Tulala ako habang nakahiga sa aking kama. Isang linggo na ang lumipas nang mangyari ang bagay na nagbigay sa akin ng takot. Akala ko talaga ay malalapitan ako ni Mang Danny! Mabuti na lang at natapos na ang oras ng pagdalaw namin sa mundo ng mga panaginip. Nakahinga ako nang maluwag dahil doon. Bumangon ako mula sa aking kama at pumunta sa veranda upang lumanghap ng sariwang hangin. Pero pagdating ko roon ay nadatnan ko si Lyo na nakaupo sa hangin habang pumapagaspas ang kaniyang pakpak. "Magandang umaga, Helleia," nakangiting bati nito sa akin bago ibinigay ang isang koronang gawa sa bulaklak. Napangiti naman ako bago ito kinuha at isinuot. Lyo is so sweet. Kailan ko kaya matuturuan ang puso kong mahalin siya? O, kailan kaya matututo ang puso kong mahalin siya? "Magandang umaga rin,