Chapter 3

1016 Words
Pagkatapos niyang makaraos ay inilagay niya ang pera sa ibabaw ng lamesa at iniwan niya agad ako sa kusina. Ang bilin niya sa akin walang ibang makakaalam tungkol sa amin at lahat ay ibibigay niya sa akin magsabi lang ako. Hindi ako kumibo at hindi ko pinansin ang kaniyang mga sinasabi nanatili lang akong nakaupo sa lamesa at tulala sa pangyayari. Hanggang sa bumalik ang aking ulirat at ang una kong nakita ay ang aking panti at ang maiksi kong short na nasa sahig akma ko itong pinulot ngunit sa aking paggalaw ay napangiwi ako sa sobrang sakit na aking naramdaman. Muli akong napaluha at napatitig sa hawak kong pera. "Kung mayaman lang sana akong isinilang, siguro hindi ito nangyayari sa akin." Bulong ko. Nang maalala ko ang lahat-lahat niyang ginagawa sa aking katawan ay bigla akong nakaramdam ng pandidiri at tumagko ako palabas ng bahay na walang paalalam kay donya Berta. Nagpatuloy ako hanggang sa dinala ako ng aking mga paa sa ilog agad kung tinanggal ang aking bistida at patakbong lumusong sa tubig. Hindi ko alam kung ilang oras akong nagbabad sa tubig nagbakasakali na matanggal ang dungis na kumakapit sa aking katawan. Hanggang sa naisipan kong umuwi sa maliit naming kubo malungkot at wala ako sa, sariling dumating. Nagtaka si Nanay at Tatay kung bakit basa ang aking damit.  "Anong nangyari sa'yo Audrey? Bakit basa iyang suot mo?" Tanong ni Nanay sa akin na medyo nanginginig ang boses dahil sa kaniyang karamdaman.  "A-ahhh... dumaan ako sa ilog Nay at naisipan kong maligo." Pagsisinungaling kong tugon ko sa kaniya sabay kapa ko sa kaniyang noo. "Nay, bukas na bukas din ay magpa-check-up ka ha at sasamahan kita, baka lumalala pa 'yang sakit mo." Babi ko sa kaniya na pilit kong pinigilan ang mapaluha dahil awang-awa ako sa kalagayan niya at idagdag pa ang nangyayari sa akin, sa kamay ni don Miguel.  "Nak, gustuhin ko man, pero wala tayong pera." "Meron Nay, kinausap ko si donya Berta na i-advance ko ang sahod ngayong linggo." "Nagbigay ba anak?" Sabat naman ni Tatay na abala sa pag-ihip niya sa apoy. nagsaing kasi ito gamit ang kahoy. "Oo, Tay. Binigay ni don Miguel ang sahod ninyong dalawa at nagbigay rin siya nang limang libo dahil baka raw kailanganin ni Nanay ang gamot." Nagawa kong magsinungaling sa kanila dahil nag-alala ako na baka maraming tanong pa si Tatay at masabi ko ang katutuhanan sa kaniya.  at baka ano pa ang gagawin nito kapag malaman niya ang nangyari sa akin, baka mas lalo lang kaming maghirap kapag nawalan sila ng trabaho ni Nanay. "Ang bait talaga ni don Miguel at naiisip niya ang ating kalagayan," Wika ng aking ama at nakangiti pa ito.  "Kung alam lang ninyo ang katutuhanan..." usal ko sa aking sarili. Ibinigay ko sa aking Nanay ang lahat ng pera at saka nagpaalam na ako para makapagbihis at gusto ko rin na makapagpahinga dahil naramdaman ko pa rin ang pagod at sakit ng aking katawan. Pagdating ko sa loob ng aking maliit na kuwarto ay agad akong nagpalit ng damit at pagkatapos ay humiga na. Hindi ko namalayan ay nakatulog na pala ako at kinabukasan nang umaga na nagising. Agad akong bumangon at  dali-daling nagluto dahil kailangan naming makaalis ng maaga ni Nanay upang hindi kami mahuli sa pilahan ng hospital. Sa mga sandaling ito'y isinasantabi ko muna ang aking sariling problema, dahil importante sa akin ang kalagayan at kalusugan ng aking Nanay.  Pagkatapos kong makapagluto ay sabay kung ginising ang aking mga magulang. Kumatok ako sa kanilang kuwarto, "Nay, Tay... gising na po kayo nakahanda na ang agahan." Sambit ko sa kanila at muling kumatok.  "Audre—" putol niyang sabi dahil umuubo pa ito. "Bakit ang aga mong nagising?" Tanong ni nanay sa akin. "Nay, kailangan nating agahan ang pagpunta sa hospital, halina kayo ni Tatay... lalamig na itong sabaw." "Sige anak, papunta na kami." Akay ni Tatay ang aking Nanay paglabas nila ng kuwarto, dahil halos hindi ito makalakad ng matuwid. Agad ko silang sinalubong at inalalayan ko ang aking ina. "Nay, ano ba ang masakit sa'yo?" Mangiyak-ngiyak kong tanong dahil awang-awa ako sa sa kaniyang kalagayan, lalo na't sa tuwing titingin ako sa kaniyang maputlang mukha.  "Ewan ko anak, halos lahat kong kalamnan ay sobrang masasakit." munting tugon niya.  Pagdating namin ni Nanay ay hindi pa masyadong maraming pasyente kaya hindi kami gaanong nagtagal sa paghihintay. Hanggang sa pangalan na ni Nanay ang binanggit ng nurse. Agad kaming pumasok sa loob at umupo sa harapan ng doctor at agad niyang sinusuri si Nanay.  Ayon sa mga sagot ni nanay sa katanongan ng doctor ay may duda siya na 'PNEUMONIA' ang sakit ni Nanay. Para raw makasiguro ay kailangang  i-laboratory ang kaniyang dugo. Pagkatapos makunan ng dugo si Nanay ay pinahintay kami ng sandali. Pagkalipas ng ilang minuto ay bumalik na ang nurse at dala na ang resulta. "Nay, positive na may 'Pneumonia' ka at kailangan mo munang i-confine dahil ito ay delikado at kailangan ng matinding gamutan." Paliwanag ng doctor sa amin at sa pagkarinig ko na i-confine si Nanay ay biglang nanikip ang aking dibdib sapagkat iniisip ko kaagad ang gastusin rito.  "A—kuwan—doktor, hindi ba puwedeng bibilhin na lang namin ang gamot at sa bahay na lang magpagaling si Nanay? Kanda-utal kong tanong sa. "Kailangan nang medical attention ang iyong ina, kailangani nating obserbahan ang kaniyang kalagayan." Prangkahang sagot nito sa akin. Wala kaming nagawa, dahil buhay ni Nanay ang nakasalalay kaya napilitan kaming manatili sa hospital. "Anak, wala tayong pera..." mapaklang sabi ni Nanay at nakita ko sa kanyang mga mata ang mga luhang pilit niyang pinigilan. Kaya lalo akong naawa sa kaniya. "Huwag kang mag-alala Nay, hahanap ako ng paraan ang importante Nay ay gagaling po kayo." Tugon ko sa kaniya na pilit kong ngumiti para palakasin ang loob niya. "Anong paraan ang gagawin mo anak?" "Hihingi ako ng tulong sa mansion Nay, dagdagan ko na lang ang advance natin at pagtatrabahoan ko na lang ito." Hinawakan ni Nanay ang aking mga kamayat doon na pumatak ang kaniyang mga luha.  "Anak, napakabait mong bata at napakamaunawain mo pa. Patawarin mo kami ni Tatay mo. Ang laki-laki ng pagkukulang namin sa'yo hindi ka na nga namin dapatapos sa pag-aaral. Ngayon hito ikaw pa ang magtatrabaho." Pahayag ni Nanay na hindi pa rin tumigil sa pag-iyak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD