Chapter 6: Visit

1826 Words
“There is a distinct, awful pain that comes with loving someone more than they love you.” Chapter 6 I'm currently sitting at the dining table, nakahanda na lahat ang mga pagkain na niluto ko, chicken curry, salad, adobong manok at tsaka maliit na birthday cake ko. Tinignan ko ang oras at nakitang 7:00 pm na, sana naman umuwi ng maaga si Sandro. Gusto ko lang naman kasama siya sa birthday ko, I want to remember the happiness of my birthday, not sadness. Napatingin ako sa cellphone ko, 7:10 at wala parin si Sandro. Nasan na kaya iyon? Baka ano na naman ang ginagawa non. A few hours later, akala ko umuwi siya pero hindi pala. I should have known na ganito ang mangyayari, talagang hindi pa ako natuto. 12:00 am na kaya tapos na ang kaarawan ko, pinigilan ko ang aking mga luha dahil pagod na akong umiyak. I don't want to cry anymore. Parang mauubos na ang mga luha ko. Kinuha ko ang aking birthday cake at tinapon sa basurahan, ang tanga tanga ko talaga para umasa. Deserve mo naman yan Faye dahil napaka walang kwenta mo! Punyeta ang sakit sakit na, nakakasawa. Nagising ako sa alarm clock ko at nakita kong tulog pa si Sandro sa tabi ko, naka suit pa rin siya, mukhang di nakapag bihis. Hindi ko pinansin ang kirot sa puso ko dahil kagabi, tinignan ko si Sandro na mahimbing na natutulog. I caressed his thick eyebrows, I brush the feeling of pain na nakalimutan niya ang birthday ko, baka pagod na pagod lang talaga siguro sa trabaho kaya nakalimutan niya. Kailangan ko siyang intindihin. "Miss na miss na kita Sandro" bulong ko sa kanya, nakita kong unti unting minulat ni Sandro ang mga mata niya. He stared at me lazily for a minute and then at my hands. "Anong ginagawa mo?" mariin na tanong niya, inilayo ko ang aking kamay sa eyebrows niya. Napayuko naman ako, magagalit na naman to sa akin. "S-sorry" mahinang sabi ko, tinignan niya lang ako ng masamang tingin’ and agad akong tumayo para maghanda ng pagkain. Okay lang kahit di niya kakainin, di ako magsasawang ipaghanda siya ng pagkain. Habang nag init ako ng mga pagkain na niluto ko kagabi para sa birthday ko ay naramdaman ko naman ang presence niya sa likod ko. "Bakit nagwawaldas kana ng pera ngayon?" galit na tanong nito "K-kasi San--- "Andaming pagkain sa mesa, ano na naman ang kalokohan na to Faye? Gamitin mo ang pera sa mga importanteng bagay. Ba't ba kasi andami mong niluto kagabi?" bugad niya sakin, napayuko lang ako at nagpatuloy sa pagluluto. "B-birthday ko kasi kahapon Sandro" mahinang sambit ko. Dumilim naman ang tingin niya sakin. " Wala akong pake alam sa birthday mo" malamig na sabi niya, I brush the pain in my chest, mukhang nasasanay narin kasi eh, parang routine na namin ang mag away, pero di pa rin mapipigilan ang kirot ng puso. Nang nainit na ang mga pagkain ay nagulat naman ako nang umupo siya sa mesa at kumuha ng mga niluto ko, akala ko di siya kakain. Parang nabuhayan naman ako at napangiti. Tahimik lang kaming kumain ni Sandro, I glance at him at nakitang malalim ang iniisip nito dahil naka kunot noo. I decided to break the silence. "Sandro okay kalang?" tanong ko sa kanya, hindi niya ako pinapansin at nagpatuloy sa pagkain. "Pupunta tayo sa bahay nila mama mamaya" napahinto ako sa sinabi niya, natatakot talaga ako sa pamilya ni Sandro, lahat sila kinamumuhian ako maliban sa papa niya na, okay lang si Mr. Carvalho, mabuti ang pakikitungo niya sakin pero iwan ko ngayon kung ganon parin ba. Si Tamara Carvalho, ang kapatid ni Sandro, 17 years old na siya ngayon at parati akong pinapagalitan at napahiya non kaya nag away sila noon ni Sandro dahil sa panggagawa niyang pangbabastos sakin kahit mas matanda ako sa kanya pero ewan ko nalang ngayon dahil baka maging masaya si Sandro na sinasaktan ako ng pamilya niya. "S-sige Sandro" sabi ko "Umayos ka Faye kung ayaw mong mapahiya" seryosong saad niya at tumango na lang ako. Sigurado akong hindi na ako kakampihan ni Sandro sa pamilya niya, ano na kaya ang mangyayari sakin mamaya? It's okay Faye, Mr. Carvalho won't take the disrespect, right? Nakauwi na ako galing sa trabaho at nakita ko si Sandro na nakaupo sa sofa, kita ko ang inis na inis niyang mukha. Nakabihis na siya, mukhang bad mood na naman siya. Kinabahan naman ako nung narealize ko na pupunta talaga kami sa pamilya niya. "Ba't ba ang tagal mo?" tanong niya, tinignan ko ang oras at 6 pa naman. "Sorry Sandro" Sabi ko sa kanya "Magbihis kana, dalian mo" inis na sabi niya kaya agad akong umakyat sa kwarto namin para magbihis. Nang makarating na kami sa bahay nina Sandro, nakaramdam ako ng kaba. Nakasuot lang ako ng white t-shirt at blue jeans, ganito talaga kasi ako manamit, simple lang. Nakita ko sina Theodore Carvalho, papa ni Sandro. Helen Carvalho, mama niya at ang kapatid niyang si Tamara. Nakaupo sila lahat sa elegante nilang kusina. "Alessandro anak!" bugad ng mama niya at niyakap ng mahigpit si Sandro at sumali narin ang papa at kapatid niya, nakaramdam ako ng hiya dahil di nila pinansin ang presensya ko. Inirapan ako ni Tamara kaya napayuko ako. Typical rich kid. "Kumusta kana Sandro?" tanong ng papa niya. "Okay lang pa" saad ni Sandro, tinignan naman ako ng papa ni Sandro, he just nodded at me but that's it. I guess he changed too, what a cruel world. "Kuya, kinamusta ka ni Ate Brittany" Nagulat ako sa sinabi ni Tamara, she smirked at me. Brittany Brooks is half American half Filipino. Isa itong model dito sa Pilipinas, siya ang dapat sanang pakasalan ni Sandro. Napayuko ako sa sakit, wala akong ubra sa babaeng yon. "Tell her I'm okay at pakisabi na kumusta rin" sabi ni Sandro, napalingon ako sa kanya. Hindi dapat ako magselos, nangangamusta lang si Sandro, wala naman siyang ginagawang masama and they're friends. "Sige na kids, kumain na tayo, nakahanda na ang mga pagkain" sabi ng papa ni Sandro, hindi parin nila ako pinansin. Habang kumakain kami, parati akong tinitignan ng masama ng mama at kapatid ni Sandro samantalang nag uusap sina Sandro at ang papa niya tungkol sa business. Alam kong ang pinaka importante sa lahat para sa pamilya nila ang ang Business. "Wala ka bang ibang damit bukod diyan?" maarteng tanong sa akin ni Tamara, namula ako sa hiya. Napahinto naman sa pag uusap ang mag ama, hindi ako nagsasalita at nagpatuloy lang sa pagkain. I just need to ignore this brat teen na nambastos sa mas nakakatanda sa kanya. "Just leave her alone Tamara, alam mo namang laki sa mga mangingisda iyan, don't expect her to wear something elegant" saad ng mama niya, pinigilan ko ang aking mga luha at hindi nalang sila pinansin. "Anyway, Alessandro. Kailan kami mag kaka apo? Kailangan mo nang mag kaanak para may magmamana sa kompanya" sabi ng papa niya, nakita ko ang mga galit na ekspresyon ng mama at kapatid niya, alam kong ayaw talaga nilang dalawa na galing sa akin ang anak ni Sandro. Sandro doesn't want any kids, I don't know what changed his mind because back then, he wanted to have one. Tinignan ko ang nakayukom na kamao ni Sandro at alam kong natamaan siya sa sinabi ng papa niya. Sasabihin niya ba sa kanila? "Soon pa" mahinang sabi ni Sandro at nakahinga ako ng malalim, katapusan na namin ni Sandro kung sasabihin niya sa kanila. Kailangan nila ng apo para sa kompanya, yan lang naman ang importante sa kanila, ang magpalaki ng kanilang kompanya. Pero ang mama at kapatid niya is being disgusted by the idea na magkakaanak kami ni Sandro. "Alessandro son, magdi-dinner daw kayo sa isang restaurant ni Brittany bukas. Just a friendly dinner" saad ng mama niya, kumirot ang puso ko, nagseselos na talaga ako. Ayaw kong magkasama sila dahil alam kong gusto ng babaeng yon ang asawa ko. Tinignan ko si Sandro at nagdasal na hindi siya pumayag. "Sure ma, I'll catch up with her" Sabi ni Sandro at para akong nabuhusan ng malamig na tubig, totoo ba iyong narinig ko? Magdidinner silang dalawa bukas? Eh, date na ang tawag don. Gusto kong umalis dito at ibuhos lahat ng sakit pero alam kong magagalit si Sandro kaya di na ako umimik. "OMG! Talaga kuya?" masayang tanong ni Tamara at tumango lang si Sandro, kita ko naman ang evil smirk sakin ng mama ni Sandro. I want to slap them hard but I know I have no power over them. "Bagay na bagay kayo ni Britanny son, kung siya nalang sana ang pinakasalan mo at di ang kutong lupa na to" malamig na sabi ng mama niya. "Ma" suway ni Sandro sa kanya, di ko na nakayanan at tumayo ako. "Excuse me po" mariin na sabi ko at dali daling lumabas, don ko binuhos lahat ng sakit na nararamdaman ko. Pagod na ako sa mga insulto nila, kahit mahirap lang ako, hindi dapat nila ako tinatrato na parang basura. Nakita kong lumabas rin si Sandro, galit ang kanyang mukha. "Huwag ka ngang magdrama Faye, nakakasawa kana!" galit na sabi niya, hindi ko siya sinagot at patuloy lang ang pag agos ng aking mga luha. "Bakit di mo matanggap ang mga sinasabi nila? Eh totoo naman lahat ng iyon!" dagdag niya, gusto kong sabihin sa kanya na tama na dahil masakit na pero di ako makapagsalita. Mahigpit niyang hinawakan ang aking kamay at napangiwi ako sa sakit, kinaladkad niya ako patungo sa loob ng kotse niya. My tears can't stop flowing, bakit niya ginawa sa akin to? Tahimik lang kami habang nagmamaneho si Sandro, tinanaw ko ang galit niyang mukha habang naka kunot noo. Dati, ang sweet sweet nito. Ginagawa niya lahat para protektahan ako, at araw araw niya ipapadama na mahal niya ako. "I-im sorry Sandro" Sabi ko sa kanya "Sawa na akong marinig ang mga sorry mo, sinira mo ang family dinner namin. May pa walk out kapang nalalaman" malamig niyang sabi "P-pupunta ka ba talaga sa Dinner na inalok ni Brittany?" mahina kong sabi. "Anong paki mo" galit niyang saad. "H-huwag kang pumunta p-please" nilingon niya at and he glared at me. "At sino ka para pagbawalan ako? Tsaka hindi mo ba maintindihan ang sinabi ni mama kanina o sadyang bobo kalang talaga dahil wala kang pinag aralan? Friendly dinner, kaya wag mo akong dramahan" nasaktan ako sa mga sinabi niya. Iiyak ka na naman? Tsssk, luma na iyong pag iyak iyak mo sakin Faye, wala nayang ubra" "sabi niya at tumingin nalang ako sa labas para di niya makita ang mga luha ko. Hininto ni Sandro ang kotse sa labas ng bahay. "Labas" sabi niya "San ka pupunta Sandro?" tanong ko, dumilim ang ekspresyon niya kaya lumabas nalang ako at umalis na siya habang iniwan akong may kirot sa puso. I guess people do really change.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD