isang higanteng polar bear. I am like a prey, ready to be eaten alive and I am scared.
Maingat kong nilagay sa gilid ng pinto ang maleta ko nang makapasok. Ang nakamamanghang silid ay parang modelo rin and dating. Every detail are at place as it speak to its name... Monde Fashion...
Malahigante and lamesa niya at nakatalikod ang upuan nito. Mukhang may kausap siya sa kabilang linya at ang baritonong boses niya ang nagbibigay buhay sa kabuuan ng silid na ito. Nakakatakot at buong-buo. I have imagine him already. He's probably a one hell perfectionist.
Kaya ko 'to... Napayuko ako sa sarili at panay ang pisil sa mga kamay ko. Nanginig na akong lalo. Mukhang babagsak na naman ako ngayon. Pakiramdam ko lang... Hindi ako sigurado.
"Okay. Thank you, Xav."
Natapos na siya sa kausap at bumuntong hininga na ako. Kanina pa ako nakatayo sa harap ng mesa niya. Gumuhit ang ngiti sa labi ko at handa na akong harapin siya.
"G-Good afternoon, Sir. I'm Gaige Leebody and I am here for an interview," I said casually.
Nang umikot ang upuan niya ay napaawang ang labi ko. Nawala ang ngiti sa mukha ko nang maalala na siya ang lalaking nadadaanan ng gulong ng maleta ko kanina. Ang malas ko talaga!
"Gaige?" baritonong tugon nito at napalunok na agad ako. Pilit na binabalik ang ngiti sa labi ko.
"Y-Yes, Sir... A-And I'm sorry earlier. Hindi ko po sinasadya. Pasensya na." Napayuko na ako at naghintay sa pagtugon niya.
"Sit down."
Nag-angat agad ako nang tingin at maingat ang hakbang na lumapit sa lamesa niya. Nanginig ang tuhod ko. Mabuti na lang at pinapaupo niya ako ngayon.
Pinagdikit ko na ang labi at hinawakan ang dalawang kamay kong mabuti. Kinakabahan ako at hindi ko maiguhit ang ngiti sa labi ko pabalik sa kanya.
He looked at the papers in front of me. There's load of paperwork's on the desk. Halos hindi ko na nga makita ang kamay niya sa mesa at ang gwapong mukha lang niya ang nakikita ko ng maayos. Katulad ng mga artistang lalaki sa TV ay mukhang artista rin siya.
"Gaige..." ulit na tugon niya at kinabahan ulit ako.
"What sort of work do you want to do?"
"Uh... I'm applying for a cashier, Sir. In the Resto Bar Casino."
He nodded, but didn't lift a stare at me. Kumunot pa ang noo at niluwagan na ang kurbata sa leeg. Tumikhim siya bago tinitigan ako sa mata.
"Are you sure? Are you physically and mentally fit to be in that job?"
Kumurap ako sa tindi ng titig niya. The deep blue eyes that once I have seen is now vanished... It became light, tender, caressingly tender...
Hindi ko maintindihan pero parang bumagsak ang puso ko sa sahig nang makita ang nakababasag puso na titig niya sa akin. It's heart wrenching like someone put a dagger in my heart and squeezed it tightly inside me.
Makailang ulit pa ang pagkurap ko dahil namuo agad ang luha sa mga mata ko. We ended up staring like for a minute or two. His jaw clenches a few times and I can see the movement of hid tongue inside him.
"Gaige?" tiim-bagang niya.
"Y-Yes?"
Napakurap ako at parang ang bigat ng pakiramdam ko ngayon sa harap niya. Napayuko ako sa sarili at nakatitig ang mga mata ko sa bawat kamay ko ngayon.
Babagsak na ako... Okay lang, wala ng pag-asa...
"You're hired."
Namilog ang mga mata ko at nag-angat ako nang tingin sa kanya. Hindi ako makapaniwala.
Agad siyang tumayo at sinunod ko siya nang tingin. Kinuha niya ang tuxedo at isinuot ito sa katawan niya. Nalilito akong tinitigan siya. T-Tama ba ang narinig ko? Tangap na ako? Huh, imposible naman ito.
"P-Po? Sir?"
"Come back here tomorrow early. Cassy will entertain you about your work."
Tumayo agad ako at napayuko na sa kanya.
"Thank you, Sir. I will do my best in this field," sabay lunok ko.
Umayos agad ako at sinunod na siya nang tingin. Nahinto siya sa bahaging pinto at kunot-noong tinitigan ang maleta ko sa gilid. Mabilis ang hakbang ko palapit dito.
"S-Sorry, Sir. M-Maleta ko po ito." Sabay hatak ko nito palayo. Nakaharang kasi ito sa pinto at medyo hindi siya makalabas.
"P-Pasensya na po," utal na tugon ko. At ako na mismo ang nagbukas ng pinto para sa kanya. Tumikhim agad siya at pormal na humakbang palabas dito.
.
C.M. LOUDEN