PROLOGUE
Selena
"Haah! Help! Haaah! Hel-ugh!" Malakas akong nagkakawag at pilit akong umaahon sa malakas na alon ng tubig sa dagat. Pero hindi ko talaga kaya! Pinulikat ang aking binti at sobrang sakit nito kaya hindi ko maigalaw!
"Skip-ugh. Haaah! Hel-ugh!" Sobrang dami ko ng naiinom na tubig ngunit walang emosyong lumingon lang sa akin si Skipper at muli na siyang naglakad papalayo.
Huminto na ako sa kakakawag at hinayaan ko na lang ang sarili kong malubog na ng tuluyan sa malalim na karagatan. Mas masakit pa sa saksak ng kutsilyo sa dibdib ko ang nararamdaman ko kaysa sa mamatay ako sa pagkalunod.
Tanggap ko na....
....na kahit kailan ay hindi niya ako magugustuhan.
Tama na. Tama na ang pakikipagsiksikan ng sarili ko sa kaniya. Pagod na pagod na ako.
Gusto ko na lang maglaho.
Tuluyan na akong nanghina at wala na akong maramdaman habang kinakain na ako ng malamig na tubig ng karagatan.
.
.
.
.
Magiging masaya na siya dahil mawawala na ang isang Selenah na nagpapagulo sa buhay niya.
Tuluyan na akong bumulusok pailalim kasabay ng pagdidilim ng aking paningin...
.
.
.
.
.
.
Nakaramdam ako ng malakas na puwersa sa aking dibdib. Paulit-ulit.
Mainit na bagay na dumadampi sa aking mga labi.
At hanging pumapasok sa aking bibig.
Mga malalabong ingay sa paligid na unti-unting lumilinaw...
"f**k. Wake up!"
Malabong tinig na hindi ko mamemorya.
Patuloy ang malakas na puwersa sa aking dibdib.
Mainit na bagay na dumadampi sa aking mga labi...
... at hanging pumapasok sa aking bibig....
"Please wake up, baby."
Nakaramdam ako ng pagsusuka hanggang sa maubo ako at mailabas ko ang lahat ng tubig sa aking dibdib. Hinang-hina ang aking katawan. Hindi ko gaanong maimulat ang aking mga mata.
"Beshy, okay ka lang?" narinig ko ang pamilyar na tinig ni Maezie. Dahan-dahan ko ng iminulat ang aking mga mata. Una kong nabungaran ay si Cedric nasa sa aking tabi.
"Okay ka lang?" nag-aalala niyang tanong na sa tanan ng buhay ko ay ngayon ko lang nakita sa kaniya. Katabi niya ang bestfriend kong si Maezie na mas kakikitaan ng sobrang pag-aalala para sa akin.
Hinanap ng aking paningin si Skipper,
sa mga taong ngayon ay nakapalibot sa akin.
Pero wala....
Wala siya.....
Bakit nagising pa ako?
Sana tuluyan na lang ako naglaho...