"Nay, okay lang iyon. Ang importante ay napatapos ninyo ako ng high school, tahan na, Nay. Hindi naman ako nagreklamo at naintindihan ko naman kayo ni Tatay. Nakita ko naman na hindi kayo nagkulang sa pagpangaral at pag-aruga sa akin." Sabay yakap sa kaniya, para kahit papaano ay maibsan ang dinadalang problema.
Pansamantala kong iniwan si Nanay na mag-isa sa kaniyang higaan, sa loob ng publikong kuwarto hospital. Para makauwi ako saglit at ipaalam kay Tatay, ang tungkol sa sakit ni Nanay. Nakiusap na lang ako sa mga nurse na silip-silipin nila ito.
Paglabas ko sa hospital ay agad akong naghanap ng botika para mabili ang mga gamot na nireseta ng doktor. Hanggang sa makakita ako ng isang botika at inabot ko agad ang papel, pagbigay sa akin ng resibo ay lumaki ang aking mga mata at napalunok ako sa aking laway. Dahil sa laki ng halaga ni, umabot ito ng anim na libo.
Nagdadalawang isip ako kung bilhin ko ba ang lahat o hindi, pero agad kong iniisip na kailangan ni Nanay ang lahat. Kaya napilitan akong bilhin ito, pagkatapos kung mabayaran ang mga gamot ay napatingin ako sa perang natira.
"Isang libo na lang pala ito. Mahabaging langit, saan ako makahanap ng malaking halaga para sa gamutan ni Nanay?" usal ko at hindi ko mapigilan ang aking mga luha kusa itong tumulo, at agad ko naman itong pinunasan gamit ang aking mga daliri.
At saka nagtuloy na ako sa pag-uwi sa aming baryo.
Pagdating ko sa amin, mga bandang hapon ay naabutan ko si Tatay, na nakaupo sa silyang kawayan na halatang hinihintay kami ni Nanay.
"Anak, si Nanay mo nasaan?" pag-alalang tanong niya sa akin.
Nagmano ako at umupo sa tabi niya. "Tay, kailangan ni Nanay na i-confine. Kasi, may pneumonia po siya." malungkot kong sabi sa kaniya, at lumungkot rin ang mukha ng aking ama.
"Kumusta naman ang Nanay mo doon?" tanong ni Tatay, at nagsimulang mamula ang kaniyang mga mata at ilong. Na tila nagbabadya na lalabas ang kaniyang mga luha.
"Okay lang naman po siya, Tay. Pero ang daming gamot na pinapabili ng doktor, ito ang lahat." Sabay kong inabot ang mga gamot na nasa loob ng plastik.
"— May pera pa ba tayong natitira, Audrey?" pagdadalawang isip niyang tanong sa akin.
"Ito na lang po, Tay." Inabot ko sa kaniya ang pera, at nang tiningnan niya ito ay bigla siyang nalungkot at tumingala sa langit.
"Lord, saan kami kukuha ng pera?" Sabay punas niya sa kaniyang mga luha.
HALOS nadurog ang aking puso nang makita ko ang reaksiyon ng aking ama, wala akong magawa kung 'di ang yakapin siya ng mahigpit.
"Hayaan n'yo, Tay. Bukas na bukas din ay hahanap ako ng mahiraman natin at subukan ko rin si Kuya, baka may maitulong siya sa atin."
"Pupunta ako ng maaga sa mansion anak, makiusap ako kay Don Miguel."
Sa pagkarinig ko sa pangalan ni Don Miguel, ay agad akong nakaramdam ng takot at naalala ko ang kaniyang ginawa sa akin.
"S-sige, Tay. Magpahinga muna ako at bukas nang madaling-araw ay pupunta ako kay Kuya."
KINABUKASAN, maaga akong gumising para puntahan ang aking kapatid sa kabilang sityo. Alas-kuwatro pa lang ay bumangon na ako at hindi ko na ginising si Tatay, dahil masyado pang maaga.
Dahil wala pang masakyan sa ganitong oras ay kailangan ko pang lalakarin papunta roon. Mga isang oras din ang aking nilakad bago ako nakarating sa tirahan ng aking kapatid; hingal, pawis, gutom, lamig ang nararamdaman ko nang mga oras na ito. Ngunit lahat ay tiniis ko alang-alang sa aking ina. Agad akong kumatok sa kanilang maliit na pinto.
"Kuya Tony... Kuya..." sambit ko sa pangalang ng aking kapatid at sinabayan ko nang paulit-ulit na pagkatok.
"Audrey, ikaw ba iyan?" tanong ni a
Ate Hilda, ang asawa ng aking kapatid.
"Oo, Ate Hilda, si Audrey ito."
Agad naman niyang binuksan ang pinto at pumasok ako.
"Audrey, bakit ang aga mo?" pagtatakang tanong ni Kuya Tony, na kakalabas lang mula sa kanilang kuwarto.
"Kuya, si Nanay kasi, nasa hospital at naka-confine."
"Bakit?! Ano'ng nangyari kay Nanay?!" pag-alalang tanong niya at hindi na ako magtataka sa kaniyang reaksyon dahil mahal na mahal niya ang aming Nanay.
"May sakit siyang pneumonia, at nangangailangan ng pera para sa gastusin ng kaniyang mga gamot at pambayad natin sa hospital."
"Ganoon ba?" paanas niyang turan sabay kamot sa kaniyang ulo at alam ko na ang ibig sabihin noon, (wala siyang pera).
"Sige, Drey. Hahanap ako ng paraan, wala kasi akong pera ngayon. Hahanapan ko na lang ng buyer itong treynta kilos naming baboy para may pandagdag tayo," pahayag niya.
Sa sinabi ni kuya ay para akong nabuhayan ng kaunting loob, dahil kahit papaano ay may pangdagdag na kami. Bago ako umalis ay pinapakain muna nila ako at kahit papaano ay nagkalaman rin ang aking sikmura. Tuyo lang ay sapat na sa akin.
Pagdating ko sa bahay ay hindi ko na naabutan si Tatay, alam ko na kung saan siya pumunta. Sa mansion ni Don Miguel. Sa bawat minutong maalala ko o marinig ko ang pangalan ni Don Miguel ay hindi ko maiwasan ang makaramdam ng nerbiyos sa aking sarili.
SAMANTALA sa pagdating ni Tatay sa mansion ay agad niyang kinausap si don Miguel.
"Magandang umaga don Miguel." bati niya.
Biglang sumeryoso ang mukha niya at matagal siyang nakasagot sa aking ama.
"M-magandang umaga naman, Narsing. Bakit ang aga mo ngayon?" tungon nito.
"Ahhh ... salamat pala sa ibinigay mong limang libo kahapon, don Miguel." aniya. Nakahinga siya ng malalim dahil pakiramdam niya ay hindi ako nagkuwento sa aking ama.
"Ahh— walang anuman, Narsing konting halaga lang iyon." Kasinungalingang tugon ni don Miguel.
"Don Miguel, may malaking problema kasi kami ngayon nasa hospital ang aking asawa may pneumonia siya at nangangailangan kami ng pera. Baka naman puwedeng makautang muna, don Miguel. Pagtatrabahuhan ko na lang ng maigi." Pahayag ng aking ama.
"Sige, walang problema, Narsing. Magkano ba ang kailan mo?" tanong niya.
"D-dalawampung libo sana." Pagdadalawang isip na sabi ni Tatay, dahil
nag-alala siya na baka hindi ito magbigay.
"Okay ... walang problema. Halika sa loob at kukuha lang ako ng pera." anito.
Nakahinga ng maluwag si Tatay, dahil hindi siya tinanggihan ni don Miguel. Pagbaba nito ay may bitbit na siyang pera na may kasamang malaking notebook. Bago niya inabot ang pera ay pinapaperma muna niya si Tatay, bilang utang ang pera na iyon. Nakabalik si Tatay sa bahay na masigla at agad kong nahulaan ang kahulugan ng sayang iyon. Sigurado akong nabigyan siya ni don Miguel ng pera.
"Drey— Audrey!" masaya niyang tawag sa aking pangalan.
"Bakit po, Tay?" tanong ko agad sa kaniya.