"C-Charlie, saan 'to?" tanong ko habang tinitingala mula sa bintana ng aming sasakyan ang mataas na gate na hinintuan ni Charlie. Siya na ang nagmaneho matapos niyang magpadala ng kotse sa Hospital kanina. Hindi ko na nakita kung sino ang may dala niyon doon. "Sa atin," sagot niya habang ipinapaikot ang kotse at iniharap ito sa gate. Ilang sandali lang ay kusang bumukas ang gate at malayang naipasok ni Charlie ang sasakyan. Bumungad sa amin ang isang mansion. Hindi ito kasinlaki ng kanilang mansion na una kong napuntahan ngunit masasabi kong napakaganda at malinis nito. At sa palagay ko ay mukhang bago ito. Napabaling ako kay Charlie at napatitig. 'Sa amin?' Ang ibig bang sabihin niyon ay talagang magkakasama na kami? Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko sa ngayon. Napan