Chapter 2: Neglect

1665 Words
"So, this is my life. And I want you to know that I am both happy and sad and I'm still trying to figure out how that could be." ------- Stephen Chbosky, The Perks Of Being a Wallflower Chapter 2 Napatingin ako sa asawa ko, nakahiga pa rin siya sa tabi ko habang nakatitig sa ceiling, bagong gising ko lang at namalayan kong gising na rin siya. Masakit pa rin iyong sinabi niya sakin kagabi pero iyon ang totoo. Truth hurts nga sabi nila at naniniwala na ako don. Hindi niya inalis ang tingin niya sa taas kaya nag taka ako kung ano ang iniisip niya, ngayon ko lang siyang nakitang ganito na nakatulala. "Sorry kagabi Sandro, gusto ko lang naman makatulong eh" mahinang sabi ko sa kanya, hindi parin nakaalis ang tingin niya sa taas at hindi siya sumagot. We broke into a deep silence. "May bisita ako mamaya, siguraduhin mong malinis ang bahay at bilhin mo ang lahat ng ipapabili ko sayo, isusulat ko mamaya" nakakapagsalita rin siya at tumango ako. Pero naalala kong ngayon pala ang first day ng trabaho ko, patay ako nito. Alam naman natin dito sa pinas na strikto pagdating sa trabaho. "S-andro ngayon nga pala ang trabaho ko" agad na sabi ko, nakaramdam ako ng kaba dahil baka magalit na naman siya. Ayaw kong magalit siya, nakakasakit ng puso. "Gawin mo ang pinapagawa ko sayo, diba gusto mo namang makatulong? Wala akong pakialam sa cheap mong trabaho basta gawin mo ang pinapagawa ko, naiintindihan mo?" Galit niyang sabi, agad akong tumango at nadismaya dahil baka hindi na ako tatanggapin ng trabaho ko dahil absent ako sa first day. Pero kailangan kong tulungan si Sandro, tatawagan ko nalang ang manager ko. Iyung hindi ka panga naka first day fired kana agad. Sana naman hindi, ang hirap maghanap. Naligo na si Sandro at bumaba ako para maghanda ng pagkain namin, nang makababa na si Sandro agad kaming kumain nang walang kibo. "Sandro, saan ang lista ng ipapabili mo sakin?" tanong ko sa kanya, nilapag niya sa mesa ang isang papel at pera at kinuha ang car keys niya. "Mag ingat ka Sandro. I love you" Sabi ko sa kanya, he stopped in his tracks but then continued, ignoring me. I pushed back the pain at kinuha ko ang cellphone ko para tawagan ang manager ko. Please don't fire me. Masaya ako nang pumayag ang manager ko, ang bait niya nga, pero I feel guilty dahil nagsinungaling akong may lagnat ako kaya hindi ako makakapunta, sabi niya papasok ako sa trabaho kung okay na ako. I think this has to do with Sandro being my husband kaya kinukuha nila ako at ngayon pinagbigyan. Nagsimula na akong maglinis, hindi naman gaano kahirap dahil hindi naman to mansion ang bahay namin pero nakakapagod pa rin dahil baka magalit si Sandro pag di ko inayos paglinis. Lumipas ang ilang oras, natapos narin ako at kinuha ko ang papel at balck credit card na nilagay ni Sandro sa mesa para makabili. * 10 bottles of wine * ingredients of a salad and make one * Ing. of chicken coxinha and make one * 4 boxes of pizza Tinignan ko lahat ng ipapabili niya, buti nalang tinuruan niya akong magluto ng Brazilian specialty niya. Sino kaya ang mga bisita niya? Mag iinom ata sila dahil andaming wine. Siguro andami na namang babaeng pupunta dito. Nagbihis na ako at binili lahat ng nakalista sa papel, nang mabili ko na lahat agad na akong umuwi para lutuin ang lahat ng to. Bumuhos na ang mga pawis ko dahil sa dami ng pinapagawa ni Sandro pero okay lang basta masaya siya sa mga nagawa ko, at least makakabawi rin ako sa kanya kahit konti lang. A few hours later, natapos ko na lahat at nakahanda na lahat sa mesa. I glance at the clock at 7:00 na ng gabi, baka dumating na sila. Pumunta ako sa kwarto namin para magbihis, isang simpleng blue long sleeves at jeans. Umupo ako sa sofa para antayin sina Sandro at ang mga bisita niya. Maya maya'y nakarinig ako ng maraming boses sa labas at agad akong tumayo para handang batiin sila, kinakabahan ako dahil 1st time na nag invite si Sandro ng mga bisita. Bumugad si Sandro at ang mga bisita niya, tatlong lalaki at apat na babae, nakaramdam ako ng hiya nang makita ko ang mga suot nila. Mga mayayaman ang mga bisita ni Sandro, ang isang babae, nakasuot ng black tight tube cocktail na hanggang sa legs lang, ang isa naman naka sleeveless na red dress, ang pangatlo ay naka-black dress at ang isa naka pink tube dress. Ang tatlong lalaki naman naka suit din gaya ni Sandro. Napahiya ako sa sout ko pero tiniis ko iyon at ngumiti sa kanila. "Alessandro who is she?" tanong ng naka black tube cocktail na nasa tabi ni Sandro, nakaramdam ako ng selos, baka ipagpalit ako ni Sandro dahil ang gaganda nila. "Don't mind her, anyway, handa na ba lahat?" Sabi ni Sandro, nasaktan ako dahil hindi niya man lang ako pinakilala sa kanila, ganyan naba talaga ako ka walang kwenta? "Oo Sandro" mahinang sabi ko, my eyes watered pero pinigilan ko, ayaw kong mapahiya sa kanila. Baka magtaka sila. God I am such a weak person, I hate myself for being weak pero anong laban ko sa kanila? ang yayaman. The truth is, nakakababa tala sila ng confidence, parang wala kang kalaban laban. Sinara ko ang pinto at luha ang images sa mga mata ko, ang sakit na di ka magawang ipakilala ng asawa mo sa lahat ng mga bisita niya, ang sakit dahil nagbago na talaga si Sandro, masakit na lahat. I sobbed silently at tinakpan ko ang mga mukha ko. How did this happen to me? To us? Gusto ko lang naman na maging masaya kami ni Sandro na maging isang masayang pamilya kami but fate has a different idea to make. Fate is so cruel to me.? Nagising ako dahil sa ingay sa baba, Oo nga pala nakatulog ako dahil sa sobrang pag iyak ko kanina, nakaramdam na naman ako ng kirot sa aking puso. Agad akong lumabas at bumaba para silipin kung ano ang ginagawa nila. Nakita kong masayang nag iinuman si Sandro at ang mga bisita niya, pain stuck in my heart nang makita kong masayang pakikipagkwentuhan si Sandro sa babaeng naka black cocktail kanina. Kumirot ang puso ko at pinipigilan bumuhos ang aking mga luha, ngayon ko lang nakitang masaya at tumatawa si Sandro. Masakit dahil hindi ako ang sanhi ng kasiyahang ito, may affair ba si Sandro? Bakit parang mag jowa sila? Naghaharutan at Nagtatawanan. Hindi ko mapigilan ang mga luha ko. Wag kang mag isip ng ganyan Faye, baka magkaibigan lang sila, hindi naman iyon gagawin ni Sandro diba? A thought came into my mind at napaiyak ako because realization slapped me in the face, Sandro doesn't love me anymore. Tumakbo ako sa labas, I didn't care about their stare. They must have thought that I'm a freak, crying and running outside without a reason pero wala na akong pakialam, gusto ko lang makalayo muna dito at mailabas ang sakit. Hindi ko alam kung saan ako pupunta, naglakad lang ako na parang baliw, gabing gabi na at malamig na dito sa labas. Naisip ko ang park na malapit lang sa bahay namin. Nang makarating ako sa park, umupo ako swing. I wiped the tears in my eyes, There are so many memories in this park. It just brought more pain in my heart, dito kami unang nagdate ni Sandro at tinitignan ang mga batang naglalaro. "Bakit?" I whispered at tumingin sa itaas, gusto kong sagutin niya ako kung bakit nagkaganito ang buhay ko. "Ang sakit sakit na " iyak ko, masama po ba akong tao kaya niyo ako pinaparusahan ng ganito? I just sat there alone and broken, our life could have been better. It's been a few hours since I sat there at natigil narin ang pag iyak ko. It's time for me to go home, baka nakauwi na ang mga bisita ni Sandro. Tumayo na ako at lumakad pauwi, I hugged myself due to the cold temperature. My eyes feel drowsy and I'm so tired, gusto ko nang matulog at makasama si Sandro. Nang makarating na ako sa bahay, tahimik na sa loob. Binuksan ko ang pinto dahan dahan and it creaks open, pagpasok ko magulo ang paligid, kumalat ang mga bottles sa wine at mga baso sa sahig. I cringed at the smell, mukhang nakauwi na ang mga bisita ni Sandro. Umakyat ako sa taas at pumasok sa kwarto namin, nagulat ako nang makita ko si Sandro na nakaupo habang tumitingin sa bintana with a glass of wine in his hand. "S-andro bat di ka pa tulog?" tanong ko sa kanya, he just stared at me blankly. "San ka galing?" walang emosyon na tanong niya "N-nagpapahangin lang---- "Sinungaling!" bugad niya na ikinagulat ako, I back away from him scared at his tone. "N-nagpahangin lang nam-an tal-aga ako sa labas Sandro" utal kong sabi sa kanya, he laugh, an evil laugh that makes me cringe. "Humahanap ka talaga ng atensyon, gusto mong pansinin kita kaya nagdadrama ka sa harap ng mga kaibigan ko, tangina ka!" galit niyang sabi at lumapit siya sakin, umatras ako sa takot, natatakot ako sa kanya. He raised his hands and slapped me hard, napangiwi ako sa sakit, I forced back a sob. "S-sorry S-andro di na mauul-it" I stuttered, he grabbed my arm and grips it and I winced at the pain. "S-sandro nasas-aktan ako," I said while tears slid down my face, his eyes glaring at me evilly and he let my hands go. But then his eyes darkened again at lumabas siya sa kwarto namin. Napaupo ako sa kama at napahagulhol, tinakpan ko ang mukha ko sa aking mga kamay. Lasing lang siya kaya niya nagawa iyun, wala siya sa tamang pag iisip Faye. Humiga ako sa kama and I let the darkness fall over me.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD