Chapter 4

1040 Words
Nag-usap pa kami ni Jen--Viann nang ilang minuto. Para tuloy akong bumalik sa pagiging isang normal na mortal. Napag-alaman ko ring may lihim na pagtingin ito kay Lyo. Natatandaan ko pa ang sinabi niya sa akin na, "I like Lyo so much, Helleia, but he likes you. I don't want to plant a grudge against you for it will pollute my heart, that's why I'll tell you this... Don't hurt him, for you'll hurt me too." "I know it's impossible to own a heart who already belongs to someone else. That's why rather than to envy and hate you, I'll just support you both, just remember, don't hurt him." Akmang lalabas na sana ako ng aking silid para ikutin ang buong palasyo nang biglang dumating si Lyo. Medyo basa pa ang kaniyang kulay mais na buhok, may mga butil pa ng pawis na gumugulong mula sa kaniyang noo pababa sa kaniyang mukha. Ang kaniyang kulay karagatang mga mata ay nakatingin sa akin, habang ang kaniyang mga labi naman ay nakangiti. "L-Lyo," gulat kong saad dahilan para mas lalo itong mapangiti. "Magandang araw, Helleia," nakangiting bati nito bago hinuli ng kaniyang matitikas na braso ang aking magkabilang balikat at niyakap ako nang mahigpit. Amoy na amoy ko tuloy ang kaniyang mabangong pawis. "Kamusta ka?" tanong nito habang yakap pa rin ako. "Maayos naman," nahihirapang sagot ko habang pilit na humihiwalay sa kaniyang pagkakayakap. Mukhang naintindihan naman ni Lyo na nais ko nang humiwalay kung kaya't pinakawalan na niya ako. Hinawakan niyang muli ang aking magkabilang balikat bago ako ginawaran ng matamis na ngiti. "Sumabay kana sa aking kumain, naroon na rin ang iba pang mga anghel hapag-kainan. Maging ang Diyosa ay naroon din para sumabay sa pagkain," masayang anyaya nito. "Talaga?" may ngiting tanong ko. Hindi ko maipaliwanag ang pagkasabik na nararamdaman ko, dahil sa loob ng halos isang daang taon mahigit, makakasama kong muling kumain ang ibang anghel at si Diyosa Cashmir. "Oo, kaya't halika na," nakangiting sagot ni Lyo bago hinawakan ang aking kanang kamay--- ang aking palapulsuhan. Dahil mahigpit na pinagbabawal ng Diyosa na hawakan ng isang lalaking anghel ang isang babaeng anghel. Bakit? Dahil maaari itong magbunga, at ang supling na walang basbas ng Diyosa ay maaaring makasira sa balanse ng mga anghel. Tama kayo ng pagkakaintindi, kaming mga anghel ng kadalisayan at pagka-birhen ay kailangang panatilihin ang aming kadalisayan at pagka-birhen nang sa gano'n ay mapanatili rin ang balanse sa pagitan naming lahat. Nang makarating kami sa hapag-kainan ay labis akong nasiyahan nang makita ang lahat ng mga anghel na masiyang kumakain ng sariwang prutas na handog ng Diyosa ng Kalikasan na si Fhauna. "Helleia, Lyo, dito!" tawag sa amin ni Eulla habang kumakaway. Nakangiti kaming pumunta sa mesa ni Eulla. Kaming tatlo lang ang nakaupo sa palibot ng mesa, sapagkat ang mesang ito ay laan lamang para sa mga kanang kamay ng Diyosa. Naging masaya ang aming pagkain dahil sinabayan ito ng masayang kuwentuhan. Hindi ko mapigilang hindi humanga kay Lyo dahil sa galing niyang makisalamuha sa iba. Tunay ngang siya ang isa sa mga pinaka-gusto ng lahat ng mga anghel ng pagkadalisay at pagka-birhen. Naitanong ko tuloy sa sarili ko, 'Bakit nga ba hindi na lang si Lyo ang inibig ko? Bakit nga ba hindi na lang siya ang pinagtuonan ko ng pansin? Bakit nga ba hindi ko sa kaniya ibinuhos ang aking atensyon?' Lyo is the ideal man of anyone, but not for me. Hanggang paghanga na lang talaga ang kaya kong ibigay sa kaniya. Dahil may nagmamay-ari ng iba sa puso ko. Natapos ang aming umagahan nang may masasayang ngiting naka-pinta sa aming mga labi. Isa-isa nang nagsialisan ang mga anghel hanggang sa ako na lang, si Eulla, Lyo, at Diyosa Cashmir ang natira. Magpapaalam na rin sana ako nang biglang tumikhim ang Diyosa. Kaagad kaming yumuko para magbigay galang. Alam na rin namin ang ibig sabihin ng tikhim na iyon. "Nais ko sanang mas higpitan niyo pa ang pagbabantay sa mga mortal. Siguraduhin ninyong hindi sila malalapitan ng mga alagad ni l**t. Nababahala na ang Maylika ng Lahat dahil maraming mortal na ang nabibiktima ng mga Incubus at Succubus. Alam niyo naman ang magiging epekto nito, hindi ba? Mawawala ang balanse sa pagitan natin at nila," makahulugang saad ng Diyosa at sabay-sabay kaming tumango. Maaaring ikapahamak naming mga anghel ng pagkadalisay at pagka-birhen kung tuluyang masisira ang balanse at mananaig ang kabilang panig. Maaari ring mawalan ng trono at kapangyarihan ang Diyosa. Pero dahil sa mahigpit na i***********l ng Maylikha ng Lahat ang pakikialam ng mga Diyos at Diyosa, kami na lamang ang inaatasan ni Diyosa Cashmir para mapanatili ang balanse. "Huwag po kayong mag-alala, Diyosa, matapos kong maibalik muli ang lahat ng nga reincarnation ng mga anghel na nasawi noon, tutulong ako sa pagpapanatili ng balanse," sinsirong saad ni Eulla. Oo, hindi niya magawang pumunta sa mundo ng mga panaginip dahil patuloy pa rin siya sa paghahanap ng mga reincarnation ng mga anghel na namatay isang daang taon na ang nakakalipas. Kung kaya't kami na muna ni Lyo ang naatasang mamuno. "Huwag mong alalahanin ang bagay na iyon, Eulla. Unahin mo ang inutos ko sa iyo nang sa gano'n ay hindi mahati ang iyong konsentrasyon," saad ng Diyosa. "Opo, masusunod po." "Hayaan niyo Diyosa Cashmir, mas hihigpitan ko pa ang pagbabantay. At ipinapangako kong hahadlangan ko ang mga alagad ni l**t sa kanilang mga ninanais," turan naman ni Lyo. "Salamat, Lyo. Maaari na kayong umalis, nais ko na munang makausap si Helleia nang kami lang," saad ng Diyosa dahilan para makaramdam ako ng kaonting kaba. "Masusunod po," nakayukong saad ng dalawa bago humakbang ng dalawang beses paatras at tuluyang nilisan ang hapag-kainan. Ngayong kaming dalawa nalang ng Diyosa ang naiwan, mas lalo akong kinabahan. Maraming tanong ang kaagad na lumitaw sa aking isipan. Bakit nga ba niya ako gustong makausap? Does it have something to do with Ki---Casmon? "Helleia, hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Nais kitang tanungin tungkol sa isang napakahalagang bagay, at sana'y sagutin mo ako nang maayos at tapat," panimula nito at mas lalong kumabog ang aking dibdib. "Ano po ba iyon, Diyosa?" "Ipangako mo munang magiging tapat ka." "Opo," sagot ko habang nakayuko. "May nangyari na ba sa inyo ng kanang kamay ni l**t na si Casmon?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD