Hanggang sa makatulog na ako at kinabukasan ay maaga akong gumising at tumawag ako sa aking pamilya. Para ibalita na malapit na kaming aalis. At tinanong ko rin sila kung may pera pa ba para sa bahay. Sinabi naman ni Nanay na mayroon pa. Ibinalita rin nila sa akin na inuuna nila ang maliit na tindahan at ang ilaw. Kaya hindi ko muna pinadala ang pera sa kanila. Laking pasasalamat ko naman dahil napakamasinup ng aking mga magulang at hindi nila inabuso ang perang pinapadala ko sa kanila. NAGSIMULA na kami sa todo ensayo habang nilalakad naman ni ma'am DI ang aming pasaporte. Buti na lang ay dala ko lahat ng aking mga dokumento at hindi na ako nahihirapan. Mabilis ang paglipas ng mga araw at marami na rin kaming alam sa pagsasayaw. Hanggang isang araw ay mayroong good news si ma'am DI, p