"Okay ka lang ba, Hannah?" tanong sa akin ni Jenny. Yes, balik na naman kami sa dating tawagan namin. She asked for it. Sabi niya mas comfortable siya kapag tinatawag siya gamit ang kaniyang pangalang Jenny. "Ah... Oo, ayos lang ako," sagot ko habang hinihintay na makapasok lahat ng mga kasamahan ko sa portal. Oras na kasi ng pagpunta namin sa mundo ng mga panaginip. Hanggang ngayon ay pilit ko pa ring iniiwasan si Lyo. Hindi naman ako galit or takot sa kaniya. Iniiwasan ko lang siya para ma-realize niya na wala talagang tiyansa para sa akin na mahalin siya ng higit pa sa pagiging kaibigan. "You don't look like you're okay. Shoo your thoughts away, Hannah. Tandaan mo, papasok na tayo sa mundo ng mga panaginip," paalala sa akin ni Jenny. Tumango lang ako bago siya nginitian. Matagal-tag