My heart was pounding heavily while listening to bis conversations. Hindi ko inakala na magwawala nang ganito ang aking puso dahil lang sa simpleng usapan. Dahan-dahan kong itinaas ang aking kamay at napatakip na lang sa aking bibig.
Hindi ko alam pero parang may kakaiba sa akin. What's wrong with sir having a girlfriend? Why am I feeling like this? Sir Smith is a handsome man. Normal lang sa kaniya na magka girlfriend, pero bakit ganito ang nararamdaman ko?
Gusto kong maiyak habang pinapakiramdaman ang kumikirot kong puso. Simula noong bata pa ako ay mahina na talaga ang aking katawan. Kaya ay palagi lang ako sa bahay at kapag naglalaro ako ay palagi akong nag-iingat.
Maliban sa mahina ang katawan ko, ayaw ko rin na masaktan. Hindi ko alam pero ayaw ko talaga sa sakit. Nasanay na ang katawan ko na hindi makaramdam ng sakit kaya sa tuwing nasasaktan ako kahit na kunti ay para na akong mamatay.
Some may call it overreacting but I really don't like pain. Para hindi masaktan, gagawin ko ang lahat malayo lang sa mga bagay na makakasakit lang sa akin.
And eavesdropping on Professor Smith's conversation is painful to me. I should go and leave immediately before I got caught, pero parang na semento ata ang aking mga paa at hindi ako makagalaw.
Dahan-dahan na bumaba ang aking kamay at marahang hinaplos ang nagwawalang puso. It's beating at an undeniably fast rate. I thought about going to where Sir Smith is entertaining. Pero sakit lang naman sa puso ang aking natanggap.
Should I leave now? Hindi ko na naman naririnig ang boses nito–
"What are you doing here?" Parang binuhusan ng malamig na tubig ang aking katawan nang may bigla na lang magsalita sa aking gilid. Dahan-dahan na lumingon ako sa kaliwa kong side at sumalubong sa akin ang mukha ni sir.
Malamig at madilim itong nakatingin sa akin. Nakakunot din ang noo nito at hawak-hawak ang cellphone. Nanuyo ang aking lalamunan at hindi ko maiwasang mapalunok nang paulit-ulit.
Kung kanina ay grabe magwala ang aking puso, ngayon ay parang lalabas na ata ito sa aking katawan. Sa sobrang lakas nang pagkalbog nito ay parang mahihimatay na ako. My heart is bouncing so loudly that it hurts my ear.
"S-sir…" I mumbled, stuttering. Nanginginig ang aking mga labi habang nakatingin sa seryoso at malamig nitong mga mata. Gusto kong umiyak sa kaba. Sure ako na ang putla ko na ngayon.
"What are you doing here?" ulit na tanong nito sa akin. Mas lalo akong kinabahan sa klase ng tono na kaniyang ginamit. He looks mad just by looking at his icy eyes. His authoum like eyes are gazing at me coldly. It's very intimidating and I couldn't help but trembled.
What should I do? I need to get out of this!
"W-what do you mean s-sir? This is a public place, maraming tao ang nagtatambay rito. Hindi na ba ako puwede rito?" nanginginig na tanong ko at sinubukan nga ngumisi. His jaw clenched because of what I said.
Mas lalo akong kinabahan. Hindi ata niya gusto ang pagsisinungaling ko. But if I tell the truth, I'll get in trouble and worse, I won't be able to study for midterms examination!
"Really?" malamig at sarkastisko nitong tanong sa akin. Mas lalong nanuyo ang aking lalamunan. Napalunok ako nang nagsimula itong maglakad papalapit sa akin.
"H-hey, s-stop there…" I mumbled nervously. Hindi ito nakinig at mas lalong lumapit sa akin. Mas bumilis ang pagwawala ng aking dibdib nang makalapit ito sa akin.
"Hmph!" I groaned softly when my back hit the large tree. Gusto kong umiyak sa sobrang kaba. My heart is pounding so fast that I think it will leap out from my mouth if this continues.
Napapikit ako sa aking mga mata dahil sa impact nang pagkabunggo ng aking katawan sa malaking katawan ng puno. I bit my lips tightly when I realized that he cornered me.
Mas lalo akong kinabahan nang may mapagtanto. This part of the tambayan is on the other side. Konti lang ang nagtatambay rito at sure ako na kami na lang dalawa ni sir!
"Why don't you open your eyes?" My throat constricted and my heart almost stopped beating. Ang malamig nitong boses ay paos na kinausap ako.
What should I do?
Napakuyom ako sa aking dalawang kamay at dahan-dahan na binuksan ang aking mga mata. Pero sana ay hindi ko na lang sinunod ang gusto nito. Napahigit ako sa aking hininga nang sumalubong sa aking paningin ang napakapit nitong mukha sa akin.
Ilang dangkal na lang ang layo nito. Sa posisyong ito ay kitang kita ko nang malapitan ang kaniyang mukha. I gulped and unconsciously observed his closed up face.
Maputi ang balat nito at malinis. Walang kahit anong tigyawat o kung ano pa. His nose was really pointed like it was the best nose. His lips were cherry like and small. And lastly, his autumn-like eyes are crystalline and peculiar. It's cold yet somehow, I felt something warmth in his cold eyes.
Napaigtad ako nang tumaas ang kamay nito at hinawakan ang aking leeg. Nagsitaasan ang mga balahibo sa aking katawan dahil sa ginawa nito. His hand is big at kung gugustuhin nito ay baka masakop nito ng tuluyan ang aking leeg.
Dahan-dahan na tumaas ang palad nito papunta sa aking panga. Hinawakan ako nito roon at itinaas ang aking ulo. I closed my right eye because of his sudden move. It's rough but I didn't feel pain.
My eyes widened when he suddenly bent down and moved his face even closer. Sa sobrang lapit ng mukha nito ay kuntin na lang ay magkakahalikan na kaming dalawa.
"Now, tell me your reason why you're eavesdropping? malamig nitong tanong. Napahigit ako sa aking hininga at gustong magwala.
How did he know? Is my acting really that bad?
"Sir, how did you know?" sumusuko na tanong ko sa kaniya. Wala namang mababago kong magsisinungaling ako. Just by looking at Professor Smith's eyes I can already tell that he won't take any more excuses. So it's better to just give up right now.
"Your behavior…" mahina at seryoso nitong saad. My eyes widened.
"What?" I asked, confused. Napabuntong hininga ito.
"I studied psychology," tamad na saad nito. Mas lalong lumaki ang aking mga mata.
I thought he only knew because he felt someone was eavesdropping on him, but it turns out otherwise. Pagak akong natawa at napalunok na lang nang laway.
Itinaas ko ang aking kamay at hinawakan ang kamay nito na nasa aking mukha. Shivers and electric shocks conquered my whole body the moment our hands touched.
"Sir… handa akong tanggapin kong ano man ang ipaparusa mo sa akin," mahina kong saad at tumingin sa mga mata nito. Gumalaw ang kaniyang bagang at mas lalong dumilim ang kaniyang mga mata.
He sighed and removed his hand from holding my chin. Napalunok ako at hindi mapigilang magpakawala nang hininga. Ang lakas pa rin ng talbog ng aking dibdib. Para na akong mahihimatay dahil sa sobrang kaba. Ngayon lang ata ako kinabahan ng ganito.
"It's fine… the next time you eavesdrop again, you won't be able to get away with it," After he said those words, he immediately left me alone, with my mouth hanging open.
Nang hindi ko na ito makita ay hindi ko mapigilang matawa sa sobrang katangahan na aking ginawa. Para atang nawalan ako ng ilang taon sa aking buhay. Professor Smith was so dang scary and intimidating!
Kung hindi lang sana ako walang hiya at mabilis na matakot ay baka nasangkot na ako sa gulo. Napailing-iling na lang ako sa aking sarili at inayos ang uniform. Tiningnan ko ang aking wrist watch at napagtantong malapit ng matapos ang klase nila Ashley.
Dali-dali kong inayos ang aking sarili at nagsimulang maglakad paalis sa tambayan ng mga magkasintahan sa university.
Mga ilang minuto rin ang akong naglalakad at para na akong mamatay sa sobrang pagod. Tas dinagdagan pa ng mabigat na bag na puno ng libro na aking dala-dala. Ang layo kasi ng silid ng mga ito at kailangan ko pang mag lakad ng limang minuto. Mabuti na lang at hapon na, hindi na ganon ka init ang panahon.
Pawis na pawis ako nang makarating ako sa building nila Ashley. Hinihingal pa ako at parang matutumba na sa sobrang pagod ng aking katawan. Napakapit ako sa dingding at huminga nang malalim.
Nang maikalma ko na ang aking sarili ay naglakad ulit ako papunta sa second floor kung naasa ang mismong silid nito. Tamad na naglakad ako sa hagdan. Mabuti na lang talaga at sa first room kaagad ang kanilang silid pagkatapak mo lang sa second floor.
"Oh? Anyare sa 'yo?" nakataas kilay na tanong ni Ashley sa akin. Napahawak ako sa dalawa kong tuhod at humingal nang humingal.
"Ba't kasi sa second floor pa ang silid niyo?" hinihinhal at medyo inis na untag ko sa kaibigan. Mahina itong tumawa at inalalayan ako na makaupo sa isang silya na nasa gilid ng kanilang pintuan.
"Magpahinga ka muna sis," nakangisi niyang saad sa akin at pinahid ang mga pawis na nasa aking noo.
"So? Saan ka ba nanggaling at ang tagal mong makarating dito?" nakataas kilay niyang saad pagkatapos niyang ibinigay sa akin ang tubig nito.
Mabilis na ininom ko ito. Pinahid ko ang medyo basa kong labi at tiningnan ang kaibigan.
"I was at the back of the university and guess what?” Tumaas ang kilay nito at hinintay ang aking sasabihin. Napalunok ako bago ko binuka ang aking bibig.
“I have seen Professor Smith, and…” Kumunot ang noo nito sa pambibitin ko sa kaniya. I bit my lips.
“I think he has a girlfriend…” I mumbled in a low voice. Her jaw dropped and her eyes became wide. Laglag panga na tumungin ito sa akin. Na parang hindi ito makapaniwala sa aking sinabi.
Kahit naman ako ay hindi makapaniwala. Though it’s not really surprising since sir is handsome and hot. Sure ako na maraming naghahabol sa kaniya. Matalino, mayaman, pogi atsaka hot. Completed package na kumbaga si Sir.
"What? You're not lying right?" Ashley asked in a surprised tone. I sighed and nodded my head sadly.
How I wish I was lying.
"I'm not sis, narinig ko pa mismo." Mas lalong lumaki ang mga mata nito at mabilis na kumuha ng upuan at umupo sa aking tabi. She looked at me with curiosity in her glistening eyes.
"Talaga? Why did you hear?" pang c-chismiss nito.
"He said, 'I'll buy it for you Honey' in a very sweet voice! Kung narinig ko sana 'yong boses niya, baka hihimatayin ka," mahabang ani ko. Malungkot na napa buntong hininga si Ashley.
"Aww, that's too bad, better luck next time na lang," malungkot na saad nito. Napailing-iling na lang ako.
Ano naman sa akin kung may girlfriend na si sir? Wala naman kaming relasyon.
Napailing-iling na lang ako sa pagwawala ng aking puso. Hindi ko ito maintindihan.
Pagkakapos naming mag-usap ni Ashley ay nagsimula na kaming maglakad papunta sa gitna ng university. Kung saan may malaking fountain at kung saan naghihintay sila Patrick.
Nang malapit na kami roon ay nanlaki ang aking mga mata nang may makitang mga estudyante. Mga babae ang mga ito at pinapalibutan ang lalaking kanina pa naglalaro sa aking isipan.
"Isn't that Sir Smith? Shocks," Ashley mumbled while looking at Sir Smith too. My heart began to pound loudly while we walked towards the fountain. Nakita rin namin si Patrick na malaki ang ngisi habang nakikipag usap kay sir.
My throat constricted and my mouth suddenly went dry when I saw how he smiled at the students.
What the, he didn't smile at me like that!
Nang makalapit na kami ay mabilis na hinila ko si Patrick na masayang-masaya habang kausap si sir.
"H-hey! What the," Patrick muttered in an annoyed tone. Nawala ang iritasyon sa mukha nito nang makita ang aking mukha.
"Baby Haelynn! It's you!" he muttered happily before hugging me. Hinalikan nito ang aking pisngi habang yakap-yakap pa rin ako. Hindi ko mapigilang mapairap.
"Let's go na," mahina ay seryoso kong saad. Nawala ang ngiti sa mga labi ni Patrick nang makita ang aking ekspresyon. Kumunot ang kaniya noo at hinawakan ang aking noo.
"What's wrong? Wala ka namang sakit ah?" nagtataka nitong saad. I sighed and held his hand.
"Where's Sofia?" I asked coldly. Bago pa man ito makapagsalita ay may nagsalita na sa aming likod.
"Where here!" Napatingin ako sa aking likod at sumalubong sa akin ang nakangiting si Sofia habang hawak-hawak si Ashley na nakatingin sa kung saan.
"Tara na Pat, alis na tayo rito," malamig kong saad at hinila ito. Naguguluhang sumunod ito sa akin.
"H-huh? Yeah, sure…" Mabilis na hinila ko ito at nagsimula na kaming maglakad paalis sa nagkukumpulang mga estudyante.
My mind is dazed. I don't know why but all I just want is to get out of here. Ang bigat ng dibdib ko sa hindi malamang dahilan.
"Tara na," nakangiting saad ni Sophia at umalis na kami sa gitna. Pero bago pa man kami tuluyang makalayo ay lumingon ako pabalik.
My heart pounded heavily when I met his cold and emotionless eyes. Nakatingin pala ito sa akin kahit na malayo na kami. Marami pa ring estudyante ang nakapalibot sa kaniya pero para itong walang paki.
Nanuyo ang aking lalamunan at mas lalong nagwala ang aking puso. Mabilis na tumalikod ako at hindi na tumingin pa.
To think that he would stare at me despite the gazes that were coming from the students is making me feel even more burdened.