Chapter 2

1091 Words
"Casmon," may diing saad ko bago marahas na inalis ang kaniyang mga kamay na nakahawak sa aking balikat. Mabilis kong pinagalaw ang aking kanang paa at sinipa nang pagkalakas-lakas ang Incubus dahilan para tumilapon ito ng ilang metro. Naghalo-halo na ang naramdaman ko. Galit, lungkot, saya- hindi ko na maintindihan. "Hannah," tawag nito sa akin dahilan para mas lalo akong magalit. Marahas kong tiningnan ang lalaking may sungay na nakaturo paibaba, pulang mga mata, matikas na pangangatawan na nababalot ng itim na marka, may matatalas na mga kuko na kulay itim, at ang tanging suot lang ay itim na pang-ibaba na hanggang sa kaniyang bukong-bukong. "Hindi ako si Hannah, ako si Helleia," malamig ngunit may diin kong pagkakasabi kasabay ng pagpapadaloy ng hangin sa aking mga kamay. "Hannah, kailangan nating mag-usap, hindi mo alam ang buong pangyayari," nagsusumamong saad nito ngunit hindi ko pinansin. He turned my heart into a stone, and now, there's no chance for it to beat for him anymore. "Wala na tayong dapat pag-usapan pa, Casmon. Enough with your lies. Binulag mo na ako noon sa mga kasinungalingan mo! Sinamantala mo ang panandaliang pagkawala ng aking mga alaala! Pinaniwala mo ako na wala kang pangalan, na minarkahan kita, na sumpa ang pagiging Incubus mo! At alam mo ba kung ano ang mas masakit? Alam mo ba kung ano ang unti-unting pumapatay sa akin?! Iyon ay nang pinaniwala mo akong mahal mo ako at hinayaan mong mahulog ako sa iyo," hindi ko na napigilan ang aking mga luha na kanina pa gustong halikan ang aking magkabilang pisngi. "Kaya kung maaari lang, ilugar na natin ang ating mga sarili nang sa gano'n ay hindi na tayo makapinsala pa ng iba. At para hindi na rin ako mas masaktan pa." "Han-" "Helleia!" pagtatama ko. "Helleia, hayaan mo akong kausapin ka at sabihin sa iyo ang panig ko," pagmamakaawa nito. May kung anong kumirot sa aking puso hanggang sa parang pinipiga na ito. Mas lalong bumilis ang pagbuhos ng aking mga luha. Seeing Kiel on that state brings me back to who I am before my memory got back, and that was me being Hannah Villega who fell in love with a childish, stupid, nymphomaniac Incubus. Kahit ano pang sabihin ko, hindi ko pa rin maitatanggi na nagkapuwang na si Casmon o si Kiel sa puso ko. Pero sa tuwing naalala ko ang mga nakita ko sa aking nakaraan, maging ang mga alaalang bumalik nang inumin ko ang tubig mula sa gintong kopita, hindi ko mapigilang hindi magalit. Pero hindi sa Incubus na nasa harap ko, kundi sa sarili ko mismo. Ako ang puno't dulo ng nakaraang digmaan. If setting aside my happiness and my life would save everyone, then I am much willing to sacrifice it for the sake of others. "Casmon, huwag na nating pahirapan pa ang ating mga sarili. Ayoko nang makipag-usap sa iyo at itrato ka bilang isang espesyal na kaibigan, dahil simula't sapol nabubuhay na tayo sa magkabilang panig na itinadhanang kamuhian at saktan ang isa't-isa," pahayag ko bago yumuko upang punasan ang aking mga luha. Muli pa sanang magsasalita ang Incubus nang biglang magsidatingan ang kaniyang mga kasamahang Incubus at Succcubus. Mukhang gusto talaga ni l**t na harangan ako para mas lalo pang dumami ang mga magiging biktima ng kaniyang mga alagad at mas lalo pa siyang lumakas. Iyon ang dahilan kung bakit kailangang panatilihin ang balanse, dahil maaaring makaapekto ito sa mundo ng mga immortal. "Hindi ko kayo hahayaang sirain ang balanse ng ating mundo pati na sa mundo ng mga mortal!" sigaw ko kasabay ng muling paggamit ng aking kapangyarihan. Sumugod sa akin nang sabay-sabay ang mga alagad ni l**t. Pinagdaop ko ang aking magkabilang kamay at buong pwersang nagpakawala ng umiikot na hangin na naging dahilan para tumilapon ang ilan. Itinaas ko ang aking kanang kamay at umilaw ito at naglabas ng mga nagliliwanag na alikabok hanggang sa maging isa itong gintong espada. "With the holy power of this blade shall turn every demon it slays into ashes," nakapikit kong saad bago magliwanag ang pentagram na marka sa aking espada. Nag-iba na rin ang kulay ng aking mga mata kasabay ng pagdaloy ng mas malakas na kapangyarihan sa aking mga ugat. Sumugod ang mga Incubus at Succubus sa akin kung kaya't inihanda ko ang aking sarili. Ibinuka ko ang aking pakpak at lumipad upang bumwelo. Paikot akong sumugod sa kanila habang naka-posisyon ang espasa sa hilaga. Binalot ko ng hangin ang aking katawan upang mas bumilis ang aking pagbulusok papunta sa mga demonyo. Nang magtagpo kami ay napuno ng hiyaw at daing ang buong paligid kasabay ng unti-unting pagkalusaw ng mga Incubus at Succubus na napaslang ko gamit ang sagradong espada hanggang sa maging abo nalang ang mga ito. "Pinunong Casmon, tulungan ninyo kami!" pagmamakaawa ng isang Succubus sa kanilang pinuno na kasalukuyang nakatingin sa akin. "Kailangan mong tapatan ang kapangyarihan ng kanang kamay ni Cashmir," dagdag nito. Mukhang walang alam ang mga Incubus at Succubus na ito sa naging nakaraan namin ni Kiel. Dahil base sa aking mga alaala, ginamit ng Diyosa Cashmir ang kaniyang kapangyarihan para burahin ang alaala ng lahat ng mga naging saksi sa digmaan. Ngunit ang bisa ng kapangyarihan niya ay limitado lamang sa mga ordinaryong Anghel, Incubus, at Succubus. Ito ang naging dahilan para hindi makalimot sina Eulla at Lyo. Maging si Casmon, sa kadahilanang nasa pagitan sila ng pagiging isang normal at makapangyarihang imortal. Habang ako naman, dahil sa aking muling pagkabuhay ay bahagyang nawala ang lahat ng aking alaala. "Pinuno!" pagtawag ng iba pa kay Casmon nang humakbang ako palapit sa kanila. Pinagmasdan ko si Casmon at nakita ko ang pagkuyom ng kaniyang mga kamao. Pikit-mata itong sumugod sa akin. Akmang hahampasin ko na sana siya gamit ang aking espada nang may kung anong itim na usok ang bumalot rito at bigla itong uminit nang husto, dahilan para mabitawan ko ito. Nakita ko ang paparating na paa ng Incubus, sasalagin ko sana ito pero huli na. Natamaan na ako sa aking tiyan dahilan para tumama ako sa isang malaking puno. Mapait akong napangiti bago bumangon at ipinagaspas ang aking pakpak. Lumipad ako palapit sa Incubus na ngayon ay may mga pulang matang puno ng emosyon na hindi ko maintindihan. Muli, mapait akong napangiti bago binalot ng hangin ang aking magkabilang kamay. "This is the reason why we should stop Casmon, for no matter what we do, no matter how hard we fight for our love, no matter if we go against the will of heaven and hell, we are bound to hurt each other." 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD