"C-Charlie, 'w-wag ka munang bumangon. Sariwa pa ang sugat mo." Kaagad kong nilapitan si Charlie nang makita kong akma siyang babangon. "Ah," napadaing naman siya at napahawak sa kanyang tiyan. "Sinabi ko naman sa 'yo na huwag ka munang bumangon eh. Magpahinga ka muna." Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat at inalalayang makahiga ulit. "I wanna see our son. Is he okay? Gising na ba siya?" tanong niya habang bahagyang napapangiwi. "Okay lang siya. Maayos na ang lagay niya pero ang sabi ni Doktora ay kailangan pa raw niyang manatili dito ng dalawang linggo para maobserbahan ang kalagayan niya." Lumingon ako sa anak namin na nasa katabing kama. Puno pa rin ng aparatus ang kanyang katawan pero medyo nakakahinga na ako ngayon ng maluwag dahil ang sabi ng Doctor ay okay na siya at kail