Chapter 1. Stare

1636 Words
Gaige's POV . "Sorry ah. Hindi kita masasamahan. Pero susunduin ka naman ni Philip." "That's fine, Samantha. I will be okay. Hindi na ako bata para mawala." Mahina akong natawa at napailing siya. Samantha is a dear friend to me. I have stayed three years here in the mountains with her together with my parents and siblings. Malayo sa kabihasnan ng mundo at walang gulo. I love the quiet life I have had for years and it helped me overcome my stress and fears. "Ihahatid ka naman ng maayos ni Pipo." Kinuha na niya ang maliit na maleta ko sa gilid. Sabay kaming lumabas at mula rito ay nakikita ko na si Pipo. "Mag-ingat ka sa pagmamaneho, Pipo ha. Importante ang pasahero mo," tugon ni Samantha sa kanya at tumango naman ang binata. Motorsiklo ang sasakyan namin. Itinali ng mabuti ni Pipo ang bagahe ko sa likod. Inayos ko na rin ang buhok ko at itinali ito ng mabuti. "Helmet mo." Sabay bigay ni Samantha sa akin nito. "Ikaw na muna ang bahala kina Mama at Papa, Sam. Babalik din ako kapag hindi ako natangap sa trabaho." Isinuot ko na ang helmet at inayos ito ng mabuti sa ulo ko. "Matatangap ka, Gaige... I can sense that this is the type of work that is meant for you. Hindi ba matagal mo na itong pinangarap?" Napatitig ako sa mga mata niya at napakurap pa. Wala akong maalala na sinabi ko ito sa kanya. Pero siguro tama nga naman siya. Dahil nararamdaman ko ito sa loob ng puso ko. Mahina akong tumango at ngumiti bago isinara ang glass ng helmet. "Text and call me okay." Sumenyas ang kamay niya sa tainga at tumango na ako. Pinaandar na ni Pipo ang motorsiklo. Pumwesto agad ako sa likod, at mahigpit na humawak sa magkabilang braso ni Pipo. "Sige, ate!" Kaway ni Pipo sa ate Samantha niya. "Mag-ingat kayo!" Tugon at kaway ni Samantha. Malamig ang hangin pero hindi ito nararamdaman ng mukha ko. I can only feel the wind in my body. I have a heavy jacket with me. But still the wind gives an intensify feeling. Parang nanoot sa buto ko ang lamig at nanginig ako sa sarili. Sumandal na ako sa likod Pipo. Mainit kasi ang likurang katawan niya. Ilang oras din ang biyahe namin bago kami nakarating sa sentro. Lutang ang ulo ko nang makababa sa motor at parang masusuka pa ako. "Okay ka lang ba, ate?" Imbes na haplos ay mahina niyang sinapak ang likod ko. Madalas niyang ginagawa sa akin ito sa tuwing bumibiyahe kami. Pampaalis raw ng hangin sa loob ng katawan ko. Napailing na ako at napaubo sa sarili. Kalukuhan nga naman ang batang ito. "May tubig ka ba?" "Meron, ate. Teka lang." Kinuha niya ito mula sa kumpartment ng motor at binuksan para sa akin. Napangiti ako dahil malamig pa ang tubig na mineral water at may konting ice pa. Ganito ang ginagawa niya. Nilalagay sa freezer ang bote ng mineral water. At sa tuwing bumibiyahe kami ng malayo ay natutunaw na ang yelo sa loob. "Ahh, salamat." Sabay bigay ko nito sa kanya. Mabilis niyang kinuha ito at pati na ang maleta ko. Maliit lang din naman ito. "Bilisan mo, ate. Aalis na ang sasakyan papuntang Maynila." Nauna na siyang humakbang na bitbit ang maleta ko. Patakbo agad akong nakasunod sa kanya. "Tatay Bert, may isa pa!" Sigaw na tugon ni Pipo at hinintay lang din ako ng driver. Napatingin pa sa akin ito. "Oi ang magandang dilag na si Gaige pala! Kumusta, hija? Dito ka na sa front seat. Baka mahulog ka pa sa itaas," sigaw ni Tatay Bert, ang driver. "Vince, anak. Akyat ka sa bubong para makaupo si Ate Gaige mo," utos ni Tatay Bert sa anak niyang si Vince. Sumunod naman si Vince. Mabait siyang bata at nasa edad kinse na. Kumaway na ako ay Pipo at ganoon din siya. Masikip masyado kahit sa front seat dahil tatlo na kami rito. Mabuti na lang at maliit lang ang katawan ko. Nagkasya pa rin ako kahit papaano. "Job interview na naman ba, anak?" si Tatay sa akin. "P-Po? O-Oo, Tay. Sana matangap ako," tugon ko sabay pahid sa mukha ng tissue. Namuo na kasi ang pawis sa mukha ko. "Matatangap ka. Ikaw pa. Aling kompanya ba?" "S-Sa Monde Fashion, Tay," agad na tugon. Napatingin agad ang isang babae sa tabi ko. Ngumuso pa siya at tinitigan ang kabuuan ko. Iniripan din agad niya ako. Napayuko ako at napalunok na. Hindi naman model ang papasukin ko kung 'di kahera sa function hall at restaurant nila. Depende na lang kung ano ang bakanteng trabaho. Okay na ako kahit ano. "Mag mo-model ka na ba, anak?" si Tatay sa akin. "Ay naku hindi po, Tay. Kahera po ang in-applyan ko," buntong hininga ko. "Anong oras ba ang interview mo?" tanong ulit ni Tatay sabay tingin sa suot na relo. "M-Mamaya pa po, Tay. Hapon, alas tres." Natahimik si Tatay at mukhang nag-iisip. "Makakaabot tayo. Kaso ma-t-trapik tayo sa sentro. Pero maaga pa naman." Tumango na lang ako at hindi na nagsalita. Kung diretso ang takbo namin at walang aberya ay makakaabot ako sa oras at may sobra pa. Doon na lang din ako magpalit ng damit. Kaya pa naman sa oras. "May maleta ka pang dala. Hindi ka ba uuwi agad?" "H-Hindi muna, Tay. Nagbabakasakali lang. Dahil kapag natangap ako at magsisimula na agad sa trabaho ay titira muna ako kay Monica." "Ah, si Monica. Na hala. Basta mag-ingat kayo sa Maynila. Huwag paloloko, anak. Maraming manloloko." "O-Opo, Tay," tipid na tugon ko sabay lunok sa sarili. Mabuti na lang at hindi masyadong traffic at nakarating agad kami sa terminal. Mabilis ang bawat hakbang ko at sumukay pa ako ng bus patungo'ng Makati. Medyo malayo pa ito at aabot ng lagpas isang oras ang biyahe. Isinama ko na ang traffic sa oras ko. Panay ang tingin ko sa relo at hindi ako mapakali sa sarili. Nakahinga lang din ako ng maluwag nang bumaba ako at mabilis na naglakad. Kung sasakay pa ako ng jeepney ay tiyak traffic lang din an aabutin ko. I can manage to hike fifteen minutes from here. Sanay na ang mga paa ko sa pabalik-balik na akyat sa bundok kaya sisiw lang ito. I need to get this job. Tatlong beses na akong bumagsak noong nakaraang buwan. I have earned a degree but somehow I forgot the practice and most of them told me that I'm over qualified. Paano naging over qualified and bente singko anyos na tulad ko? Hindi ko alam kung ano ang kulang sa akin dahil may experience naman ako sa loob ng nakalipas na tatlong taon na iyon. I know why I always fail, and I can't seems to give them my valid reason. "What happened to you in that span of three years? Ba't wala ka ng trabaho at experience man lang?" Ito ang madalas na tanong nila sa akin na ikinababagsak ko. I don't know how to tell them the truth, because I know they wouldn't care and believe in my life anyway. Okay lang... Ang sabi nga ni Papa kung talagang para sa'yo ay para sa'yo...At kung hindi ay huwag pilitin dahil hindi talaga. Bumuntong hininga ako at pilit na hinahabol ang hininga nang mahinto sa tapat mismo ng Monde Fashion. Tumingala ako sa malahiganteng hugis nito. Mabilis na pinunasan ang pawis ko at inayos ang sarili. Lahat nang pumapasok ay mga pormal at elegante. Ako lang yata ang naiiba. Nakatingin pa sa akin ang iilang mga kababaihan sa gilid. Lumapit na ako sa front desk at ipinakita ang appointment letter ko. "To the forty floor, Miss," ngiti ng attendant at binigyan ako ng printed passcode. "S-Salamat, Miss," tugon ko. Yumuko pa ako sa kanya at maingat na hinila ang maleta ko. Nakatingin pa sila sa akin talaga. Nang makapasok sa elevator ay nakahinga ako ng tuwid. Ako lang kasi rito at wala akong kasabay. Magulo ang buhok ko at mabilis kong inayos ito. May bente minutos pa ako bago ang interview. Nang bumukas ay ang pambabaeng toilet agad ang hinanap ko. Alam kong sa kabilang banda ang interview. Pero kasi naghahanap ako ng toilet ay naiba ang direksyon ko. Hanggang sa nakita ko na ang sign sa gilid at napangiti na ako. Bilis, Gaige! Sigaw ng isip ko at patakbong humakbang na hila-hila ang maleta sa kamay. "Bloody hell! What the-" Nahinto agad ako at kinabahan nang marinig ang baritonong boses niya. Pumukaw ito sa pagkatao ko. Namutla na ako at napalingon ako sa paa niya. Nadumihan ang maitim na sapatos nito dahil nadaan ito ng gulong ng maleta. "Oh my god! I-I'm s-sorry po, Sir." Napayuko ako, napaluhod at dinukot ang panyo sa bulsa. Pinahiran ko agad ito at napaatras na siya. Tumayo agad ako at napayuko sa sarili. Hindi ko alam, pero pakiramdam ko ay isa siyang mahalagang tao rito. "Ano ba iyan, Miss. Ba't ba kasi may maleta kang dala rito," tugon ng isa sa kanila. Nag-angat na ako nang tingin at ang isa sa mga bodyguard niya ito. "P-Pasensya na po. M-May interview po a-ako. P-Pero hinahanap ko na po kasi ang toilet," utal na tugon ko. Napatingin na ako sa mukha ng lalaking nadaan sa gulong ng maleta ko. Seryoso siyang nakatitig sa akin at namangha ako sa kulay ng napakaganda niyang mata. The deep blue eyes he has is heart warming... Nakakatunaw ang titig niya at parang nahinto ang t***k ng puso ko. Umiwas agad ako sa pagtitig sa kanya, dahil pakiramdam ko ay isang malaking kasalanan ito. "S-Sorry po. S-Sorry..." Sabay yuko ko. Tumikhim siya at nilagpasan na ako. Humakbang siyang tuwid kasama na ang iilang mga bodyguards niya sa likod. Abot kaba at pigil hininga ako sa sarili. Hanggang sa mawala na siya at nakahinga na ako. . C.M. LOUDEN
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD