Chapter 5

1325 Words
"Nak, pinapa-utang ako ni don Miguel." "Mabuti naman tay kung ganoon. Magkano naman po Tay?" "Dalawampung libo." Sa pagkasabi ni Tatay sa akin ay agad akong kinabaha dahil sa isip ko. Kapag hindi makabayad ang aking Tatay, baka ako ang sisingilin ni don Miguel. Pero bahala na, ang mahalaga ay magamot si Nanay, habang maaga pa. UMABOT ng isang buwan si Nanay sa hospital at puwede na siyang makauwi sa aming bahay. Ito na ang ikinabahala ko dahil hindi ko pa alam kung magkano ang aming babayaran.Tinungo ko ang billing section na may kaba sa aking puso at panay ang aking dasal na sana hindi gaanong kalakihan ang aming babayara. Dahil ang perang natira sa akin at kasama ang konting mga tulong na galing sa aming mga kapit-bahay ay mga sampung libo na lang. Agad akong nagtanong sa cashier at pinahintay niya ako saglit dahil hinanap pa niya ang record ng aking Nanay. At maya-maya pa ay inabot na niya sa akin ang papel. Kinabahan ako habang binubuklat ko ng dahan-dahan ang billing. Napalunok ako na wala sa oras, "Diyos ko! Twenty eight thousand!" Sabay bilang ko sa aking mga daliri at kulang kami ng eighteen thousand. Agad naninikip ang aking dibdib dahil hindi ko na alam kung saan ako mangungutang. Dahil halos kapit-bahay ay ay nalapitan ko na. Naglakad ako na wala sa sarili at hindi alam kung saan ako pupunta. Hanggang dinala ako ng aking mga paa sa maliit na kapilya, "Diyos ko. Saan ako hahanap ng pera? Tulungan mo po ako hindi ko na alam ang aking gagawin." Maikli kong dasal. Bumalik ako sa kuwarto ni Nanay at agad naman niyang napansin na may problema ako dahil sa mukha kong 'di maipinta. "Drey, may problema ba, nak?" tanong ni Nanay sa akin. "Konting problema lang po, Nay," mahina kong tugon sa aking ina. "Ano iyan, Drey?" muling tanong nito. "'Yung babayaran dito, Nay. Kulang po ang pera natin." Malungkot kong tugon sa aking ina. "Magkano ba ang kulang anak?" "Eighteen thousand, Nay." "Diyos ko! Malaki pala, anak." Gulat tugon ni Nanay, at nagsimulang lumungkot ang kanyang mukha "Huwag kang mag-alala, Nay, hahanap ako ng paraan." "Anak, isanla na lang muna natin ang ating maliit na lote." "Naku! 'Wag, Nay," ang tinutukoy ni Nanay na lote ay ang tinayuan ng aming maliit na kubo. "Eh — saan naman tayo hahanap ng ganiyang halaga anak?" "Nay, paano kung nakasanla ang lote natin, tapos hindi natin mabayaran kaagad. Saan na tayo titira?" tanong ko at tumahimik si Nanay. "Ano'ng gagawin natin, anak?" malungkot niyang tanong. "Hayaan niyo, Nay.Gagawa ako ng paraan." Nagpaalam ako kay Nanay na uuwi muna para makahanap kami ni Tatay ng paraan upang mabayaran namin ang hospital. Pagdating ko sa bahay ay hindi ko nakita si Tatay, siguro nasa mansion ito. Pasalampak akong umupo sa aming maliit na lamesa sabay buhos ko ng tubig sa baso. Habang iniisip ko kung saan kami lalapit para makahiram ng perang pandagdag sa bayarin namin sa hospital. "Si don Miguel na lang ang inaasahan ko. Wala na talaga akong ibang malapitan. Bahala na!" wika ko sa aking sarili. Nagmadali akong nagpalit ng damit at agad kong tinungo ang mansion. Pagdating ko sa bakuran ng malaking bahay ay humugot muna ako ng napakalim na hininga para palakasin ang aking loob. Bago ako pumasok sa loob sinubukan kong hinanap si Tatay, para siya sana ang pakiusapan ko na magsabi kay don Miguel. Naikot-ikot ako sa buong mansion pero hindi ko nahagilap si Tatay. Kaya nagdesisyon na akong pumasok sa loob. Walang tao sa baba ng bahay kaya pumanhik ako sa itaas at nagtungo sa kuwarto nila donya Berta. Agad akong kumatok at sinambit ang pangalan ng donya. "Audrey, halika pusok!" boses ni donya Berta. Ingat kong binuksan ang pinto ng kuwarto nila at naglakad patungo sa higaan ni donya Berta. "Magandang umaga donya Berta," bati ko sa kaniya at tumayo ako sa kanyang harapan. "Kumusta na ang Nanay mo, Drey? Parang nangayayat ka iha." Pansin niya sa akin. "Paano naman kasi donya Berta, ang daming kong iniisip. Ako kasi lagi ang nagbabantay kay Nanay sa hospital," tugon ko sa kaniya. "Kumusta na pala ang Nanay mo?" "Sa awa ng Diyos! Magaling na si Nanay." "Mabuti naman kung ganoon!" aniya. "D-donya Berta, may sadya sana ako sa inyo." Panimula ko sa kaniya. "Ano 'yan, Drey?" kalmado niyang tanong. "B-baka po puwedeng dagdagan ko muna ang inutang naming pera. Kasi po lalabas na si Nanay at kulang po kasi ang pambayad namin," nahihiya kong sabi kay donya Berta. "Magkano ba ang kailangan ninyo?" seryoso niyang tanong sa akin. "E — Eighteen thousand pesos po ang kulang ng pera namin donya Berta. Kung puwede po gawin ko na lang twenty thousand pesos. Kasi po donya Berta, wala po kaming bigas at ulam sa bahay." Habang nagsasalita ako ay hindi ko makuhang tumingin sa mga mata ni donya Berta. Sapagkat naninikip ang aking dibdib at gustong pumatak ang aking mga luha. "Sige, Drey. Kausapin ko muna ang asawa ko para siya na ang magbigay sa'yo. Hintayin lang natin siya, dahil nasa loob pa ng banyo," pagkarinig ko sa sinabi niya ay agad akong nakaramdam ng kaba at takot. Hanggang sa lumabas na si don Miguel, bagong ligo ito at pagkakita niya sa akin ay ngumiti siya na animo'y nakakita ng angel. Yumuko na lang ako upang maiwasan na mapang-abot ang aming mga mata "Miguel, kailangan ni Lucy ang pera para pambayad sa hospital," ang tinutukoy ni donya Berta ay ang pangalan ng aking ina. "Kailan ba gagamitin?" tanong ni don. "Ah — Bukas sana don Miguel." Sagot ko sa kaniya at nanatili akong nakayuko. "Ummm ... Wala akong pera dito ngayon, pero papunta naman ako sa siyudad. Sumabay ka na lang sa akin para idaan na lang kita sa hospital," alok nito at nakatingin sa kaniyang asawa. "Audrey, sumama ka na kay don Miguel mo, para makuha mo na ang pera," pagsang-ayon naman ni donya Berta. "Sige po, donya Berta, maraming salamat po!" tugon ko at ngumiti sa kaniya. Umalis kami at magkasabay na lumabas at walang kibuan. Hanggang sa binuksan ni don Miguel ang harapan na pintuan ng kanyang sasakyan at doon niya ako pinaupo. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakasakay ako ng mamahaling sasakyan. HANGGANG sa nakaalis na kami sa mansion, sa mga sandaling iyon ay hindi sumagi sa aking isip na may gagawin si don Miguel sa akin. Dahil kay donya Berta naman ako lumapit at hindi sa kanaya. Sobrang tahimik namin ng mga sandaling ito na tila pinakiramdaman lang namin ang bawat isa. Hanggang sa nakarating kami sa isang mall at pumarada siya sa parking lot. "Hintayin mo na lang ako dito, saglit lang ako." Bilin niya sa akin at hindi na ako sumagot. Mga kalahating oras din akong naghihintay sa loob ng sasakyan. Nang makabalik si don Miguel ay may dala na itong mga paper bag. Nang mapansin kong malapit na siya ay dali-dali naman akong nagtutulug-tulugan. "Mag-snack ka muna!" sabi niya sabay abot sa isang burger at cola. "Salamat don Miguel!" saad ko. Hanggang sa nagtuloy na kami sa aming biyahe. Nagulat ako dahil pumasok si don Miguel sa isang malaking gate na maraming mga pinto. Ang akala ko ay kamag-anak niya na may dadaan pa siya. Hanggang sa may sumalubong sa amin na isang lalaking naka-uniporme. Hindi ko na iyon pinapansin dahil ang akala ko ay katiwala lang sa bahay. Nagulat ako nang pumasok kami sa maliit na garahe at isinara iyon ng boy. Doon ako nakaramdam ng kaba at takot. Bumaba si don Miguel at binuksan niya ang pintuan sa aking kinaupuan. "Don Miguel, saan po tayo?" inosenteng kong tanong sa kaniya. "Bumaba ka muna para maibigay ko sa'yo ang pera." "P-pero don Miguel, hindi ba puwedeng dito mo na lang ibigay?" kinabahan kong tanong. "Doon na sa loob at saglit lang naman tayo. May ibibigay rin ako sa'yo" tugon niya na may kakaibang titig sa akin at nabasa ko agad ang gusto niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD