“You know, a heart can be broken, but it keeps on beating, just the same."
----- Fannie Flagg, Fried Green Tomatoes at the Whistle Stop Cafe
Chapter 3
The beeping of my alarm clock woke me up, its 5:00 am at kailangan ko pang maglinis, I groaned still too tired but then I remembered na ngayon na ang first day of work ko at kailangan ko pang ipagluto si Sandro. I looked at my hands at nakita kong may konting pasa ito, wala rin si Sandro sa tabi ko, san kaya siya natulog? Akala ko bumalik siya kagabi. I suddenly felt a pang in my chest thinking about the incident last night.
I got out of bed at bumaba para hanapin si Sandro at nakita ko siyang nakahiga sa sofa, I smiled at him as he snore lightly. Nagluto na ako at pagkatapos nagsimula na akong maglinis sa mga kalat nila kagabi, I picked up the bottles of wines at tinapon sa bin, hinugasan ko lahat ng mga baso at platong ginamit nila kagabi. I looked at the time and it was 7:00, lumapit ako kay Sandro.
"Sandro gising na, kumain na tayo" Sabi ko sa kanya, he opened his eyes and glanced at the surroundings and his eyes landed on me, agad siyang tumayo at umakyat sa taas brushing past me. Maliligo na lang muna ako, umakyat nadin ako sa taas at kumuha ng towel at mga damit ko, narinig ko ang shower sa loob ng CR kaya bumaba ako para don maligo sa guest room.
Matapos akong makabihis, inayos ko muna sarili ko bago ako lumabas sa guest room, nakita kong kumakain si Sandro kaya umupo ako at sumabay.
"Sandro, nagtatrabaho na ako ngayon" I broke the silence causing him to look up.
"Do whatever you want 'cause I don't care about you and what you do" Sabi niya and he stormed out. I brushed away the pang in my chest, he doesn't care about me anymore. It's not that I am not getting used to it.
My first day of work turns out to be great, may nakaibigan akong dalawa. Si Alisson at si Miguel, sila iyong unang pumapansin sakin, masaya silang kasama dahil sa mga silly jokes nila. Sila na ata ang pinakamasayang taong nakilala ko, nawawala sa isip ko si Sandro dahil napapatawa nila ako. Alam niyo iyong mga taong kahit walang ginawa, natatawa ka? Sila iyon. Para silang mga aso at pusa, minsan nag aaway sa biro.
350 a day ang sweldo ko kaya masayang masaya ako dahil makakatulong na ako sa gastusin sa bahay at mapapadalhan ko na ulit sila nanay at tatay. Noon nahihiya ako dahil si Sandro nagpapadala sa kanila, Hindi tinatanggap ng nanay at tatay ko but Sandro still insisted. Now I am so glad when Sandro stopped giving them any money, like I said, nagbago siya in an instant and I don't know why.
Miss kona sila nanay at Tatay, I remembered their faces when I introduced Sandro to them. Nandon sila sa Camiguin ngayon ang tahanan ko. Masakit parin iyong sinabi ni Sandro sakin kanina but I brushed it off.
"Faye, alam mo bang natae si Miguel nong grade 1 siya sa school nila?" tanong ni Alisson sakin at napatawa ako while Miguel is shooting daggers at her. It was our break.
"Tumigil ka nanga Alisson, Faye huwag kang maniwala sa baliw nayan, eh mas malala pa sa kanya, umutot iyan habang nagkaklase at narinig ng lahat" sabi ni Miguel at tumawa, I shook my head at them
"Hampasin kaya kita sa muka gamit ang puwet ko" sabi ni Alisson and Miguel stared at her shocked, I chuckled at her craziness. Well, at least I made good friends that make me laugh.
"Para kayong aso at pusa" Sabi ko sa kanila
"Oo nga pala Faye may boyfriend kana?" tanong ni Alisson sakin, I smiled at her as I remember Sandro and I'm starting to miss him.
"May asawa na ako" Sabi ko na ikinagulat nila
"What? Sino?" tanong ni Alisson
"Si Alessandro Carvalho" sabi ko sa kanila and I blush, para akong high school girl na nagbanggit ng crush niya. I stared at their shocked expression.
"The Billionaire?" gulat na tanong ni Miguel and I nodded my head
"Bakit ka nagtatrabaho Faye, eh bilyonaryo ang asawa mo, swerte mo girl! Ang hot ng asawa mo, sa magazine ko pa lang siya nakita. OMG, Pashare Faye" bungad niya sakin, I rolled my eyes while smiling at her. Crazy friends. Kung alam niyo lang ang ginagawa ng asawa ko sakin.
After the tiring day, umuwi na ako sa bahay para maghanda ng pagkain, I can't help but smile at my day, it is indeed a great day. After a few hours of waiting, narinig kong bumukas ang pinto at bumugad ang malamig na mukha ni Sandro, he stumbled kaya tinulungan ko siya. I can smell the alcohol in his breath. I sigh, uminom na naman siya.
"Sandro, uminom ka na naman" mahinang sabi ko
"Kasalanan mo ang lahat ng to" sigaw niya, napaatras ako dahil sa lakas ng boses niya and it pains my heart. Anong sinasabi niya? Anong kasalanan ko? Eh, hindi ko nga alam ang dahilan bakit siya nagbago ng ganyan.
"I-i don't know what you're talking about Sandro "Bulong ko sa kanya, he ignored me at pumunta sa kwarto namin and I heard the door slam loudly. I just glued there with a broken heart, hindi ko alam ang gagawin ko. I cried at my thoughts.
Umakyat ako sa taas para puntahan si Sandro, nakita ko siyang nakatayo habang nakatingin sa bintana. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya, I feel him tense but I didn't care, I just want to feel him.
"I wish na bumalik kana sa dati Sandro, miss na kita" bulong ko sa kanya, hindi siya gumalaw. We stayed like that for a few minutes and I'm so happy that he didn't push me away.
"Gusto ko lang maging masaya tayo, gusto kong bumalik tayo sa dati Sandro" Sabi ko sa kanya, sabik na sabik na akong bumalik kami sa dati, gusto ko nang maramdaman ang pagmamahal niya sakin. At this state, Sandro grab my arm and pushed it away at hinarap niya ako.
"I't awl your faultt" he slurred I shook my head and cried. Hindi ko alam kung anong nagawa ko, kung anong kasalanan ko.
"Sandro, sabihin mo sa akin anong nagawa ko ple----
"Just shut the f**k up" galit na sabi niya. I looked at him with a pained expression. I badly want to know the reasons, and why he keeps saying it's all my fault.
I ran outside habang umaagos ang mga luha ko, pumara ako sa taxi, buti nalang may konting pera akong natira sa bulsa ko. I sobbed quietly sa loob ng taxi. What did I do to deserve this? Why is this all my fault? I've never hurt him, ginawa ko lahat para sa kanya. This is too much, it's so suffocating, parang di na ako nakakahinga sa sakit. I want to blame God dahil sa pinagdaanan ko.
"Saan po tayo Miss?" tanong ng mamang driver
"Sa simbahan" sabi ko while composing myself, I look like s**t dahil sa pag iyak ko pero di ko mapigilan, gusto kong ibuhos lahat ng sakit. I just can't take all this pain anymore, I'm hurting physically and emotionally. I'm damaged.
"Hindi ko alam kong anong pinagdadaanan mo miss pero wag kang mag alala, may katapusan ang mga pagdurusa mo, nakarating rin ako diyan at masakit sa una pero lilipas rin ito pagdating ng tamang panahon" sabi ng mamang driver and his words make me calm. I smiled at him but the pain in my heart was still there.
"Salamat manong," I said.
Nang makarating na kami sa simbahan binigay ko na ang pamasahe sa kanya pero di niya tinanggap, nagpasalamat naman ako sa kanya dahil ang bait bait ng driver na iyon, there's something in him that makes you sooth so I thank him for his comfort.
Pumasok na ako sa simbahan, it is 10:00 already kaya wala ng tao sa loob. Lumuhod ako at nagdasal, all the pain came back to me. Tears slide down my cheeks, hindi ba napapagod ang mga luha ko? Araw araw na lang to tumutulo. I glance at Jesus’ crucifixion statue. I want to curse him, hate him but I can't so I did the opposite.
"Patawad po sa lahat ng mga kasalanan ko, mahal na mahal ko po ang asawa ko at nag vow kaming dalawa sa harap mo na hinding hindi namin iiwan ang isa't isa, nasasaktan na po ako, kailan pa po ba ito matatapos?..." I cried
"Bigyan niyo ng gabay ang relasyon namin" I whispered.
Nang makarating ako sa bahay, bukas pa ang mga ilaw. Hindi ko alam kung paano ko haharapin si Sandro ngayon, alam kong magagalit na naman siya dahil umalis na naman ako sa gabi. Pumasok ako sa bahay at nakita ko si Sandro na naghihintay sa sofa with a cigarette in his hands. He was so deep in his thoughts. His eyes darkened when he saw me.
"Ang tigas talaga ng ulo mo noh, bakit nga ba nawawala ka na ngayon pag gabi ha?" Bugad ng asawa ko, napayuko ako.
"Pumunta lang ako sa simbahan saglit Sandro" I said and he snorted
"Really? Cause my thought says something else" he said at lumapit sakin, he eyed me menacingly
"Tell me Faye, why are you so worthless?" tanong niya, I was shocked. I forced back a tear, this is not him, this is not my Sandro. He's a different person now, I don't feel safe to him anymore.
"S-sandro alam mo namang ikaw lang ang m-mahal ko diba?" I stuttered, it really breaks my heart to see myself being weak like this.
"Shut up! You should stay in the house faye like a good dog you are" galit niyang sabi. I can't take it anymore. He's hurting me so much, I might explode.
"Hindi mo ba ako naisip? Nasasaktan rin ako Sandro! Wag kang maging selfish Sandro, Huwag mo akong pagbantaan ng hindi ko naman ginawa pagod na pa----
SLAP
My face turned to the side, my eyes widen in shock. Hinawakan ko ang mukha ko kung san niya ako sinampal, I looked at him with tears. He is an evil person, I married an evil person. I can't believe na ang nakilala kong mabait, mapagmahal at sweet ay naging ganito. He's turning into something else. He is not my husband. I don't know him anymore.