"I must have loved you a lot."
-----Suzanne Collins, Mockingjay
Chapter 5
Layuan mo na ako, wala kang silbi sa akin.
Iyan lang ang parating nasa isip ko, it keeps repeating in my mind and keeps breaking my heart. Huwag kang sumuko Faye. I keep reminding myself but failed and it made me miserable. Hindi na dito kumakain si Sandro, umalis na siya ng hindi kumakain. He said that he doesn't like the foods that I cook anymore. It's like wala na akong asawa, para lang akong robot dito, padaloy daloy na walang pagmamahal na ibinibigay.
Para na talagang walang saysay ang pagsasama namin, paggising niya sa umaga pumunta agad sa trabaho, hindi na kami kasabay kumain, pumupunta narin ako sa trabaho. Sa gabi halos di na siya makauwi, 2 to 3 na siya sa umaga makauwi at nakakatulog nalang ako sa kakahintay. Hanggang kailan kami maging ganito? Nakakasawa narin, sana mamanhid nalang ako sa sakit na nararamdaman ko pero hindi, patuloy pa rin ang sakit.
I am currently laying in my bed thinking about tomorrow, tomorrow is November 10 and it is my birthday at hindi ko alam kung anong plano ko bukas, gusto kong makasama si Sandro sa birthday ko at mga kaibigan ko. Gusto kong mag date kami bukas dahil miss na miss ko na ang mga dates namin, matagal na kaming hindi nag date. Natatandaan pa kaya ni Sandro ang birthday ko? I wish he will remember it.
I was snapped out of my thoughts nang marinig kong nag bukas ang pinto, bumungad ang pagod na mukha ni Sandro. Masaya akong maaga siyang nakauwi ngayon, agad akong tumayo para yakapin siya.
"Sandro, gusto mo bang kumain?" tanong ko, he just ignored me at nagbihis. Nag-Blush ako when I saw his bare back, nang ihubad niya ang slacks niya agad akong tumalikod at lumabas. Kumuha ako ng pagkain para ibigay sa kanya. Bumalik ako sa kwarto namin at lumapit sa kanya, he's busy with his cellphone.
"Sandro kumain kana" Sabi ko sa kanya, he looked at the trey that I am holding.
"Busog ako" walang emosyon na sabi niya
"Sandro kumain kana, matagal kanang hindi kumakain sa mga luto ko. Gusto mo bang baguhin ko ang lasa ng mga luto ko?" tanong ko sa kanya, his eyes darken and glared at me.
"Hindi. Ako. Kakain" mariin na sabi niya, me being me, sinuway ko ang sinabi niya at nilapag ang trey sa katawan niya. Nagulat ako ng itapon niya ito at napunta lahat ang pagkain sa katawan ko, I blink back the tears. Kasalanan mo Faye, pinipilit mo kasi. Hindi mo na kasi dapat pilitin ang mga bagay na wala na.
"Sabi nang hindi ako kakain, Ba't ba ang tigas ng ulo mo? Linisin mo ang kalat na yan!" galit na sabi niya, lumabas ako para kumuha ng walis at map. Pagbalik ko, nilinis ko ang mga pagkaing nakakalat sa sahig. Nakita kong busy parin si Sandro sa cellphone niya. Pagkatapos kong maglinis, naligo ako dahil madumi na ang damit ko.
After I dressed up, tumabi ako kay Sandro. I stared at him while nasa cellphone ang atensyon niya, gusto ko sana siyang kausapin pero alam kong hindi niya naman ako sasagutin, pero try and try lang para makuha ko ulit ang loob ng asawa ko.
"Ahm… Sandro, maaga kaba makakauwi bukas ng gabi?" I fidgeted, kinakabahan ako dahil baka magalit na naman siya.
"Hindi ko alam" he said coldly, hindi ba niya naba natatandaan ang birthday ko?
"P-pwede bang makauwi ka ng maaga bukas Sandro?" I nervously ask, may konting naipon kasi ako at balak kung maghanda para sa birthday ko kahit konti lang at gusto kong makasama si Sandro. Noon kasi hindi pinalampas ni Sandro ang birthday ko, magkasama kami buong araw at nasisiyahan at gusto kong maulit muli iyon.
"Busy ako bukas Faye at mas importante pa ang business ko kaysa mga walang kwenta" I fight back the tears, masakit iyong sinabi niya, tumagos sa puso ko. Hindi niya talaga natatandaan ang birthday ko. Okay lang iyan, baka bukas matandaan niya.
"O-okay Sandro" I quietly said. Part of me hopes that he will remember.
Maaga akong nagising, happy birthday day to me. Plano kong gumawa ng baon para kay Sandro with his favorite chicken lasagna, habang nagluluto ako, nagring ang cellphone ko at tinignan ko ang caller ID, si Mama. Minsan lang to tumatawag si mama kaya napangiti naman ako. Miss na miss ko na ang isla, gusto ko nang bumalik don. Miss ko na rin si papa at ang bunso kong kapatid. Kung may sapat na pera lang sana ako, bibisita talaga ako doon. Noon, bumisita kami ni Sandro doon pero di na ngayon, wala narin siyang pakialam sa pamilya ko.
Bumati ang pamilya ko sa birthday ko at masayang masaya ako na kausap kaming lahat dahil matagal na kaming hindi nakapag usap ng pamilya ko. Pagkatapos naming mag usap ay binaba ko na ang tawag.
Pagkatapos kong magluto, nilagay ko ito sa baonan.
Nakababa na si Sandro, as usual nakasuot sa suit niya. Ngumiti ako sa kanya. Hindi parin kumukupas ang beauty ni Sandro, he is still the same as the day that I met him.
"Sandro baunin mo tong niluto ko" I handed him the lunchbox at nakaramdam ako ng lungkot nang tinignan niya ito in disgust. Ayan ka na naman Faye, pipilitan mo na naman iyan kahit alam mong magagalit. Don't blame me, noon kasi he really loves it pag binigyan ko siya ng baon dahil ang luto ko daw ang pinaka paborito niya sa buong mundo pero noon iyon.
"Ano ako bata?" galit na tanong niya
"Chicken lasagna iyan Sandro, alam kong isa din iyan sa mga paborito mo" mahinang sabi ko, nagulat ako when he grab the lunchbox at tinapon sa sahig. Nagkalat sa sahig ang mga niluto ko, I am used to this but I still can't help the stinging pain in my chest. I looked at him and saw that he has a blank expression and he stormed out the door.
Nilinis ko ang kalat with a broken heart, parati niya lang tinatapon ang mga niluluto ko. Mukhang seryoso talaga siya sa mga sinabi niya sakin, hindi man lang niya ako binati sa birthday ko. Nakalimutan na niya ang lahat.
"Happy Birthday! Happy Birthday! Happy Birthday to you!!!" Napangiti ako sa mga kaibigan ko, may dala silang maliit na cake at may candle sa gitna. Nilapit nila to sakin.
"Blow your candles!!!" sigaw nila Alisson at Miguel, I giggle at hinihipan ang kandila at pumalakpak sila.
"Thank you guys, hindi na sana kayo nag abala" sabi ko sa kanila.
"Ano kaba Faye, kaibigan ka namin" sabi ni Alisson
"Oo nga, masaya kaming masaya ka" Miguel said, I smiled at them. Sana maaga uuwi si Sandro mamaya, maghahanda ako nga mga favorites niya, kahit ngayon lang sana pagbigyan niya ako. Alam kong ang tanga tanga kona, sobrang tanga pero ako kasi ang klase na tao ang hindi sumusuko sa taong mahal ko.
Kahit gaano pa ako sinasaktan nito, hindi pa rin ako mapapagod na mahalin ang taong mahal ko. Sometimes napapaisip ako na sana gaya nalang ako sa ibang babae na sila iyong mas superior sa lalaki pero ano naman ihaharap ko? Hindi nga ako nakapagtapos sa pag aaral, pero naisip ko rin na kahit hindi man ako nakapagtapos, ay sana naman hindi iyon maging hadlang para tapak tapakan ko.