CHAPTER 5

2181 Words
Morning came and I just want to wish it's night again. Tamad na bumangod ako sa aking higaan at walang lakas na pumunta sa banyo. It's already 6 in the morning and I'm still sleepy as hell. Hindi ako nakatulog nang maayos kagabi tas ang aga ko pa nagising ngayon. Gusto ko na lang humiga buong mag-araw at hindi na mag-aral. I stayed late last night because of my studies and also because of someone else. Sa tuwing pinipikit ko ang aking mga mata ay ang seryoso at malamig nitong mukha ang aking nakikita. Kahit na maaga naman akong natapos kagabi na mag-aral at matutulog na, hindi kaagad ako nakatulog dahil sa naglalaro pa rin ang mukha nito sa aking isipan. Hindi ko alam kong nababaliw na ba ako o kung ano. Palagi kasing nagpapakita ang mukha ni Sir Smith sa aking isipan. Ang lakas siguro nang tama nito sa akin kaya ako nagkakaganito. Napailing-iling na lang ako sa aking sarili at nagsimula nang hubadin ang aking mga damat. Mabilis na binuksan ko ang shower. Nang matapos na ako maligo ay nagbihis na ako at nag-ayos ng sarili. Our university's uniform is really nice. It's a mid length skirt and a white long sleeves paired with a maroon blazer. May logo rin itong ginto na nakadikit sa bandang puso ko. Matapos kong mag-ayos ay mabilis na bumaba ako para kumain ng almusal. I just tied my hair and wore simple make ups. Nang makababa na ako ay sumalubong sa akin ang aking Ina. Nagtitimpla ito ng gatas habang si Dad ay nakaupo lang sa kabisera ng lamesa. May hawak ito dyaryo at seryosong nagbabasa. Napangiti ako at mabilis na naglakad papasok sa dining room. "Good morning!" I muttered in an energetic tone. Lumingon sa akin si Mom at marahan na ngumiti. "Haelynn, anak. Kain ka na," marahan nitong sabi nang makalapit ako. "Opo Mom," nakangiti kong saad at mabilis na hinalikan ang pisngi nito. Gano'n din aa aking Ama na tahimik lang habang nagbabasa ng dyaryo. "How's your studies? Your midterm exams are coming, right?" tanong ng aking Ina pagkaupo ko palang. Kumuha ito nang plato at nilagyan ng pagkain. "It's okay Mom, kaya ko naman," nakangiti kong ani at tinanggap ang pinggan na nilagyan nito ng pagkain. Ngumiti ang aking Ina at marahan akong tingnan. "Ehem." Sabay kaming napatingin ni Mom kay Dad nang peke itong tumikhim. "Just remember Estella, you don't need to force yourself okay?" seryosong saad ng aking ama. Hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa sinabi nito. As always, they didn't pressure me about my studies. Tanggap ng mga ito kung ano ang magiging marka ko, basta lang ay makapasa ako. "Yes Dad," I mumbled, smiling. "Good." After my breakfast together with my family, I immediately went towards where our family car is. Nang makapasok na ako sa kotse ay mabilis na pinaandar ng family driver namin ang kotse. My class starts at 8:30 today. I need to be at school early. Nang makarating na ako ay bumaba kaagad ako. Sakto namang pag baba ko ay nakita ko si Patrick na kabababa lang din ng kanilang kotse. "Pat!" I called his name and raised my hand. Napalinga-linga ito, hindi alam kung saan titingin. Napatawa na lang ako nang mahina at kinaway-kaway ang aking kamay. I called him again, and this time, he finally saw me. "Good morning!" masaya niyang bati sa akin. Malawak ang ngiti nito at halatang fresh na fresh. "Wow, you don't look like you're stressed. Sana all. What's your remedy ba?" kuryoso kong tanong sa kaibigan. Patrick looks so fresh. Hindi katulad noong last midterm exams nila na para itong bangkay sa sobrang stressed. While Patrick right now looks so fresh and blooming. Who made him like this? Napatanong na lang ako sa aking sarili habang hinihintay ang sagot nito. Nagsimula kaming maglakad papunta sa loob ng university. Marami kaming estudyante na nakasabay at karamihan sa kanila ay may dalang libro. Ang iba ay nakabukas pa at nagbaba habang ang iba ay mukhang wala pang mga tulog. Napailing-iling na lang ako sa sarili. Tuwing midterm exams talaga, mapaparitual ka na lang sa sobrang hirap na dadaanan mo. "What? I'm stressed too, you know!" nakanguso nitong saad. Tumaas ang aking kilay dahil sa sinabi nito. "Really? You don't look like at all," nakataas kilay kong saad at pinagmasdan ang kabuuhan nito. Patrick is tall and handsome. Halata na bakla ito dahil sa klase nang paglakad at pag galaw nito. He looks so fresh and undeniably handsome in that wet hair. Wow, he is really handsome. Naalala ko pa noon na may nanligaw na babae sa kaniya. At syempre, hindi niya sinagot. Lalaki naman kasi ang tipo nito at hindi mga babae. "Sis, I'm really stressed. I just look blooming because of how many products I put on my face," pagpapaliwanag nito sa akin. I frowned. "Why?" nagtataka kong tanong. He sighed. "Duh! Remember Professor Smith? He will be our professor today!" My jaw almost dropped into the floor. Sa sobrang shocked ko ay hindi ko mapigilang mapanganga. What the, ngayon na ba ang araw? Shet! Akala ko hindi pa sa ngayon! Gusto kong sabunutan ang aking sarili dahil sa nalaman. Kong alam ko lang na ngayon ang araw ng pagtuturo nito ay hindi sana nagpaganda ako. Wait what? Napatigil ako sa paglalakad dahil sa aking nqisip. Kailan pa ako naging conscious kung ano ang magiging itsura ko pagdating sa lalaki? Nanlaki ang aking mga mata at mabilis na napailing-iling. No, no, no. Hindi ako nahulog right? "Haelynn? What's wrong?" Napakurap-kurap ako at tumingin kay Patrick na nagtatakang nakatingin sa akin. Ngumiti ako sa kaniya at hinawakan ang braso nito. "It's nothing. Tara na," nakangiti kong saad at mabilis na winakli ang nakakatindig balahibo na aking naisip. Nang makarating na kami sa aming silid ay sumalubong sa amin ang maingay at magulong classroom. Busy ang aking mga ka block mates sa pag-aaral. Parang mga bangkay na ang mga ito at halatang walang mga tulog. "Magandang umaga Philippines!" malakas na saad ni Patrick at winagayway pa ang kanang kamay na parang miss universe. Natawa ang lahat at napailing-iling na lang. Iniwan ko na si Patrick at nagsimulang maglakad papunta sa aking puwesto na malapit sa bintana. Nilagay ko na ang aking mga gamit at libro sa lamesa at binuksan ang aking notes. One week na lang at exams na. Pagkatapos ay intramurals na naman. Sure ako na magiging busy na naman ulit kami. I can still remember how busy we were last year. Lalo na ako dahil pinasali ako sa isang pageant dahil nagkasakit 'yong representative namin. Mabuti na lang talaga at gumaling 'yon, kung hindi ay natuloy sana ang pagrampa ko sa stage. Ayaw ko naman na kahangaan ako nang lahat dahil sa sobra kong ganda at alindog. Napabungisngis ako nang mahina dahil sa aking naisip. Ang taas talaga ng self confidence ko. "Okay ka lang ba sis?" natatawang tanong ng katabi ko. Napabaling ako sa aking gilid at sumalubong sa akin ang nakangising mukha ni Ashley. "Okay lang naman, maganda pa rin," nakangisi kong saad. Napangiwi ito at napairap na lang sa kawalan. Tamad na sinandal nito ang kaniyang ulo sa aking balikat. "Hindi ako nakatulog nang maayos kagabi," mahina nitong saad. Kumunot ang aking noo. "Huh? Why?" takang tanong ko. Ashley sighed heavily. "Paul, my ex, gusto niyang makipag balikan." Nanlaki ang aking mga mata at hindi makapaniwalang tumingin sa kaibigan. "What? That bastard is really shameless huh?" hindi makapaniwala kong saad. Ashely pursed her lips and removed her head from my shoulder. Tamad na tumingin ito sa harap. "He is, but…" "But what?" I asked, confused. She sighed once again. Malungkot na tiningnan ako nito. "I… I still love him. I'm really confused right now, Haelynn," she muttered in a sad voice full of pain. Sumakit ang aking dibdib para sa kaibigan. Among the three of them, Ashley is the strongest one. Palagi itong nasasaktan dahil sa mga nakarelasyon nito. Her ex always cheated on her. And the reason? For not giving her virginity to them. Hindi ko alam person ang babaw ng rason kaya nakipag hiwalay ay dahil hindi binigay ng babae ang kaniyang pagka birhen sa lalaki, kaya nag hanap ito nang iba at sasabihin normal at may pangangailangan ang lalaki. It feels so unfair to girls. Mga gago talaga ang ganiyang mga lalaki. "Then, do you still want to come back to him?" I asked softly. Ashely might act tough outside, but she's soft and like a glass on the inside. To the point na konting salita mo lang ay baka may break na ito. That's why whenever I'm with her, I always watch whatever I say so that I won't hurt her. "No… ayaw ko nang magpakatanga. Sawa na ako, gusto ko namang mag try ng bago." Sabay kaming dalawa na natawa dahil sa sinabi nito. Great, she looks happy now. Pagkalipas pa ng ilang mga minuto ay bumukas na ang pinto ng silid. My heart bounced when I saw the man who has been playing my mind since yesterday. Kahit na kahapon ko pa ito nakilala ay parang matagal ko na itong nakita. I wonder why I feel like this… Nanuyo ang aking lalamunan habang pinagmamasdan ito. He is walking with confidence. May dala itong MacBook at isang libro. He is wearing white sleeves that were folded halfway towards both his arms. Kitang-kita ko ang pag flexed ng muscle nito. He looks handsome in his outfit especially in that rolex. He looks so hot. He is also wearing glasses that make him ten times hotter. My throat constricted as I watched his every move. Tahimik ang lahat habang pinagmamasdan ito na inaayos ang kaniyang gamit sa lamesa. Hinihintay ang sasabihin nito. Gusto kong matawa dahil sa katahimikan ng aking mga ka block mates. Ngayon lang ata naging tahimik ang mga ito. Hindi kami ganoon karami, pero sobrang ingay namin. Pati nga ibang profs ay naiingayan, but oddly enough, we're so quiet right now. Nang matapos ito sa kaniyang ginagawa ay humarap ito sa amin. Mas lalong nagwala ang aking puso dahil sa sobrang guwapo nito. Ito na ata ang pinaka guwapong lalaking nakita ko. Like sis, he looks like a god who just came down from heaven! "Good morning," malamig at pormal nitong bati sa amin. After he muttered those words, nataranta ang aking mga kaklase at hindi na nagkasabay sa pagbati. Ashley chuckled beside me. "Slow down." Sir Smith chortled. Laglag ang panga na napatingin kami sa kaniya. Hindi kami makagalaw sa aming upuan habang nakatingin sa nakangiti nitong mukha. Shet! He has a dimple! Oh my gosh! 911! "Sir! Ang pogi mo po!" my classmate, Medea muttered. Kinikilig ito habang nakatingin pa rin kay Sir. Mas lalong lumaki ang ngisi ni sir dahil sa sinabi nito. Nagwala ang mga babae kong kaklase dahil sa ginawa nito Parang may kung anong dumaan sa aking dibdib habang pinagmamasdan ang nakangisi nitong mukha. Nakangisi nga ito pero malamig pa rin at misteryoso ang kaniyang mga mata. He looks so different when he's smiling. Paano ba 'to e explain? He looks awkward and fake to me. "Sir! Mag kuwento ka naman!" masayang sabi ng isa ko pang kaklase. Napailing-iling si sir. "Later, let's check your attendance first. I wanted to see your beautiful faces. " Professor Smith smirked. Mas lalong kinilig ang aking mga kaklase. Natatawang napailing-iling na lang ako sa kanila. "For those who don't know my real name, it's Ephraim Noah Smith. You can call me Sir Ephraim," he muttered, smiling. Sinulat niya ito sa board. "Gosh sir! Pati handwriting ang pogi!" Nagtawanan kaming lahat dahil sa sinabi ng isa kong kaklase. Ngingising napailing-iling ito. "Alright, I'll start now." Naging seryoso ang mukha nito kaya napatigil ang aking mga kaklase sa paggawa ng ingay. I couldn't help but feel amazed at his duality. He was just smirking a second ago, but now he's back to his cold self. My block mates didn't say anything and just stayed silent. Wow, he's really intimidating. "Alfonso?" "Sir! Present!" "Alvarez?" "Sir! It's me!" And so on. My heart is pounding while waiting for him to call my name. Gustong kong pisilin ang sarili dahil sa aking inaakto. Hindi naman ako kinakabahan kapag tinatawag ang pangalan ko noon ah? Ba't nagwawala nang ganito ang aking puso? "Perez?" My heart pounded when he finally called my name. "Sir," I simply said. "Quizon?" "Sir!" What? My heart pounded heavily when I realized something. Sa tuwing tinatawag nito ang mga pangalan ng aking mga kaklase ay tinitingnan nito ang kanilang mga mukha. Pero bakit sa akin hindi? Parang may kumirot sa aking dibdib habang nakatingin sa lalaki na tinawag ang aking mga kaklase. I don't know why but that simple thing he did makes my heart feel weird. It's not a big deal, but why is my heart making a fuss? "So that's it. For the lesson today," he muttered coldly and looked at us. Napakagat ako sa aking labi nang magtagal ang malamig at madilim nitong mga mata sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD