Hindi ako nagsasalita dahil nang tiningnan ko ang mga presyo nito ay sobrang mamahal. Wala talaga akong kinuha kahit isa kaya siya na mismo ang pumili na babagay sa akin. Binilhan niya ako ng isang kuwintas at relo at nagkakahalaga ang lahat ng thirty-seven thousand. Ako naman ang kinakabahan sa kanyang pinagagawa. Sapagkat sobra-sobra na ang ibigay niya sa akin sa loob lang ng isang linggo. "Ganito ba talaga ang mga hapon?" tanong ko sa aking sarili. Si Amy naman ay binilhan niya ng hikaw na nagkakahalaga ng sampung libo. Walang mapagsidlan sa saya ni Amy. Hanggang sa matapos na kami sa loob ng mall. Ang akala ko ay iuwi na kami ni Ryoichi. Pero nagtaka kami ni Amy nang dinala niya kami sa isang subdivision village na malapit lang sa aming tinatrabahuan. "Ryoichi, why we are here?