Tamad na napabuntong hininga ako habang nakatingin sa labas ng bintana ng silid. Hindi ko alam kung pang-ilang buntong hininga ko na ba iyon. Ang gulo ng utak ko at ang daming mga tanong na gusto kong masagutan. I'm confused and I don't know why.
It's been 3 weeks already. Natapos na rin sa wakas ang nakakatakot at nakakatindig balahibo na midterms. Mabuti na lang talaga at nag advance review ako, kung hindi ay baka nasa hukay na ako ngayon dahil sa mga marka na aking nakuha.
Ilang linggo na ang nakalipas pero ang pagtrato niya sa akin ay ganoon pa rin, kagaya pa rin noong una siyang nagsimulang magturo. Professor Smith or Sir Ephraim is acting weirdly and it's making me confused as hell!
Sa mga araw na nakalipas, mas lalo itong nagiging pogi sa aking paningin. Ayaw ko man aminin pero parang may crush ata ako kay Sir. Maliban sa guwapo nitong mukha, ang galing at ang talino rin nito. Napaka suwabe ng pagtuturo nito at maintindihan mo talaga. May mga tips or ideas din ito na binibigay sa amin noong kasagsagang midterms pa. Kaya rin siguro nakapasa kami lahat kumpara noong huli dahil na rin siguro sa mga gabay nito.
Well, I'm thankful to him but still! Why the heck is he avoiding?
Palagi nito akong iniiwasan sa hindi ko malamang dahilan. When he's teaching, he always makes eye contact with his students, but I wonder why am I the only exception? It's making me feel bad about myself. Does he find me ugly for him to avoid me? Hindi lang sa eye contact, pati na rin sa oral recitation!
Kahit na pinataas ko na ang aking kamay para sumagot, he would still call another student who didn't raise its hand! It's making me frustrated. Kung hindi lang sana ito guwapo at hot ay baka na ano ko na ito dahil sa sobrang inis ko.
Akala ko noong una ay wala lang ito, pero sa mga nakalipas na mga araw ay mas lalo itong nagiging masungit at cold sa akin. Tuwing naaalala ko ang pag cold na sagot nito sa akin hindi gaya ng sa iba ko na kaklase na medyo nakangiti ito ay hindi ko maiwasang mapanguso na lang.
Is he mad because I've eavesdropped on him? But that's a month ago already!
It's making me frustrated on how things have turned out. Akala ko ay okay lang ako at hinding-hindi ako matatamaan sa alindog ni sir, pero ito ako ngayon. Naiinis dahil ang cold ng treatment nito sa akin.
"Uy, okay ka lang?" Napatingin ako sa aking gilid nang may bigla na lang magsalita. Sumalubong sa akin ang nagtatakang mukha ni Ashley. May hawak ito na malaking snack. Tamad na itinaas ko ang aking kamay at kumahi.
I'll just eat this irritation away.
"No, I'm not," tamad na saad ko sa kaibigan. Natatawang umupo sa aking tabi si Ashley at ibinigay sa akin ang bag ng chichirya.
"Is it because of Sir Ephraim? Naiinis ka ba dahil hindi ka nito pinapansin?" nakangising tanong ni Ashley sa akin. Tumaas ang aking kilay.
"How did you know?" I asked while raising my brow up. Ashley grinned.
"Of course I know! Your expression is so obvious whenever sir ignores you!" Hindi ko mapigilang mainis ng tumawa ito nang malakas. Inis na inirapan niya ang kaibigan at humarap sa harap.
It's our break time. Ang susunod na klase ay ang kay Sir Ephraim, kaya mas lalo akong nainis dahil iignorahin na naman ako nito. Napabuntong hininga na lang ako sa inis.
"But seriously, why is sir acting like that towards you? Did you do something wrong?" Ashley asked in a serious voice. Nanuyo ang aking lalamunan at mabilis na umiling-iling.
"Then why?" nakataas kilay na tanong nito. I sighed and shook my head.
"I don't know," namomroblemang sagot ko. Ashley paused and blink her eyes. Kumunot ang aking noo habang nakatingin sa kaibigan na hindi nagsasalita na nakatingin sa akin. Nagkatitigan kaming dalawa. After many minutes of staring, she suddenly burst into laughter.
"Oh my gosh," she laughed. Nagtatakang napatingin ako sa kaniya. Ashley is holding her tummy while laughing. She looks so amused and surprised at the same time.
"What happened to you?" nagtatakang tanong ko. Napatigil ito sa pagtawa at tumingin sa akin. Ngumiti ito nang malapad at pinahid ang mga luha sa gilid ng mata nito.
"It's nothing," she muttered, grinning and gave me a mysterious look. I couldn't help but stare at her in disgust.
Why is she acting like that? It's cringe!
"You–" Bago pa man ako matapos sa aking sasabihin ay bigla na lang na tahimik ang buong silid. Napatingin ako sa aking harap at napalunok nang makita si sir Ephraim. Seryoso ang guwapong mukha nito habang dala-dala ang gamit.
Hindi ko mapigilang mapakagat sa aking labi nang makalipas ang ilang minuto ay nagsimula na itong mag turo. Seryoso at tahimik lang ang buong silid habang nakikinig kay sir. And as usual, nilalaktawan nito ang aking tingin.
Mas lalo akong nainis dahil sa ginawa nito. I crossed my arms on my chest and glared at the back of his head. 'Tong guwapong ito, iniinis ako. Kung hindi lang sana ito pogi at matalino ay baka nakulam ko na ito.
Mas lalong sumama ang aking paningin sa lalaki nang humarap ulit ito sa amin. In the middle of his discussion, he paused and looked at me. Pero sa halip na matuwa dahil makalipas ang ilang mga araw ay tumingin na ito sa akin, ay malutong na inirapan ko ito.
Hindi ako tumingin sa kaniya pabalik at binaba lang ang aking tingin at nagkunwaring nag sulat. I wanted to raise my head when everything was still silent. Nagsimula akong kabahan.
Did something wrong?
"Sir? Ayos lang po kayo?" narinig kong tanong ng isa sa mga ka block mates ko. Sir Ephraim cleared his throat.
"Yes, I'm good. Anyways–"
And that continued with me not staring at him the whole time. Sa board lang ako nakatingin at kahit na ramdam ko naman na tumitingin ito sa akin ay hindi ko ito sinasalubong nang tingin. I'm still frustrated as hell.
"Uy! Nakatingin sa 'yo kanina si sir!" masayang saad ni Ashley habang naglalakad kaming dalawa papunta sa likod ng university para tumambay.
"Huh? Pake ko naman?" matabang na sagot ko sa sinabi ni Ashley. Nakangisi nitong sinundot-sundot ang aking tagiliran.
"Ayie, sa wakas. After a month, napansin ka na rin ni sir." At sabay tumawa ito nang malakas. Mas lalong sumama ang aking mood dahil sa sinabi nito.
"I don't care. Ano naman kung hindi niya ako pansinin? Bahala siya sa buhay niya tangina niya," inis na saad ko at mabilis na iniwan si Ashley. Natatawang sumunod ito sa akin.
"Ano kayang problema ni sir~" pankantang tanong nito. Umirap lang ako sa kawalan at hindi nag salita. Nang makarating na kami sa aming tambayan ay nanlaki ang aking mga mata nang makita si Gilson.
"Gilson! Hi!" masayang bati ko at mabilis na dinamba ito nang yakap.
"Woah! Easy," he muttered, chuckling and catched my body. Muntik na kaming dalawa na matumbaz mabuti na lang at malakas ang katawan nito.
"Bakit ngayon lang kita nakita? What have you been doing in the past days?" nakangising kong tanong at umalis sa bisig nito. He grinned playfully.
"May game kasi so, plus my studies," he chuckled. Hindi ko maiwasang mapangiti habang nakatingin sa lalaki. Gilson, our friend, is the captain of the university's basketball team. Sobrang guwapo rin nito at hot. Maraming babae ang nagkakandarapa at para itong bulag na hindi tumingin sa kanila.
"Gilson, I miss you…" Ashely muttered in a sweet voice and kissed Gilson on the cheek. Gilson flinched and held Ashley's waist tightly.
Hindi ko mapigilang mapa hagikgik habang nakatingin sa kanilang dalawa. Gilson has been in love with Ashley ever since we're in high school. Pero ang manhid din kasi nitong si Ashley eh.
"I've heard your boyfriend cheated on you again," seryoso at malamig nitong tanong kay Ashley. Ashley sighed and nodded her head softly.
"Yeah…" mahina nitong wika. Gilson frowned.
"I told you to be careful around boys. They will only hurt you," he mumbled, pissed. Tumaas ang kilay ni Ashley dahil sa sinabi ni Gilson.
"Then, will you hurt me too?" Ashley asked in a blank tone. Gilson paused. His expression softened.
"Of course I won't," he gently muttered. Sumilay ang isang ngiti sa mga labi ni Ashley. Magsasalita pa sana ito pero mabilis ko itong inunahan.
"Hep-hep, huwag nga kayong mag landian sa harap ko. Tangina niyo ah," inis na saad ko. Napatigil ang dalawa sa paglalandian at sabay na lumingon sa akin. Both of them laughed and got away from each other.
"Right, we forgot." And the three of us laughed. Hapon na noong napagpasyahan ko na pumunta sa library para mag basa ng libro. Walang klase dahil absent 'yong professor namin. Hindi ko alam kung anong nangyari do'n. Wala rin naman itong binilin na gagawin kaya sinusulit namin ang free time na ito.
"Good afternoon po," I greeted the old librarian and smiled at her. Napatigil ito sa pagbabasa at tumingin sa akin. A smile creeped on her lips when she saw me.
"Haelynn iha, wala kang pasok ngayon?" nakangiti niyang tanong. Umiling-iling ako at ngumiti rin sa kaniya. Binigay nito ang isang lab book para pirmahan ko.
"Wala po eh, absent po 'yong prof namin ngayon. Magbabasa na lang ako dito," I muttered happily. Her smile widened.
"Then enjoy iha," she mumbled happily. Binigay ko sa kaniya ang lab book at nagsimula nang maglakad at naghanap ng magandang puwesto.
Pumunta ako sa bandang dulo ng library kung saan nandoon ang mga librong gusto ko. Nang makuha ko na 'yon ay pumunta ako sa likod ng isang shelf, kung saan may tagong mga lamesa. Mabilis na umupo ako roon at kaagad na binuksan ang aking libro.
"Haelyn?" I flinched when somebody suddenly called my name in the middle of what I'm doing. Napatingin ako sa aking gilid at napangiti nang makita si Gilson.
"Gilson! Himala, nandito ka," natatawang saad ko at sinenyasan ito na umupo sa aking tabi. Nilagay nito ang MacBook na dala-dala at ang isang libro at highlighter.
"You're being harsh," he mumbled, smiling playfully. Napagikgik ako at inakbayan ito.
"So? What's that?" tukoy ko sa ginagawa nito sa screen. Gilson shrugged his shoulders.
"I don't know too," tamad na tugon nito. Napaawang ang aking mga labi at hindi makapaniwala tumingin sa kaniya.
"Ha, you're really unbelievable. Hinding-hindi ka talaga magugustuhan ni Ashley niyan," naiiling-iling na saad ko. Kumunot ang kaniyang noo at lumingon sa akin.
"Really?" he asked, frowning. I nodded my head and crossed my arms on my chest.
"Yes, Ashley likes boys who are hardworking and intelligent. Notice all his exes were always on top and jerk?" nakataas kilay na tanong ko. Mas lalong kumunot ang noo nito. Napabuntong hininga na lang ako.
Palibhasa, puro bula na lang kasi ang nasa paligid nito. But even though Gilson doesn't like to study, he is really talented and also good in business. But I wonder why he took law?
"I guess I need to work hard," he muttered, sighing. Napailing-iling na lang ako. Ang lakas talaga ng tama ni Ashley kay Gilson. Gustong magbago para lang sa kaniya. But still, she's naive and doesn't notice things.
"Huh?" I mumbled confused when I saw something in Gilson's eyes.
"Gilson, do you have mole inside your eye?" nagtatakang tanong ko. Napatigil ito sa pagtipa ng kaniyang MacBook at tumingin sa akin.
"No, why?"
"There's something inside your eye!" I screamed in a whisper. Kumunot ang noo nito.
"A what?" he asked, confused. I sighed and slowly pulled him closer to me.
"Let me look," I muttered before holding both his cheeks. Dahan-dahan na nilapit ko ito sa aking mukha. Seryoso ang aking mukha habang binulikat ang kanàng mata nito. My eyes widened when I saw a tiny mole on his eye.
"Gilson, you–" Bago ko pa man matapos ang aking sasabihin ay may bigla na lang magsalita sa aking likod na nakapagpatigil sa aking ginagawa.
"What are you doing in this kind of place?" a cold chilly voice asked from behind. Napahigit ako sa aking hininga at dahan-dahan na lumingon sa aking likod.
My heart almost dropped when I saw Sir Ephraim with a serious look on his face. Malamig at madilim ang mga mata nito habang nakatingin sa amin ni Gilson.