"Despite everything, I believe that people are good at heart."
---- Anne Frank, The Diary Of a Young Girl
Chapter 4
Dalawang araw na ang lumipas nong away namin ng asawa ko at wala na akong nakitang Sandro sa bahay, hindi pa siya umuwi hanggang ngayon. After he slapped me he just walk out at akala ko babalik lang siya pero hindi siya bumalik. Nasaan siya ngayon? Bakit hindi pa siya umuwi? Hindi siya sumasagot sa mga tawag ko.
Nagtatrabaho pa rin ako sa Coffee shop para ma-distract, Wala rin akong kausap kahit kanino. Kahit sina Miguel at Allison, I tried to avoid making a conversation with anyone.
"Faye, hanggang kailan kaba maging ganyan? Parati kang tulala diyan eh" sabi ni Alisson, I sigh. It's time to talk to someone para mailabas ko ang sakit sa puso ko. Pero pag aasahan ko ba to sila? I suddenly want to call Sherlyn, siya ang childhood best friend ko at nandon siya sa Baguio ngayon.
"Alisson, hindi umuwi ang asawa ko" mahinang sabi ko sa kanya.
"Ha? Nag away ba kayo?" tanong niya sakin, I nodded my head at her.
"We always fight, it just feels like he's not my husband anymore. Nagbago siya " bulong ko pero narinig ni Alisson iyon, kita ko ang gulat niyang mukha. Natauhan din siya at napalitan ito ng galit.
"Alam kong gwapo iyang asawa mo pero, it is Unacceptable!" galit niyang sabi, tumulo na naman ang mga luha ko. Ang weak ko talaga pagdating dito, panahon na ata para sabihin ko lahat kay Alisson mukhang mabait naman siyang kaibigan at maasahan. Maybe not but I don't care right now because all I need right now is someone who would listen to me.
"Do people change easily? Allison, he was a sweet person tapos the next few days, naging ganun na siya." Paliwanag ko sa kanya and I wiped my tears.
"I think you should leave him Faye," she said "It's like you're staying in hell, hindi ako papayag magkaroon ng ganyang asawa kahit gaano pa iyan kayaman or gwapo" dagdag niya.
"Anong nangyayari dito?" nakita ko si Miguel na palapit sa amin.
"May problema lang si Faye Miguel, Girl's talk" sabi ni Alisson sa kanya and Miguel nodded in understanding at umalis para bigyan kami ng privacy. I looked at Alisson with tears in my eyes.
"Hindi ako susuko Alisson, gusto kong mahalin niya ako ulit. Gagawin ko lahat para bumalik na siya sa dati, alam kong nabulag lang siya ngayon, di ko pa alam ang dahilan bakit siya nagkaganyan" sabi ko, Alisson nodded her head.
"Kung yan ang desisyon mo Faye, susuportahan kita" sabi niya at niyakap ako ulit, niyakap ko rin siya. Nagpapasalamat ako dahil may kaibigan akong nasasabihan ko ng aking problema. "Pero Faye, don't sacrifice your heart for him, kung makikita mong hindi na talaga siya magbabago, leave him. Okay?" she said softly and I nodded and I thanked her.
Nang makauwi ako sa bahay, narinig kong parang may ingay sa loob, binuksan ko ang pinto. Teka nakalock to kanina ah? Baka nakauwi na si Sandro. Happiness filled in my heart, pagpasok ko nakita ko si Sandro na kumakain. Nakaramdam ako ng saya ng Makita ko siya ulit, his hair is a little messy at nakita kong may eyebags siya, napansin ako ni Sandro at lumapit ako sa kanya para yakapin siya.
"Sandro san ka galing? Nag aalala ako sayo, bakit di ka umuwi?" tanong ko sa kanya na nag aalala.
"Ano ba Faye? Lumayo ka nga sakin, kitang kumakain pa ang tao" he muttered angrily kaya binitawan ko siya at umupo sa tabi niya. He ignored me and continued eating. I smiled at him, nakalimutan ko ang sakit sa puso ko nang makita ko siya. As I continued staring at him, na-realize ko na hindi ko kayang mawala siya.
"Sandro bakit di ka umuwi?" tanong ko sa kanya
"None of your business" sabi niya habang di tumitingin sa akin…
"Namiss kita Sandro, please huwag mona ulit gawin iyon" Sabi ko sa kanya, tinignan niya ako with his cold expression.
"Layuan mo na ako, wala kang silbi sa akin,” he said coldly at pumunta sa kwarto leaving me there with my tears.
7 years ago
"Nay! Tay!" Faye exclaimed at niyakap ang nanay at tatay niya, miss na miss na niya ang mga magulang niya dahil apat na buwan na silang hindi nagkikita at ngayon lang nag bisita ang dalaga. Tuwang tuwa ang mga magulang ni Faye ng makita nila muli ang panganay nila.
"Ate!" A little boy screamed at niyakap si Faye
"Rafael! Gimingaw na si ate nimo! (Miss ka na ng ate!)" sabi ni Faye at niyakap ang kapatid niya, Rafael is his little brother.
Pinagmasdan ni Alessandro ang masayang pamilya ni Faye and his heart soften at the sight kahit hindi niya naiintindihan ang mga salita nila dahil di siya marunong mag bisaya. His heart broke a little because hindi niya makukuha ang ganitong pamilya, his family is different, it is all about money at wala ng iba. Walang pagmamahal ang kanilang pamilya, puro pera lang ang nasa isip, para nga lang din siyang walang mga magulang. His parents are always busy over their business, hindi niya lang pinahalata na nasasaktan siya.
"Ate ,kinsa na ang gwapo nga na sa imo likod? (sino po iyong gwapo na nasa likod niyo?)" tanong ni Rafael at nagblush si Faye because of his little brother's word.
"Uhm, nay, tay. Si Alessandro po, uyab nako (Boyfriend ko)" their eyes widen of what she said. Tinignan nila si Alessandro, nakasout ito ng black long sleeves at blue jeans. Lumapit si Alessandro sa kanila para magpakilala.
"Hi po Mr and Mrs. Gomez, pleasure to meet you" magalang na sabi ni Alessandro sa kanila, nakatingin parin sila sa binata hindi alam ang gagawin. Minsan lang sila makakakita ng ganito ka gwapong lalaki sa probinsya nila. Faye nudge them at nabawi ang atensyon nila.
"Ako nga pala si Isagani Gomez at asawa ko si Hilda Gomez" pagpapakilala ng tatay ni Faye kay alessandro at nag shake hands sila.
"Dako najud akong anak (lumalaki na talaga anak ko)" bulong ng nanay niya and Faye groaned at his parents.
"Ate Faye, buot pasabot, kuya na nako si Mr.Pogi? (Ate Faye, ibig sabihin ba non, kuya ko narin si Mr. Pogi?) " tanong ng batang kapatid ni Faye, tumango si Faye at ngumiti sa kanya.
"Tawagin mo akong Kuya little bro" sabi ni Alessandro at niyakap ni Rafael si Alessandro, Faye's heart soften at the two.
"Pumasok na kayo, pasensya kana iho maliit lang to ang bahay namin" sabi ng nanay ni Faye, ngumiti lang si Alessandro.
"Okay lang po yon Mrs. Gomez, mas gusto ko nga po iyong simple lang" sabi ni Alessandro. Pumasok na sila sa bahay nila, maliit lang ang bahay nila Faye at gawa sa kawayan, pero maganda naman ito. Simple lang ang ganda.
"Upo kayo" sabi ng tatay ni Faye.
"Rafael pagdula sa didto sa gawas kay mag storya mi. (Rafael maglaro ka muna sa labas dahil pag uusapan kami)" sabi ng nanay ni Faye sa bunsong anak. Tumango naman si Rafael.
"Bye Kuya! Dula ta unya ha? (Bye Kuya! Laro tayo mamaya ha?)" Tanong ni Rafael kay Alessandro, lumingon ang binata kay Faye.
"Sabi niya laro daw kayo mamaya" bulong ni Faye sa kanya at ngumiti ang binata at tumango kay Rafael.
"Oo naman" sabi ni Alessandro sa kanya at tumakbo na ang bata palabas.
Sinabi lahat ni Faye ang nangyari sa kanya sa siyudad, iyung may nagnakaw ng bag niya dahilan ng pagkilala nila ni Alessandro. Napatawa naman ang mga magulang niya at nagpasalamat sa binata sa pagligtas ng anak nila. Nagulat naman sila nang malaman nilang Ceo si Alessandro sa isang malaking kompanya.
"Nay dalawang araw lang kami ni Sandro dito kasi marami pa siyang aasikasuhin" sabi ni Faye sa mga magulang niya.
"Oo naman anak, may isang bakanteng kwarto para kay Alessandro para malagay na niya ang mga gamit niya don" sabi ng nanay ni Faye.
"Salamat po Mr. Gomez at Mrs. Gomez" sabi ng binata sa kanila.
Sa loob ng dalawang araw, puro kasiyahan lang ang naramdaman nila. Dinala ni Faye si Alessandro sa isa sa mga pinakamagandang tourist spot nila. Parati namang nilalaro ng binata ang batang kapatid ni Faye at pinakilala niya si Alessandro sa mga kaibigan niya at pinagmayabang. Tinrato si Alessandro na parang pamilya ng mga magulang ni Faye at don niya lang naramdaman ang tunay na pagmamahal sa mga magulang.
I cried at the memories, he was the Sandro that I first knew. How can a person change that easily so fast? Why does it hurts so much? What is he hiding from me? Maybe these are all just a challenge for our marriage, I have a feeling na malalampasan namin to lahat.