Lumabas na ako ng silid ni kuya Shield dahil hindi ko na kinaya pa ang aking mga naririnig mula sa kaniya.
Natagpuan daw kahapon na palutang-lutang sa dagat, sa gilid ng isa sa aming mga Isla ang ulo ng malanding ex niya. Pati na rin ang iba pang bahagi ng katawan nito na pinagparte-parte!
Haaayst! Nakakapangilabot. Sino naman kaya ang may gawa ng karumal-dumal na pagpatay sa kaniya?
***
Minabuti ko ng mag-prepare ng aking sarili para i-meet ang mga new models ni mommy. I also wanna meet new friends here in Pinas but ofcourse, I still wanna see my old friends again.
"Senyorita, nauna na po si ma'am sa venue. Sumunod na lang daw po kayo," sabi ng isa sa aming mga kasambahay pagbaba ko ng hagdan.
"What?"
"Opo. Importante daw po."
"Haayst." Gusto ko pa naman sanang makasabay si mommy dahil gusto ko pa siyang makakwentuhan ng tungkol sa mga bagay-bagay.
Napilitan na lang akong lumabas. And when I got out, Skipper the stupid driver was already waiting for me. Kainis! Bakit ba kasi siya pa ang kinuhang driver ni daddy?!
But wait. Why did he become a driver? Ang yaman-yaman niya ah. At saka di ba pagpupulis ang gusto niya? Why does this numbness lead to being a driver and a body guard? Haaayst! Ewan! And I don't care!
He stared at me intently as I walked closer to the car where he was also standing next to the door. Lumaban din ako ng titig sa kaniya but I gave him a sharp look. I didn't even see emotions in his eyes.
And when i'm so closed to him, he immediately opened the backseat door.
Napatingala na ako sa kaniya 'cause he was taller now than before. At ngayon ko lang din mas natitigang mabuti ng malapitan ang kaniyang mukha.
Mas lalong tumingkad ang angkin niyang kakisigan at kagwapuhan. Mas lalong nadepina ang kaniyang mga panga. His nose pierced even more. His tantalizing eyes na nakakatunaw kung tumitig. His red lips na nakakaakit angkinin. The quick motion of his adams apple. His fragrant smell na kaysarap singhutin.
"Done staring?" he said in a husky voice kaya naman napatingala ulit ako sa kaniya at napatulala ako nang makita ko ang bahagya niyang pagngisi habang nakatitig pa rin sa akin ng taimtim.
"W-what?" halos pabulong ko na lang na tanong sa kaniya.
At hindi ko maintindihan kung bakit naririnig ko na ang malakas na pagkabog ng aking dibdib. Para na itong magigiba! F*ck!
"Get in," he said as he had a naughty smile on his lips.
He even helped me get inside nang hindi pa rin ako mapakilos mula sa aking kinatatayuan sa kaniyang harapan.
I felt one of his hand on my back and one on my head upang hindi ako mauntog. Natauhan lang ako nang maisara na niya ang pinto.
What happened, huh? Para akong nahipnotismo!
Sinamaan ko na siya ulit ng tingin nang makapasok na siya sa unahan at umupo sa driver seat. But he didn't look at me and quickly turned on the car engine. Kainis!
I just got my phone in my bag and immediately called Allen. Ngayon ang uwi niya ng Pinas. I'm not sure what time it is.
Nagri-ring pero hindi sumasagot. Ilang beses ko pa itong tinawagan ngunit hindi pa rin sumasagot. Baka nasa biyahe na siya.
Inabala ko na lang ang sarili ko sa pagba-browse sa f*******: para mabaling ang atensiyon ko sa iba. Sinubukan ko ring i-search ang name ni Maezie pero walang lumalabas. Ano na kayang nangyari sa babaeng iyon?
***
Napatunghay na ako nang biglang huminto ang sasakyan at bumaba si Skipper. He came to my door and opened it. I looked outside and maybe we were at the place kung saan ang venue ng gaganaping pictorial ng mga bagong bikini model ni mommy.
Bumaba na rin ako at hindi na tiningnan pa si Skipper. Mabilis akong naglakad papasok sa nakita kong entrance ng building ngunit bigla siyang humarang sa aking harapan.
"What are you doing?" Inis kong tanong sa kaniya.
"This way, Miss." Itinuro niya ang ibang way. Amusement twinkled in his eyes and a small smile played with the corners of his mouth.
"Eh bakit d'yan mo ipinarada 'yan?!" Inis kong sigaw sa kaniya habang itinuturo ko ang ferrari car.
"Did you see that the parking lot was full of cars?" tanong niya habang itinuturo ang tapat ng katabing building pero hindi ko ito tiningnan. I could hear the sarcasm in his voice.
"Ewan ko sa iyo!" Inis kong sigaw at nagmadali ko na siyang tinalikuran at nagtungo sa katabing building. Ramdam ko naman ang pagsunod niya sa aking likuran.
Pagpasok ko sa loob ay medyo marami-rami na ring mga babae ang naririto. Napalingon sila sa akin at magigiliw na bumati at tumango-tango sa akin. Siguro naman ay kilala na nila ako.
"Hellow," magiliw ko ring bati sa kanila.
Nakita ko si mommy sa may dulo na may kausap na isang cute girl. Naka-fitted crop top at lowest cut jeans short na halos bikini na lang talaga siya.
"Mom," medyo malakas kong tawag sa kaniya habang lumalapit na rin ako sa kanilang kinaroroonan.
Agad namang napalingon sa akin si mommy.
"Oh, nariyan na pala ang baby ko eh. Selenah sweetheart, come on. I want you to meet Empress Hardy, our new bikini model. Ang ganda niya, 'di ba?" magiliw na pagpapakilala sa akin ni mommy sa cute na girl. Maganda naman talaga at may katawan. In fairness may panlaban.
"Hi. Mas maganda ka pa pala sa personal. It's a pleasure to meet the most beautiful and sexy daughter of Mrs. Magdalene Montgomery," napakagiliw niyang sabi sa akin habang kumikinang-kinang ang kaniyang mga mata.
"Aw..thank you so much. Nakakataba naman ng puso ang mga sinabi mo. Hindi naman most. Sakto lang," natutuwa ko ring sagot sa kaniya.
"See? Mukhang magkakasundo kayong dalawa ah," ani mommy sa aming dalawa.
"Skipper!" biglang sigaw niya sa aking likuran kaya naman naglahong bigla ang mga ngiti sa aking mga labi.
Napalingon din ako sa aking likuran at nakita kong pinagkukumpulan na ng mga babaeng haliparot ang walanghiya!
Lumapit sa amin si Skipper habang nakangiti at habang nakatitig sa.......akin? Nah, sa aking likuran?
"Hi," dinig kong bati niya nang lampasan na niya ako.
Wala sa sariling napakagat ako sa aking labi.
"Hi. Na-meet mo na rin pala ang magandang anak ni Ma'am Magda."
Bumaling ako kaagad sa kanila at napatulos ako sa aking kinatatayuan nang maabutan ko ang ginawang paghalik ng babaeng ito sa pisngi ni Skipper.
"Yeah," sagot niya ng hindi tumitingin sa akin.
"Sweetheart, si Empress nga pala ang nagpasok nitong si Skipper sa atin as your driver and bodyguard. They're friends pero mukhang mas bagay sila bilang couple, 'di ba?" puri ni mommy sa kanila.
Friends? Ganyan ka-sweet?
Bigla akong nakaramdam ng inis at biglang nagbago ang tingin ko sa babaeng ito. Ayoko na pala siyang maging kaibigan. Pakiramdam ko ngayon ay hindi kami magkakasundo.