Hanggang sa makapasok na kami sa club at nagulat kami ni Amy sa sigaw ng aming grupo. "Bayotz!" sigaw nila at nakangiti ang mga ito na sumalubong sa amin. Kahit si ma'am DI ay masaya rin itong lumapit. Naguguluhan naman ako sa kanilang inasta. "Bayotz! Ikaw na — Ikaw na talaga!" wika ni Shandle. "Sino? Si Amy o ako?" tanong ko dahil dalawa naman kami ni Amy na magkasama. "Shunga! Sino ba ang tinitingnan ko?!" pasupladang tanong ni Shandle. "Naku, Bayotz! Ang galing mo talagang mambola ng costumer," sabat naman ni Chin-Chin. "Mambola? Sino ako?" naguguluhan kong tanong dahil sa totoo wala talaga akong ideya sa kanilang mga pinagsasabi. "Congrats, Bayotz!" sabi ni Evangeline sabay yakap niya sa akin. "Sandali-sandali!Linawin nga ninyo!Puwede paki-explain mga, teh?!" harang ni Amy sa