"Oh, okay," walang emosyon kong sagot at pasimple kong pinagmasdang muli ang hitsura ng babaeng ito mula ulo hanggang paa. Mas sexy at mas maganda pa rin ako noh! Hmp! *** Nagsimula ng rumampa sa aming harapan ang mga babae kabilang na nga itong friend kuno ni Skipper but mas sweet pa sa mas sweet na mag-boyfriend, girlfriend. They all just had a two piece bikinis and mommy, Skipper and I were sitting in front of them. I simply looked at Skipper sa gilid ng aking mga mata and i saw that he was staring at Empress. Maduling ka sana! "Stop!" pigil ko sa mga rumarampa at huminto naman sila. "I think hindi tama ang kanilang paglalakad, Mom. Baka madismaya ang mga audience niyan." "Mali ba anak? Eh sina Kenjie at Carpio na mga bakla na organizer natin ang nagturo sa kanila niyan eh," s