HINGAL NA hingal ako nang lumapag ako sa lupa. Ramdam na ramdam ko rin ang hapdi ng mga galos na natanggap ko. Pinahid ko ang dugong tumulo sa gilid ng aking bibig bago dumura.
Tatlong incubus na lang ang natitira. Dalawang normal na incubus at si Casmon. Sobrang hirap na hirap na ako dahil sabay-sabay kung sumugot ang dalawa, habang si Casmon naman at tinitira ako ng kaniyang kapangyarihan sa tuwing aatakihin ko ang mga kasama niya.
Umihip ang malamig na hangin at nilipad nito ang aking maalon at kulay kapeng buhok. Napapikit ako bago sinariwa ang nangyari noong nakaraang araw-noong nagkaharap kami ni Kiel at ng mga kasamahan nito.
"Paslangin mo na ang anghel na iyan, Pinuno!" sigaw ng isang Incubus.
Kung wala sana silang sungay, hindi pula ang kanilang mga mata, at walang mga itim na marka sa kanilang katawan, masasabi kong parang hinubog ang kanilang mga katawan at wangis mula sa Diyos at Diyosa ng kagandahan.
Natigil ako sa pag-iisip nang maramdaman ko ang pagsugod sa akin ni K---Casmon. Kaagad kong binalot ng hangin ang aking katawan bago ko pinagaspas ang aking mga pakpak. Ngunit ang akala kong hindi niya ako masusundan, ay mali pala. Malakas na tumalon si Casmon papunta sa akin habang may pabilog na itim na usok ang umiikot sa kaniyang kanang kamay.
Ikinumpas ko pababa ang aking kamay dahilan para lumakas nang husto ang hangin papunta sa kinaroroonan ni Casmon. Dahil dito ay nataboy siya pabalik sa lupa.
Napakunot ang noo ko. Alam kong kayang-kaya niyang lusutan ang atake kong iyon, pero bakit tila sinasadya niya? Bakit nagpapanggap siyang naaapektuhan siya nang husto sa mga atake ko? Ano bang gusto niyang palabasin?
Napansin ko ang pagsugod ng mga Incubus sa maliit na bahay kung nasaan nakatira ang aking babantayan. Dahil doon ay nakumpirma kong babae ang naroon. Dahil tanging mga Incubus lang ang nakakalapit sa mga babaeng mortal, sapagkat may pwersang nagtataboy sa mga Succubus na nagnanais na dalawin ang sinumang babaeng mortal, ganoon din sa mga Incubus, bawal silang mambiktima ng mga lalaking mortal. Iyon ang kanilang limitasyon. Habang kaming mga anghel naman ay kahit na sino ang maaari naming bantayan.
Mabilis kong pinalakas ang hangin sa palibot ng bahay upang hindi kaagad maka-atake ang mga Incubus. Mula sa aking kanang kamay ay namuo ang banal na gintong espada. Mahigpit ko itong hinawakan bago bumwelo upang paslangin ang mga pangahas na Incubus.
Ngunit kagaya ng kanina ay may itim na usok ang bumalot rito dahilan para uminit ito nang husto. Nabitawan ko ito kung kaya't hindi ko natuloy ang balak ko sanang pagpaslang sa mga Incubus.
Dehadong-dehado ako sa laban!
Mabilis na lumapit sa akin si K---Casmon kasabay ng pagbuo niya ng isang bolang gawa sa itim na usok. Ngunit bago pa siya makarating sa akin ay may malakas na kidlat ang dumaan sa pagitan namin. Kaagad kong nilingon si Lyo na kasalukuyang kasama ang iba pang mga anghel na walang binabantayan.
"Hindi ko lubos akalain na mabubulag ka sa liwanag na tinitingala mo, Hannah. Subukan mong puntahan ako sa aking kadiliman at nang malaman mo ang aking nararamdaman," saad ni Casmon bago mabilis na bumalik sa kaniyang mga kasamahan.
Helleia! Gusto ko sanang isigaw iyon sa kaniya pero sa totoo lang, na-miss ko ang mga panahong ako si Hannah Villega at siya si Kiel.
Napaisip naman ako sa mga sinabi niya sa akin. Anong ibig niyang sabihin na binulag ako ng liwanag na tinitingala ko?
"Helleia, halika na, malapit nang magsara ang lagusang nag-uugnay sa mundo natin," pahayag ni Lyo bago ako nilapitan at hinawakan ang aking balikat.
Napatango naman ako bago muling sinulyapan ang bahay ng aking binabantayan, pagkatapos ay tinapunan ko ng tingin si Casmon na seryosong nakatitig sa kamay ni Lyo na nasa balikat ko.
Nagseselos ba siya? Napailing ako sa naisip ko. Paano siya magseselos e mukhang hindi naman niya ako totoong minahal?
Mabilis kaming lumipad papunta sa lagusan, dahil lahat kami ay takot na makulong sa mundo ng mga panaginip. Masama kasi iyon sa mga kagaya naming anghel, maging sa mga demonyo rin. Maaaring ikasawi mo ang pagkakakulong mo, dahil wala ka ng koneksyon sa mundong pinanggalingan mo sapagkat sarado na ang lagusan, mawawalan ng bisa ang basbas ng iyong Diyos.
"Helleia," tawag sa akin ni Lyo bago hinawakan ang aking balikat, dahilan para maalala ko na naman ang reaksyon ni Casmon nang makita niya ang kaparehong eksena kanina, kaya pasimple kong inalis ang kamay ni Lyo sa aking balikat.
Napabuga nalang ako ng hangin.
Hanggang ngayon, hindi ko pa rin maitatangging may puwang pa rin ang Incubus na iyon sa puso ko.
"Helleia?" natigil ako sa pagbabaliktanaw nang marinig ko ang boses ni Jenny, o mas kilala bilang Viann. Nilingon ko ito at nakita ang dala niyang isang korona ng bulaklak.
"Ano ang kailangan mo, Viann?" tanong ko rito. Kaagad kong napansin na hindi ko na nakikita ang kaniyang pakpak. Marahil ay ikinubli niya ito. Kaya kasing ikubli ng anghel ang kaniyang mga pakpak, kagaya ng pagkukubli ng mga demonyo ng kanilang sungay at marka.
"Nais ko lamang na ibigay sa iyo ang koronang bulaklak na ito na gawa mismo ni Lyo, inutusan kasi niya akong ibigay ito sa iyo," mahinahong saad nito bago ibinigay sa akin ang dala niya.
Ngumiti naman ako bago tinanggap ang handog ni Lyo.
"Salamat," saad ko kasabay ng pagsuot ko rito.
Pinagmasdan ko ang aking sarili sa salamin at hindi ko maiwasang hindi mapangiti nang makitang bumagay ito sa akin.
"Hindi ko lubos akalaing magkikita pa rin pala tayo," biglaang saad ni Viann, kaya napatingin ako sa kaniya. "Hindi ko lubos maisip na isa pala akong anghel na nabubuhay sa katawan ng isang mortal na nilalang," dagdag nito kaya napangiti ako. Kaagad ko siyang niyakap nang mahigpit.
"Ako rin, naiintindihan kita, Jenny," saad ko habang tinatapik ang kaniyang balikat.
"Viann, iyan ang aking pangalan, Hannah," pagtatama nito kaya napahagikhik ako.
"Helleia," pagtatama ko naman at kaming dalawa ay napahagikhik habang magkayakap.
Nakakatuwang banggitin ang aming mga pangalan noong hindi pa namin alam ang aming tunay na pagkatao. Oo nga't nakakatuwa, pero hindi ko rin naman mapigilang hindi malungkot.
I missed those ordinary days I spend as an ordinary girl who's world was turned upsidedown by an Incubus I named Kiel. I miss him, and it's killing me!
How long will I pretend that he's nothing to me but an enemy? How long will I fool myself? And how long will I suffer from pain?
I badly want to end this misery, but being with him would ignite the flame between Heaven and Hell. Now I am in between of a cliff and a burning sea.
No matter where I choose to go, I would still end up hurting myself.