Hindi ako kaagad nakasagot sa pahayag ni Kiel. Gumapang sa katawan ko ang takot. Sari-saring mga posibleng magiging resulta ng pagsuway namin ang naisip ko. "Kiel..." alanganin kong saad habang hindi magawang makatingin sa Incubus. "Looks like I'll fight for it alone," mapaklang pahayag nito. "Hindi naman sa ganoon, natatakot lang ako," mahinahon kong saad habang piniling tingnan ang lupa. Biglang umihip ang malakas na hangin at sa isang iglap lang ay naramdaman ko ang dalawang brasong humapit sa aking beywang. Napatuwid ako ng tayo dahil sa pagkabigla. "How I miss hugging you like this, Hannah," bulong nito bago dahan-dahan akong itinayo. Iniharap niya ako sa kaniya. Ngumiti siya kasabay ng paglalaho ng kaniyang sungay, pangil, at marka sa katawan. Maging ang kaniyang mahahabang kuk